Archive for November, 2007

ang panaginip ko habang nananaginip

Hindi maalis sa utak ko. Kailangan kong ikwento. Isang umagang maulan sa kalye ng katipunan habang naglalakad ako’t nakikipag giyera sa malalakas na hangin may nakita akong matanda. Nakaupo siya sa ilalim ng over pass na blue. Nauulanan siya pagka’t di siya nakapayong, naka jacket o anumang panangga sa ulan, andun lang siya, naka-indyan sit sa ilalim ng overpass na blue. Nag taka ako, pagka’t ang lakas ng ulan at hangin, hindi man lang ba siya nilalamig? Hindi ba siya magkakasakit niyan? At ‘tang ina, parang ako lang ata ang nakakapansin sakanya, kasi sa daming tao na dinaraanan siya wala man lang napapalingon. Sinabi ko sa sarili, ang gago na talaga ng mundo, wala man lang nakakapansin sa mga kawawang tulad niya. Kaya, nilapitan ko siya. At nagulat ako, hindi siya nanginginig, hindi siya nakasimangot, bagkus siya’y nakangiti… Hindi, siya ay naka ngisi.
“Um, Lo, okey lang ba kayo?” 
“Hindi ba halata?”
“Eh kasi nababasa ka, nauulanan ka, at malamang nilalamig ka na ngayon,”
“Bakit, yun ba ang basehan para maging OK?”
“Uh… Hindi ba?”

Nawiwirdohan na ako. Bakit siya naka ngisi? Bakit ang wirdo ng mga sagot niya? Bakit ko siya kinakausap?

“Bakit ka bigla tumahimik?”,  tanong nung matanda.
“Eh, kasi, ewan.”
“Yan ang problema kasi sa inyo, lagi kayong hindi sigurado.”
“Huh?!” Feeling mo ha, sabi ko sa sarili ko, genius ka ba?
“Yan, nagtatanong ka ulit, di ka ulit sigurado.”
“Eh, ikaw! Sigurado ka ba?!” Lumalakas ang ulan, lumalaki ang mga patak. Lumalakas din ang hangin. Naka ngisi parin siya.
“Hindi.”
“Yun pala eh! Eh anong pinag kaiba natin?”
“Eh kasi ako, nakangiti ngayon. Ikaw hindi.”

 Pare gising na, bell na.

Leave a comment »

Protected: KUMPLETO NA (IM me for password)

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Enter your password to view comments

ang sagot sa mga panalangin ay nakakapanindig balahibo

Mabait ang nanay ko ngayong araw. Mabait din siya kahapon, mabait din siya kahapon ng kahapon, mabait siya buong linggong ito. Iniisip mo siguro kung ano ang problema dun, MALAKI, yun ang sagot ko. Hindi naman kasi yun ang normal niya. Hindi mainitin ang ulo niya, hindi siya palaging naka simangot at nag tatanong siya kung may pera ako, tuwing inuulit ko ang mga pangyayaring ito sa isip ko, hindi ko mapigilan itanong: may taning na kaya ang buhay niya?

Yun ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Kasi hindi naman siya ganyan. Sa tagal naming pag sasama, tinanggap ko nang hindi siya perpektong ina. Pero bakit biglaan ang pagbabago? Sa tuwing lalapit siya, kinakabahan ako, ano bang kelangan nito? Para siyang isang time bomb, hinihintay kong sumabog, hinihintay kong lumabas ang tunay na katauhan. Pero sa buong linggong ito, hindi ito nangyari. Kaya kabado ako at ‘di mapakali.

Hindi ko sinasabing ayaw ko siyang maging mabait, sa katotohana’y lagi ko tong dinarasal, gusto ko kasi ng normal na nanay. Pero ‘tangina parang biglaan.

May taning na ba siya? Nakidnap ba siya ng mga alien at pinaglaruan ang isip niya? Nag ka near death experience ba siya at nag flash sa mga mata niya ang buong buhay niya? Kinausap ba siya ni Brad Pitt? Ewan ko.

Problemado ako sa kalagayan niya. Hindi ko na kasi siya makilala.

