Nung isang gabi sumakay ako ng jeep pauwi, kakatapos lang nun ng Christmas party at punong puno ang utak ko ng mga pantasya ng dalawang linggong pahinga. Punong puno rin naman ang bag ko ng mga regalo, maliliit, malalaki, template gifts at personal gifts, pero ’di ko ’to masyadong pinansin, ang tanging nasa isip ko ay ang pagkakataong makatulog ng walong oras, o higit pa. Traffic, patigil-tigil ang jeep, pero hindi ako nabanas, nasa isip ko: konting tiis nalang, nasa bahay na ako, pwede na kong mag relax. Yakap yakap ang bag ko tinitigan ko ang mga kasabay kong pasahero, baka may maganda, sayang naman, pam paalis ng stress ng traffic, hehehe. Sa pag lingon lingon ko bigla kong nakita itong dalawang batang gus-gusin na biglang umakyat ng jeep. Isang babaeng mahuhulaan mo na ate nung karga-karga niyang uhuging bata, siguro yung babae ay 9 years old at yung batang lalaki ay 2 years old. Sigaw agad ang driver: Tang ina niyo! Baba kayo! Bilis, nananakot kayo ng pasahero. Pero para bang walang narinig ang dalawang bata. Upo parin sila sa bakanteng pwesto, deretso sa harap ko. Sanay na ako sa mga batang ganun, lagi kong iniisip na isa lang nanaman ‘tong gimik. Kadalasan hindi ko pinapansin, ni tinitignan ang mga batang ganun, dungaw agad ako sa labas, pero ngayon, para bang naisip kong titigan ang dalawa at alamin ang ginagawa nila.
Pinunasan ng ate ang uhog ng batang kapatid gamit ang damit niyang puro grasa at itim na putik, para tuloy nagkaroon ng bigote ang bata. Binulungan ng ate ang kapatid, sabay tulak ng mahina. Tumayo ang bata habang umaandar ang jeep at nag simulang namalimos, sumabay ang ate sa pag hingi ng barya. May hawak silang mga tansang ginawang tamborine, pero di sila nag carol, humingi lang sila. Inisa isa nila ang mga sakay: isang gurong mataba ang nilapitan ng batang lalake, hindi namansin ang babae; kinalabit nung gusgusing ate ang isang babaeng naka make up, mukhang sekretary, napasigaw sa gulat ang ale at minura ang bata; linapitan naman nung batang lalake yung isang janitor, wala itong naibigay, umiling lang ito; tumingin sakin ang batang babae, inasahan kong hihingi rin siya ng barya pero nilagpasan niya lang ako at nag patuloy sa pag limos sa katabi ko sa kaliwa.
Natuliro ako, bakit siya hindi humingi sakin?! Gusgusin din ba ako, naisip kaya niyang baka pulubi rin ako? Ganun ba ako kasungit tignan? Sobra ba akong mukhang kuripot? Hindi ako naasar o nagalit, nalito lang ako’t nag taka, bakit kaya?
Walang nag bigay sa dalawang bata, gumalaw na ang jeep sa traffic, pero hindi parin bumababa ang dalawa. Naisip ko tuloy humakot sa bag ko, I’ll prove you wong kiddo! I’m a good guy! Hehehe, joke. Naawa lang talaga ako at naisip kong baka sitwasyon to para gumawa ako ng tama, baka ito ang paraan para gumaan ang pakiramdam ko, isang opportunity to feel that I am good. Hinablot ko ang isang maliit na regalo sa bag ko at sinamahan ko ng mga kendi at tsokolate. Inabot ko sa babaeng pulubi na tila nag mamadali, agad niya naman itong kinuha at dahan dahan binuksan ang regalo. Ang ganda, sabi niya, agad niyang hinati ang mga tsokolate sa kanilang dalawa. Buong panahon na iyon, di parin tumitingin sakin ang bata. Hindi siya nag pasalamat, pero kita kong kontento siya sa regalo. Pero sa loob loob ko, hindi ko parin ganun na feel na mabait ako. Bakit Jason hindi ka masaya? Gumawa ka naman ng tama ha. Pero hindi talaga ako kontento. Inisip ko kung bakit, bakit sa tingin ko hindi kumpleto ang pagtulong ko, bakit parang may kulang?
Bumaba na ako at lumipat ng jeep, bumaba narin ang dalawang bata, sa pangalawang jeep patuloy kong iniisip kung ano ang mali, ano ang kulang. Hanggan napatingin ako sa isang banner sa labas ng isang eskwelahan: Merry Christmas. Oo nga, yun ang kulang ko.
Inabot ko ang regalong nagmamadali, tulad nung bata, hindi ko siya nakayanang tignan nung inaabot ko ang regalo. Oo nga’t natititigan ko siya, pero pag darating na ang panahong titingin narin siya, iniiwas ko ang tingin ko. Kaya siguro hindi siya humingi sakin, alam niyang takot ako. Takot akong harapin na may mahirap sa harap ko at hindi ko alam ang gagawin. Takot ako na kung malaman ko man ang sulosyon, ang dapat kong gawin, patuloy na nitong guluhin ang buhay kong tahimik, patuloy na nitong bagabagin ang konsensya ko. Siguro naawa sakin ang bata, siguro naisip niya na baka hindi ko kaya. Binigay ko ang regalo para busugin ang konsensya kong naghihikaos na tumulong ako ng totoo sa iba. Binigay ko ang regalo hindi dahil gusto kong tumulong, binigay ko para hindi ko maramdamang masama ako, para maisip kong may ginagawa ako kahit wala naman. Pag bigay ko nga ng regalo, ni hindi ko man lang sila nabati ng Merry Christmas kasi takot akong magkaroon ng koneksyon, kasi alam kong itong koneksyon na maaaring mabuo ang magbabago sa tinatahak kong makamundong pangarap. Ang duwag ko.
Siguro ito ang sinasabi ng isang pari, it never helps to be a good donor. Oo nga, kasi I give out of guilt and not out of love. I give just for the sake of giving, not because I feel them. I think that is what I need, the courage to face the problem that is kissing me in the face. I need the courage to step out of my comfort zone and really help rather than be a comfortable donor. I need to feel for others just like what Jesus did. I need to face the fact that I have a burden to carry and its not light. I need to understand that I don’t only live for my self, and there is a larger world out there that I need to brave. I need to stop being a selfish coward.
joalabastro said,
April 22, 2009 @ 7:19 am
i like your post. mind opening! God bless bro