ang panaginip ko habang nananaginip

Hindi maalis sa utak ko. Kailangan kong ikwento. Isang umagang maulan sa kalye ng katipunan habang naglalakad ako’t nakikipag giyera sa malalakas na hangin may nakita akong matanda. Nakaupo siya sa ilalim ng over pass na blue. Nauulanan siya pagka’t di siya nakapayong, naka jacket o anumang panangga sa ulan, andun lang siya, naka-indyan sit sa ilalim ng overpass na blue. Nag taka ako, pagka’t ang lakas ng ulan at hangin, hindi man lang ba siya nilalamig? Hindi ba siya magkakasakit niyan? At ‘tang ina, parang ako lang ata ang nakakapansin sakanya, kasi sa daming tao na dinaraanan siya wala man lang napapalingon. Sinabi ko sa sarili, ang gago na talaga ng mundo, wala man lang nakakapansin sa mga kawawang tulad niya. Kaya, nilapitan ko siya. At nagulat ako, hindi siya nanginginig, hindi siya nakasimangot, bagkus siya’y nakangiti… Hindi, siya ay naka ngisi.
“Um, Lo, okey lang ba kayo?” 
“Hindi ba halata?”
“Eh kasi nababasa ka, nauulanan ka, at malamang nilalamig ka na ngayon,”
“Bakit, yun ba ang basehan para maging OK?”
“Uh… Hindi ba?”

Nawiwirdohan na ako. Bakit siya naka ngisi? Bakit ang wirdo ng mga sagot niya? Bakit ko siya kinakausap?

“Bakit ka bigla tumahimik?”,  tanong nung matanda.
“Eh, kasi, ewan.”
“Yan ang problema kasi sa inyo, lagi kayong hindi sigurado.”
“Huh?!” Feeling mo ha, sabi ko sa sarili ko, genius ka ba?
“Yan, nagtatanong ka ulit, di ka ulit sigurado.”
“Eh, ikaw! Sigurado ka ba?!” Lumalakas ang ulan, lumalaki ang mga patak. Lumalakas din ang hangin. Naka ngisi parin siya.
“Hindi.”
“Yun pala eh! Eh anong pinag kaiba natin?”
“Eh kasi ako, nakangiti ngayon. Ikaw hindi.”

 Pare gising na, bell na.

Say your words