Pero hindi ba dapat ako matuwa? Sabi nga ni Rob, ienjoy ko nalang. Oo nga, tama siya. Ienjoy ko nalang. Siguro yun yung problema sakin, takot akong yumakap ng pag babago kasi hindi ko ito napag handaan, hindi ko ito alam. Siguro takot akong makita na mabait siya, kasi sa ganitong lagay, lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sakanya kelangan kong baguhin, kelangan kong kwestyunin. Siguro yun yung dahilan kung bakit hindi ako masaya, takot ako na mabago ang mga nasa isip ko na, takot akong humarap sa hindi ako sanay. Dibale nang gago.

Yun ang susubukan kong gawin. Susubukan kong tanggapin ng walang alinlangan ang pag babagong ito. Sumabog man siya ulit, bumalik man siya sa dati, ang mahalaga, na enjoy ko ang kapirangot na sandaling naging mabait siya at kaaya-aya.  

Leave a comment »

isang pagsesenti habang nakakulong at walang salapi

May tatlong bagay na talagang bumabagabag sa isip ng tao sa bawat panahon at henerasyon: kalayaan, kaluluwa/afterlife at Diyos .

Ito ang tatlong bagay na patuloy na nag niningas sa isip ng mga pilosopo sa bawa’t panahon. Isang pilosopong aleman na nag ngangalang Immanuel Kant ang nag sabing hindi daw talaga ito buong buo na maipapaliwanag o mabibigyan ng proweba at hindi rin naman ito kayang tuluyan nang mapasinungalingan, kaya mauuwi nalamang ang mga tao sa desisyon na kung gusto ba nila itong paniwalaan o hindi depende sa praktikalidad at sa mabuti nitong maidudulot sa lipunan. Maraming tutol sa ganitong pilosopiya ni Kant, isa na dito si pareng Richfried, ngunit hindi ko ito tatalakayin dito. Ang nais ko munang pagusapan ay ang essensya ng kalayaan. 

Kalayaan. Meron nga ba ako nito? Ikaw, meron ka ba nito? Totoo ba talagang may kalayaan tayo? Totoo ba na meron tayong free will? Marahil nasa isip mo ngayon, duh? like where have you been? duh? free will? Pero ano ba ang free will? Ginagawa ba talaga natin ang mga bagay bagay, pinipili ba natin ang ating mga desisyon depende sa gusto natin, o dahil ito ang gusto ng lipunan? Bibili ako ng sapatos, sigurado ba ako na ang bibilhin ko ay gusto ko, at hindi ang sinusubo sakin ng mga komersyal sa TV? Pag may syota ka kunwari, susubukan mo bang maging mapangahas dahil ito ang sabi ng midya, o magiging isang true love waits advocate ka kasi ito ang sigaw ng iyong rehiliyon? Yung magandang nakita dumaan kanina, maganda ba siya kasi maganda siya para sakin, o dahil ito ang gandang tinakda ng midya? Isa lang bang produkto ng lipunan ang ating mga desisyon sa buhay? Wala ba talaga tayong kontrol dito? Marahil nalalabuan ka na, natatawa o nagagago, ako rin eh.

Siguro yun ang dahilan kung bakit nabaliw si Nietzsche at marami pang ibang mga pilosopo. Siguro yun ang dahilan kung bakit may mga radical na pemenista ang nalululon sa droga at mga punkista na nag papakamatay, masyado nilang hinahanap ang kalayaan. Sa tingin ko, ang kalayaan ay hindi talaga wagas, hindi ito pure kung baga, isa itong napaka labong salita. Isang salita na may essensyang puno ng kahiwagaan, parang isang kaliedescope, imagine mo yung katulad sa barberyang dalawang salaming magkaharap, walang tiyak na katapusan. Siguro darating ang panahon na maiintindihan din nating ito,  o baka hindi, ewan. Pero siguro, hindi naman importante na talagang maintindihan natin ang kalayaan eh. Siguro hindi naman ganun kaimportante na maging malaya tayo sa lahat ng bagay na may epekto sa buhay natin. Siguro sapat nang masaya tayo sa kalayaang natatamasa natin, maging ano mang klase ito, lubusan man o kahit konti konti lang. Siguro hindi naman ganun kasama maimpluwensyahan ng lipunan. Bulok man ito at puno ng kagaguhan, kabilang parin naman tayo sa lipunan eh. Hindi ko sinasabing maging mga alipin tayo nito, pero naisip ko lang na baka sa pilit na pag hulagpos mo dito, imbes na makamit mo ang tunay na euphoria ng pag ka kalas, ang mauwian mo ay isa lamang hungkag na kaharian ng araw. Hindi masama maging iba, sa totoo nga mahalaga ito pagka’t ito ang susi ng pag babago, kaso lang ang problema dito ay kung nais mo nang mahiwalay, hindi lang maging iba at bago kundi maging isang estranghero na sa sarili mong pinag mulan sa tindi ng nais mong maka laya. At sa ganitong radikal na pag iisip pinapanganak ang mga self-righteous son of a bithces. Sori, wala na akong maisip na iba pang adjectives na bagay. Hindi ko naman nilalahat eh, pero malaki ang tyansa.

