Archive for December, 2007

hahahaha!

tang ina! gumana! hindi na ako nag hintay ng bukas! hahahaha! natatawa ako! tang ina! alam ko na ang formula! hahahahaha! sinabayan akong kumain, kahit hindi ko naenjoy ang pagkain, natuwa naman ako kasi nandun siya sa table. hahahaha!

Hindi ko alam kung natutuwa ako o natatawa, o sabay, natutuwa na natatawa. hahaha. Iniisip mo siguro ang gago ko kasi isang experiment lang pala ang nanay ko, pero hindi, natutuwa lang ako kasi after 18yrs, ito lang pala ang dapat kong gawin! hahaha.

Salamat sa Diyos, nakakatuwa.

Formula:

talk in a very composed manner, wag mag papadala, laging no emotions and tono

present to her the case, and show that she may be right… but she’s wrong! hahaha…

show that you are not afraid, or you feel no hurt, or anything

never look her in the eye, kasi madadamay ka sa emotions niya, instead do something else, computer, read, stuff

never let her sway you out of the topic

make her realize that she is out of control

dig into her emotions

show her that you are the victim and she is the culprit

but even though she’s the bad guy, show her that she is not in control of those emotions and she could change

never point a finger directly, it will get her mad, always slightly,

let the pointing come from her, don’t let her hear she’s evil, let her conscience do it

always be cool and calm

presto!

Comments (2) »

Protected: the art of pacifying a mother (just IM for password)

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Enter your password to view comments

20 random people

//just trying it, never really did stuff like this before, hehehe…

Name 20 people you can think of right off the top of your head.
Don’t read the questions underneath until you write the names of all 20 people.
This is a lot funnier if you actually randomly list the names first.
-Pass On-
1. m*****t, hehehe, pero seryoso toh. hahaha
2. pope john paul
3. basil rabi
4. rob roque
5. justine nieves
6. bener
7. jansen go
8. meg
9. ann
10. clarisse
11. jona
12. joseph
13. jesus
14. greggy ortiz
15. angel
16. jonas
17. ian lacsamana
18. henson turalde
19. tasha
20. noreen

how did you meet 3?
pisay dorm mate and classmate

what would you do if both 2 and 6 were going out?
pope john paul’s dead, and i think bener is straight, but it would really be spooky, headliner!

waht do you know about number 8?
um, manipulative, hehehe. really laughs hard. jolly and smart girl.

what do you think of number 7?
um, nice dude.

what would you do if 5 confessed he/she loves you?
damn, she’s my cousin. I really love my cousin.

a fact about 9?
my blockmate

who’s going out with 1?
hmmm…. sana ako! hahahaha. joke.

what does number 4 do for a living?
smile? chicks give him anything he wants, hehehe.

where does 7 live?
no idea

what do you like about number 1?
hmmm… hehehehe

do you miss number 2?
yah, he’s dead, but i think he really is cool.

what’s your opinion of number 6?
misunderstood fellow.

what do you think about number 5?
really good and kind person, good at math.

what would you do if 3 and 8 were going out?
they would be a really really cool couple! oo nga, papakilala ko sila sa isa’t isa!

who does 2 like?
God?

is number 4 hot?
wow! sakto sa tanong! hahahaha! syempre naman!

what can you say about number 10?
future handmaid? hahaha. um, really cool person!

does 20 know 16?
i don’t know, not likely

what sports does 14 play?
badminton

what school is 17 from?
pisay then UP

Will 18 and 12 work out as lovers?
they are both guys, but i don’t know

is 11 friendly?
yah.to others.hahaha.

would you go out with 13?
i would centainly go out with JESUS!

are you close to 15?
define close. but yah, were friends.

ever dated 19?
hmmm… nah, hehehe.

is 16 a good friend of yours?
yup!

what would you like to say to 12?
merry Christmas!

What would you like to say to 17?
tang ina mo bakla ka! hahahaha.

ever gotten into a fight with 18?
no.

describe 20.
um, yfc ate? kind?

what if 11 and 15 dated?
ones my mom and anothers my friend, both are girls, hehehe, but i don’t know

would 16 and 19 make a good couple?
they would be a funny match! jonas is pretty short while tasha is so tall. But both are good people.

is 14 a good kisser?
i don’t know. don’t want to find out.

how about 19?
i don’t know. —

one word reminds you of 2?
God

Leave a comment »

My Daily Musings with Christmas

Yesterday I saw Christmas.
She was in red,
the color of passion she said.
She continued to walk,
strut her new red outfit,
do you like it? Do you like my new red outfit?
Of course I do, I answered,
what else coud I say.
Well, have a nice day, she said,
as she strut away.

This morning, again, I saw Christmas,
Good day, I cheered, I see the sun is up.
Yes it is my dear, that’s why I’m off,
She was in blue sparkling in the sun,
serenity bled in her legs as she ran,
Bye for now, I should keep up, she said.
Of course you should, but if you may,
I prefer you in red.

Tommorow, again, Christmas passed me by,
naked.
humming a melody I knew not.
What is that music?
It is yesterday’s voice, she said.
Ah, of course it is, the music of blue and red.
I almost forgot, today is tommorow,
The day void of hope, filled with sorrow.
Like my color? She teased.
Color of your skin, that is?
No, the color of my dress? She persisted.
I see naught, red or blue,
or any color that i knew, I’m sorry.
Dissappoinment drew in her face, she squirmed:
Remember, today is tommorow.
I hope now you know.
Yes you’re right. Forgive me, I said.
Now I see her color was of time,
was of music twisted to laughter and love,
was of hope drained with security,
was her sun-tanned body.

Next month, I never saw Christmas again.
Not in blue, not in red,
nor in any color I have said.
Not in the wind, not in time,
not in the twisted emotions
or the sanctity of crime.
I saw her no more,
only in dreams did she visit.
Not in blue, not in red,
but in the color of tears shed
for the longing of her,
because she was once loved.
Loved by me,
and loved by you,
love lost in the labyrinth of colors and faith.

Comments (3) »

nobela ng karuwagan

Nung isang gabi sumakay ako ng jeep pauwi, kakatapos lang nun ng Christmas party at punong puno ang utak ko ng mga pantasya ng dalawang linggong pahinga. Punong puno rin naman ang bag ko ng mga regalo, maliliit, malalaki, template gifts at personal gifts, pero ’di ko ’to masyadong pinansin, ang tanging nasa isip ko ay ang pagkakataong makatulog ng walong oras, o higit pa. Traffic, patigil-tigil ang jeep, pero hindi ako nabanas, nasa isip ko: konting tiis nalang, nasa bahay na ako, pwede na kong mag relax. Yakap yakap ang bag ko tinitigan ko ang mga kasabay kong pasahero, baka may maganda, sayang naman, pam paalis ng stress ng traffic, hehehe. Sa pag lingon lingon ko bigla kong nakita itong dalawang batang gus-gusin na biglang umakyat ng jeep. Isang babaeng mahuhulaan mo na ate nung karga-karga niyang uhuging bata, siguro yung babae ay 9 years old at yung batang lalaki ay 2 years old. Sigaw agad ang driver: Tang ina niyo! Baba kayo! Bilis, nananakot kayo ng pasahero. Pero para bang walang narinig ang dalawang bata. Upo parin sila sa bakanteng pwesto, deretso sa harap ko. Sanay na ako sa mga batang ganun, lagi kong iniisip na isa lang nanaman ‘tong gimik. Kadalasan hindi ko pinapansin, ni tinitignan ang mga batang ganun, dungaw agad ako sa labas, pero ngayon, para bang naisip kong titigan ang dalawa at alamin ang ginagawa nila.

Pinunasan ng ate ang uhog ng batang kapatid gamit ang damit niyang puro grasa at itim na putik, para tuloy nagkaroon ng bigote ang bata. Binulungan ng ate ang kapatid, sabay tulak ng mahina. Tumayo ang bata habang umaandar ang jeep at nag simulang namalimos, sumabay ang ate sa pag hingi ng barya. May hawak silang mga tansang ginawang tamborine, pero di sila nag carol, humingi lang sila. Inisa isa nila ang mga sakay: isang gurong mataba ang nilapitan ng batang lalake, hindi namansin ang babae; kinalabit nung gusgusing ate ang isang babaeng naka make up, mukhang sekretary, napasigaw sa gulat ang ale at minura ang bata; linapitan naman nung batang lalake yung isang janitor, wala itong naibigay, umiling lang ito; tumingin sakin ang batang babae, inasahan kong hihingi rin siya ng barya pero nilagpasan niya lang ako at nag patuloy sa pag limos sa katabi ko sa kaliwa. 

Natuliro ako, bakit siya hindi humingi sakin?! Gusgusin din ba ako, naisip kaya niyang baka pulubi rin ako? Ganun ba ako kasungit tignan? Sobra ba akong mukhang kuripot? Hindi ako naasar o nagalit, nalito lang ako’t nag taka, bakit kaya?