Mahirap talagang intindihin ang kalayaan. Mahirap malaman kung meron ka ba nito o wala. Pero sana, hindi tayo malasing sa mga hungkag na pangako ng ating mga ilusyon sa kalayaang walang maliw.

 takte, sa tingin ko andami kong falacies na nagawa, pasensya na,

Kaya pwede rin natin tanungin ang ating mga sarili, ang hindi ko ba pag sunod sa magulang ko ay isang uri ng pag papalakas ng aking kalayaan, o isa lang uri ng paghulagpos sa ilalim ng kamandag pop culture o main stream midya? Hahahaha! Jowk! Punks not dead! hahahaha….  

May mga stoic, may mga tao na tingin ay ang will ang absolute, may mga tao na ang tingin ay ang tanging totoo sa buhay nila ay ang mga desisyong ginagawa niya, eh ikaw?

Comments (1) »

may nag sabi sakin na ang problema ay nag hahanap ako ng laban na hindi naman para sakin

Ito ang unang beses na humiram ako ng libro sa library. WOW, ang cool pala. I-sesearch mo lang sa computer at baam!!! Siguradong makukuha mo na, salamat talaga Geoff. Tapos ang galing din nung machine, parang cash register na high-tech. Ang saya talaga. Sumubok ako ng bago.

 Pag labas ko ng library ang saya-saya ng hawak ko sa libro, ito ang unang librong hiniram ko, sabi ko sa sarili ko, ito ang simula ng pag-babagong buhay… hahaha, I wish. Jenseits von Gut und Boese ang pamagat sa aleman, Beyond Good and Evil naman ang salin sa salita ng mga albino, hindi ko alam kung pano ko ‘to masasalin sa Pilipino, patawad.

Nasimulan ko na ang libro. Intro palang pupunuin ka na ng mga nakahuhumaling na mga salita, yung mga tipong mapapa: ‘tang ina, okey to ha, kaso lang parang nakakatamad. Pero malupit kasi yung mga pananaw ni Friedrich Nietzsche, o kung sa tawagan namin ay si pareng Richfried. Yung mga tipo kasi ng mga pananaw niya yung mga pwede mong isagot sa nanay mong tumatalak sayo, yung mga tipong “ma, ano ka ba, hindi mo ako naiintindihan kasi I’m a Philisopher of the Perilious Perhaps constantly driven by my will to truth, at ikaw ma, nakalulungkot mang sabihin ay isang Slave of moral prejudices void of thinking thus viewing the world with another manipulator’s spectacles.” Lupet diba? Yun yung mga tipong mapapatunganga sayo yung nanay mo, mapapa isip ng ilang segundo, marahil hindi niya ito maiintindihan, kaya sasampalin ka nalang niya para hindi mapahiya pero maniwala ka sakin, pag higa niya sa kama mamayang gabi mapapangiti siya at sasabihin sa sarili niya: ’tang ina, lupet na ng anak ko…

 Marami pa akong gustong sabihin, kaso lang naisip kong basahin pa lalo yung libro, kaya hanggang dito na muna.

what is done out of love always happens beyond good and evil    

Comments (1) »