 Walang nag bigay sa dalawang bata, gumalaw na ang jeep sa traffic, pero hindi parin bumababa ang dalawa. Naisip ko tuloy humakot sa bag ko, I’ll prove you wong kiddo! I’m a good guy! Hehehe, joke. Naawa lang talaga ako at naisip kong baka sitwasyon to para gumawa ako ng tama, baka ito ang paraan para gumaan ang pakiramdam ko, isang opportunity to feel that I am good. Hinablot ko ang isang maliit na regalo sa bag ko at sinamahan ko ng mga kendi at tsokolate. Inabot ko sa babaeng pulubi na tila nag mamadali, agad niya naman itong kinuha at dahan dahan binuksan ang regalo. Ang ganda, sabi niya, agad niyang hinati ang mga tsokolate sa kanilang dalawa. Buong panahon na iyon, di parin tumitingin sakin ang bata. Hindi siya nag pasalamat, pero kita kong kontento siya sa regalo. Pero sa loob loob ko, hindi ko parin ganun na feel na mabait ako. Bakit Jason hindi ka masaya? Gumawa ka naman ng tama ha. Pero hindi talaga ako kontento. Inisip ko kung bakit, bakit sa tingin ko hindi kumpleto ang pagtulong ko, bakit parang may kulang?

Bumaba na ako at lumipat ng jeep, bumaba narin ang dalawang bata, sa pangalawang jeep patuloy kong iniisip kung ano ang mali, ano ang kulang. Hanggan napatingin ako sa isang banner sa labas ng isang eskwelahan: Merry Christmas. Oo nga, yun ang kulang ko.

Inabot ko ang regalong nagmamadali, tulad nung bata, hindi ko siya nakayanang tignan nung inaabot ko ang regalo. Oo nga’t natititigan ko siya, pero pag darating na ang panahong titingin narin siya, iniiwas ko ang tingin ko. Kaya siguro hindi siya humingi sakin, alam niyang takot ako. Takot akong harapin na may mahirap sa harap ko at hindi ko alam ang gagawin. Takot ako na kung malaman ko man ang sulosyon, ang dapat kong gawin, patuloy na nitong guluhin ang buhay kong tahimik, patuloy na nitong bagabagin ang konsensya ko. Siguro naawa sakin ang bata, siguro naisip niya na baka hindi ko kaya. Binigay ko ang regalo para busugin ang konsensya kong naghihikaos na tumulong ako ng totoo sa iba. Binigay ko ang regalo hindi dahil gusto kong tumulong, binigay ko para hindi ko maramdamang masama ako, para maisip kong may ginagawa ako kahit wala naman. Pag bigay ko nga ng regalo, ni hindi ko man lang sila nabati ng Merry Christmas kasi takot akong magkaroon ng koneksyon, kasi alam kong itong koneksyon na maaaring mabuo ang magbabago sa tinatahak kong makamundong pangarap. Ang duwag ko.

Siguro ito ang sinasabi ng isang pari, it never helps to be a good donor. Oo nga, kasi I give out of guilt and not out of love. I give just for the sake of giving, not because I feel them. I think that is what I need, the courage to face the problem that is kissing me in the face. I need the courage to step out of my comfort zone and really help rather than be a comfortable donor. I need to feel for others just like what Jesus did. I need to face the fact that I have a burden to carry and its not light. I need to understand that I don’t only live for my self, and there is a larger world out there that I need to brave. I need to stop being a selfish coward.  

     

Comments (1) »

Ang Laban, Mary’s Magnificat

Sino nag sabi na tinuturo ng simbahan ang pag papa-api at pikit matang pagtitiis?

In the Magnificat, Mary presents herself as the model for all those described by Pope John Paul II: ‘Those who do not passively accept the adverse circumstances of personal and social life and who are not victims of alienation as the expression goes today, but who instead join with her in proclaiming that God is the avenger of the lowly and will, if need be, depose the mighty from their thrones.’

Pano mo masasabing religion is the pacifier, the opium, of the oppressed? NO! Religion is the righteous fire that burns in the hearts of its believers. Religion is the voice of the masses, of the oppressed. Religion is the body of the poor. Religion is the cohesive force that keeps the oppressed together as they battle for freedom, for social justice. God does not want people to close their eyes and willingly accept shit as a lot of people believe, God wants His people to be vigilant, to fight for what is Good. God is no Opium, instead He is an eye opener. Religion as a pacifier, as a reason to accept oppression as mere fate, is not true Christianity, but only for the weak of heart. True Christian faith is vigilant. Our God is the King of Justice, and as followers we need to fight, to kick ass and always have a watchful eye.

Sinusubukan kong magkaroon ng daily reflection sa Gospel hanggang Pasko, aking maliit na Christmas Special, hehehe.

Comments (4) »

rendezvous

Is it your hair and your eyes today?
Or it’s just that I’m simply taken away?
Maybe its only the feeling that I’m falling further in love,
or the shivers? But yeah, shivers in a good way, yeah, in a good way.

Will it really take forever to touch you?
How will I know that you feel me somehow?
Even though I think your the closest to heaven I’d get,
I ain’t sure if I want to go home right now. I aint sure, right now.

Is it really you and me? Will the people have nothing really to do about it?
Will there be nothing to lose?
And its just you and me, us, and all of them,
and if I only knew why I can’t take my eyes off of you,
I think things would be better off.

Is it the smile on your face that lets me know that you need me?
Is there ever truth (i see deceit vividly) in your eyes
saying you’ll never leave me, like they all did?
Its the touch, yes indeed, the touch of your hand that talks and says:
You’ll catch me, will you ever catch me whenever I fall?
I think you say it best,
not when you say nothing at all.

Will I ever want to say goodbye?
Why is it just so hard, so difficult to be faithful that is,
is it really the lips of an angel? Or just the best wine mixed with hippie acid?

Yes I know that the moonlight shines over paris,
but should it really be after the sunset?
Of course the london bridge is falling,
but what would the sound be? A crash I suppose?
A crashing sound.
I followed the sunset, yes I did (and I always ended up in your doorstep)
Of course the moonlight shines on paris, but will it ever, ever, shine here?

I guess this is the end of it,
the time to sum it all up,
But to draw a collage as a portrait
is impossible you see?
Parting words never end,
But its the waving and the waning of hope
that continous to taunt.
Will it ever be a portrait? Will it ever end?
Will you ever be my portrait? Will this never end?

Comments (1) »

sa kalsada ng grasa at putik

Naniniwala ako sa araw at kung paano ito nagbibigay ng init, at nakakatusta ng balat. Naniniwala ako sa buwan, kung pano ito nagbibigay ng liwanag sa gabi, at kung pano rin nito kinukutya ang mga pangarap. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng hangin, di man nakikita ngunit nakakatumba, hindi man nakikita ngunit nakapipinsala. Naniniwala ako sa mga bituin, na patuloy na kumikislap, patuloy na nag papaasang maaabot ito ng mga ngiting walang maliw. Naniniwala ako sa katapusan, isang bagay na hahagod sa lahat ng hinagpis, isang bagay na kauuwian ng lahat.

Hindi ako naniniwala sa pagibig at kung paano ito naninira ng buhay. Hindi ako naniniwala sa pagasang nag bibigay sigla, numero unong bumabasag sa puso ng tiwala. Hindi ako naniniwala sa edukasyon na nag bibigay kaalaman, na siya rin dahilan kung bakit may bobo. Hindi ako naniniwala sa kapayapaan na nagdudulot ng pagkitil ng ingay ng kalayaan.

Nais kong maniwala sa bukas. Nais kong maniwala sa pagkakaibigan. Nais kong maniwala sa konsepto ng pamilya at kung paano ito hindi natitibag. Nais kong maniwala sa lakas na taglay ng tao. Nais kong maniwala sa pagmamahal at sa mga pangako nitong walang maliw na kaligayahan.

Gusto kong maintindihan ang kapangyarihan ng musika. Gusto kong maintindihan ang bulong ng anghel. Gusto kong maintindihan ang katotohanang hunyango sa likod ng dingding. Gusto kong maintindihan kung bakit ako mahal ng pagkakataong hinabi ng Panginoon.

Leave a comment »

cxxC in singapore

Unang una, kahit hindi ganun kataas ang result ng standing ng ateneo(philippines) sa Asia-Singapore ACM (programming contest) sa NUS, gusto ko lang sabihin na magaling parin kayo team cxxC! Ito ang mga nanalo:

1. Prime: Shanghai Jiao Tong University
2. Othello: Zhejiang University
3. Excalibur: Peking University
4. Sofasquad: Shanghai Jiao Tong University
5. ZSU_Phecda: Zhongshan (Sun Yat Sen) University
6. B.F.W: National Tsing Hua University
7. YoiMon: Binus University
8. Metaphor: Fudan University
9. Tokiers 020606: National University of Singapore
10. Larva: Shanghai University

 pang 38/48 ang ateneo(philippines) pero hindi yun nakakahiya, kasi sa totoo lang, sobrang galing nila james, jay at will, sa tingin ko bad day lang. Nakasagot daw sila ng 1 out of 7, ang 1st at second nakasagot ng 6 out of 7. Pero hindi dun nagtatapos ang kwento, maganda ang laban, nag kalugihan lang daw. Ang pangyayari kasi, maraming tanong kung saan nag submit talaga ang team cxxC, kaso lang nag ti-time limit exceeded. Tang ina, sayang. Ang mga algorithm (a programmers weapon!) daw kasi na ginamit para sa dynamic ay hindi ganun kabilis pag super laki na ng “N” mo, ayon kay doc mana. Basta eto, marami sana silang natamang sagot, minalas lang sa oras at sa algong ginamit. Yung brute force method ay hindi kayang ipilit sa time limit. Sayang, yun lang.

Pero kahit ganun, naniniwala parin akong kayang-kaya bawiin ng ateno ang pagiging pinaka malupet sa pilipinas at isa sa pinaka magaling sa buong mundo. Naniniwala ako na sa susunod na taon, luluhod ang china at mag mamakaawa, hehehe… Naniniwala ako sa galing ng mga ateneo programmers, lalong lalo na kay Ivan! Hehehehe…

—–

Para sa mas magandang blow by blow : http://blog.360.yahoo.com/blog-0OCENX4haau1oA38TsiK4DP2YLk-?cq=1 , blog ni doc mana

—– 

“You are like my semi-colon, what ever i do, wherever i go, i always end up with you.”    

Leave a comment »

tunay akong SOSE, pero pwede rin pala akong SOSS

i took the test in quizfarm: what ateneo school best fits youpwede kang pumunta ng www.quizfarm.com at i-search ang ateneo,makikita mo agad or try this link:
http://www.quizfarm.com/quiz_repository/new/197102/

What Ateneo de Manila University “school” fits you best?

You scored as a School of Science and Engineering
you are fit for SOSE, you are geeky, different and absurd at times, you have your own world, but you don’t care because you are happy. you tend to be lazy because of your overconfidence. your brilliance is your crown.
School of Social Sciences
50%
School of Science and Engineering
50%
School of Humanities
29%
School of Management
7%

Comments (1) »

underground speech ni gloria

secretly recorded while she was taking a bath, reader discretion is advised 

To the people of the Philippines, gusto ko kayong batiin sa magaling na pamamalakad ko, ang galing ninyo, kasi sobra kong napataas ang ekonomiya natin! 45 nalang ang piso! Hindi niyo ba nararamdaman ang pag angat ng ekonomiya? 45 nalang ang piso! Hindi niyo ba nakita ang presyo ng mga bilihin?! 45 nalang ang piso! Ang galing ng Pilipinas kasi napaangat ko ang ekonomiya!

Gulo?! San napadpad si Trillanes? Wala na diba? Galing ng mamamayang Pilipino, kasi nasugpo ko agad ang rebelyon! Pandaraya?! Ako?! Nasan na sila? Justice shall prevail kasi hindi ako nakakulong! Pinagpala ng Diyos ang Pilipinas kasi pinapalakad ko ito sa mga alituntunin ng DEMOKRASYA! KALAYAAN! AT THE PHILIPPINE WAY! Galing ng bansa natin!

Agrikultura?! Aba, nagawan natin ng paraan yan! Pinatag ko na yan lahat! Galing ng Pilipinas noh? Sumilao? Ah… Wala na kasi ako diyan kinalaman eh, kung ako lang talaga ang may kapangyarihan diyan, sus, matagal ko na yan ginawan ng paraan, pero i should respect pangandangan’s decision…(ma’am. its still your call…) Shut up if i’m not talking to you kids… Gusto niyo ng curfew?! Wlang embassy for a week?! Hmmm… Balik sa agraryo, um… Marami akong nagawa ha, kung gusto ninyo ng proweba, tignan ninyo friendster account ko! May mga testi ni Cojuangco, Escudero at kahit ni Cory Aquino! I love FARMING! I love FARMING!

Sa huli’t huli, pinagmamalaki ko ang ating bansa, kasi magaling akong pangulo! 45 nalang ang piso!

Leave a comment »

jester ni God

Kanina sa Gateway napadaan ako sa St.Pauls, at as usual nag tingin tingin ako ng mga pangarap kong libro na di ko mabili kasi wala akong pera, at sa isang libro na dinaanan ko, Furrow ang pamagat at sinulat ni St. Escriva, may nakita akong cool na passage, pero nalimutan ko na yung eksaktong mga salita pero ito yung pag kakaintindi ko (syempre tagalized at jasonized na):

Wag kang magagago kung pag nag darasal k, parang wala kang inner feelings. Kung baga, nag dadasal ka lang para matupad mo yung tungkulin mong mag dasal, hindi dahil trip mo talaga. Wag ka daw makukupal kung ganito ang nangyayari sayo, kung nararamdaman mong nag dadasal ka para lang ma-please si God, at hindi dahil feel mo, ok lang yun. Dapat nga masaya ka, kasi para kang jester ni God, kung baga ginagawa mong mag dasal para masayahan Siya, kahit hindi mo feel, ginagawa mo parin, linalabanan mo ang mga bulong ng mundo.

Cool diba? Parang bagong insight sa pag darasal. At yung translation ko, influenced ko na, kaya baka hindi ganyan ang lalabas kung kayo na ang makakabasa.

Comments (1) »

kablam

bagong pahina:

liners, mga sinabi

adventures, mga paglalakbay niya 

Leave a comment »

ang puso ng matsing

bumulusok ang
dura sa rumaragasang
alon ng tubig

Leave a comment »

yfc ang aking ophthalmologist

Kakagising ko lang, galing kasi ako ng YFC youth camp. Ang saya. Ang lamig. Ang ganda. Wala talaga akong inasahan, facilitator kasi ako at hindi participant, kaya hindi pumasok sa isip ko na marami akong makukuha sa camp. Ang inasahan ko, ako ang mag bibigay, ako ang mapapagod, ako ang maglilingkod, pero nag kamali ako.

Katulad ng mga participant, marami akong natutunan, marami akong nadiskubre at mas lalong napalakas yung pananampalataya ko. Sa tingin ko, ang mga facilitator ay tulad din ng mga participants sa ibang paraan. 

Totoo nga na hindi mo malalamangan ang Diyos sa pagiging galante.   

Pumunta ako ng camp na dala dala sa isip ko na: andito ako para paglingkuran si Jesus, pero ang kinauwian, katulad ng palaging nangyayari, ako ang pinagsilbihan ni Jesus. Bineybi Niya ako, at pinaalala ang kanyang pag mamahal. Ginulo niya ang natutulog kong pananampalataya. Ang galing Niya.

Naalala ko tuloy yung isang kwento, tungkol siya dun sa lalaking namatay sa baha dahil hindi siya nag paparescue sa mga helicopter at sinasagot niya: Wag niyo na akong iligtas, mabait at malakas ang pananampalataya ko, si Jesus ang mag liligtas sakin. Kahit sino pa man ang pumunta para iligtas siya, hindi siya dito sumasama at iyon ang sinasagot niya. Lumakas at tumaas ang bagyo, hindi siya nailigtas, namatay ang lalaki.

Yun siguro yung isang tema na tinanim ng YFC camp sakin, wag akong mag papakatanga. Nitong mga nakalipas lamang na araw bago mag camp, nasa panahon ako ng buhay kung saan iniisip ko kung bakit hindi man lang ako binababaan ng Diyos. Iniisip ko, hungkag nga ba ang pananampalataya ko. Hindi sa nag dududa ako kung may Diyos, kundi: asan Siya? At salamat, sinagot niya yung tanong ko. Nasa paligid ko lang Siya. Nasa mukha siya ng mga kaibigan ko. Cliche man, iba talaga kasi pag naramdaman mo na mismo. Pag nakita mo na mismo. Si Jesus ay nasa mga kaibigan kong araw araw kong nakakasama, ngunit ‘di ko to napapansin kasi masyado akong mayabang. Masyado kong pinapa-overrate ang sarili. Lagi kong naiisip na I deserve better than this, na hindi ko man lang naisip: Is there anything better than this? Wala na. Yun ang sagot na pinakita saking ng YFC. Wala nang mas hihigit pa. Nakikita ko na ang mukha ng Diyos. Ano pang mas mag papasaya sakin? Inalis ng YFC camp ang cataract na nag papalabo ng mata ko. Buti nalang maaga ito naalis, bago pa ako nalunod sa sarili kong kagaguhan.   

Comments (1) »