nag try akong mag search ng pangalan ko sa google tapos nakita ko itong isang blog entry ng kaibigan ko, actually lumang entry na siya, pero maganda, wala lang. hahaha. oo nga pala, hindi ito tungkol sakin, reflections lamang ng isa kong kaibigan. mga reflections na hindi ko naramdaman nung mga panahon na yun, hehehe, pero natuwa ako nung binasa ko ngayon.
Archive for January, 2008
perpetual tsubibo
mabilis at umiikot ang aking paningin. minsan nagtataka nga ako kung bakit ganito. para akong nakasakay sa perpetual tsubibo. lahat ng nakikita ko ay puro blurred. para bang ang bagal ng shutter speed ng mata ko. wala akong makita, pero maraming naaaninag. namamalayan ko ang sinag ng araw. namamalayan ko pag dumidilim na. namamalayan ko kung wala nang tao. pero sa lahat ng iyon, hindi ako 100% na sigurado. pang-aaninag ko lang yun eh. wala akong nakikitang mukha.
sabi nila ang kaluluwa daw ay makikita mo daw sa mata, pwes, mali sila. sa bilis ng pag-ikot ng paningin ko (o baka ng mundo ko), napapansin kong parang sa tenga at bibig lumalabas yung kaluluwa ng mga tao eh. wala akong nakikitang mukha. wala akong nakikilala. pero sigurado akong nakikita ko ang kanilang mga kaluluwa. oo, pwera biro. lumalabas sa kanilang mga bibig at tenga. iba’t iba ang kulay, iba’t iba ang hubog. may kulay lungkot na bilog, may kulay pagkabagabag na tatsulok, pero ang pinaka marami sa lahat ay yung kulay paniginip na parisukat. oo, ganun ang mga kaluluwa, at ganun din ang kanilang mga hubog. sa bilis kasi ng paningin ko (o baka pagikot ng mundo) ang tangi kong nakakasabay ay puro nagliliwaliw na kaluluwa. walang katawang nakakasabay sa aking hyper drive. inaakala mo siguro malas ako at puno ng pagkagigil sa buhay. hindi naman. hindi naman kasi ako nag iisa. marami kami. marami kaming sinumpa para mabuhay sa di’ makamundong bilis na ito.
marami kami sa perpetual tsubibo. marami kaming nakahyper drive na sumasabay sa mga kaluluwang nagliliwaliw. hindi ako nagiisa sa pag window shopping ng mga kaluluwang tatsulok, bilog at parisukat. marami kaming naghahanap ng kasalo. kung maari mo nga lang kaming masabayan sa perpetual tsubibo.
oo. ganito ang perpetual tsubibo. walang mukhang nakikita o lugar na nalalaman. ang alam lamang ay umaga at gabi (hindi pa nga sigurado eh). ang nakikilala lamang ay mga ligaw na kaluluwa at naiintindihan lamang ay sarili naming hinaing.
samahan mo ako.
p.s. joke lang yun lahat. ayoko sa perpetual tsubibo. gusto ko naman tumigil. sawa na ako sa kaluluwa. ang gusto ko naman ay totoong mukha. gusto kong makakita ng hapon. gusto kong makaramdam ng pag tigil. ayoko na sa perpetual tsubibo. siguradong ayaw mo rin.
ulol
Kanina ay nanonood ako ng House M.D. Isang TV series tungkol sa pakikipagsapalaran ni Dr. House, isang matalino ngunit galit sa tao at mundong doktor. Ang naging isa sa mga paksa ng episode ay: unconditional love. Gustong patunayan nung mga kapwa doktor ni House na may mga bagay sa mundo na libre. Hindi lahat may kapalit. Napaisip tuloy ako, meron ba talagang ganun? Meron ba talagang libre sa mundo? Sa buhay ko, meron akong tatlong bagay na sobrang hiniling at pinag dasal: ito ang matutong mag bisekleta, makumpleto ang Power Rangers at pumasa ng Pisay.
Hindi madali ang naging karanasan ko sa pag aaral mag bisekleta. Masakit at kadalasang nakakagago pag iniisip ko na ngayon, pero noon, tanggap ko na ganun talaga dapat, wala na namang ibang paraan eh. Kaya kada hapon pag kauwi ko, nag prapraktis ako sa isang kalye saamin na pababa. Dito ako nag papaandar ng bisekleta. Ang sarap ng pakiramdam ko noon, feeling ko marunong na talaga ako, pero hindi. Sa dulo kasi ng matarik na kalyeng iyon ay isang paliko, pero hindi ko pa kayang lumiko noon, o mag pedal ng sabay sa pag balanse, kaya ang palaging inuuwian ko pag dating sa dulo ay isang malupit na semplang. Wala naman akong kaibigan o kakilala sa lugar namin, kaya hindi naman ako masyadong nahihiya. Ang tanging nasa isip ko lang kasi noon ay: dapat matuto akong mag pedal, mag balanse at lumiko ng sabay-sabay. Ilang araw din na ganun palagi, semplang at tumba, sugat at pasa ang abot ko, naiinis narin ang nanay ko, pero sige parin ako. Wala akong magagawa, ganun talaga. Wala naman akong kuya o tatay na pwedeng umalalay sakin eh, kaya pasensyahan nalang. Pero syempre, dumating rin naman ang pagkakataong nakaya ko nang iliko ang bisekleta. Tumindig yung mga balahibo ko nun, yes!, sabi ko sa loob-loob ko. At dahil may momentum pa ang bisekleta galing sa matarik na pababa, umaandar parin siya. Sinubukan ko namang sabayan ng pedal ang momentum, noong una para bang wala pang epekto, hanggang ayun, umaandar na akong mag-isa. Sobra akong sumaya. Gumaan ang pakiramdam ko na para bang makakaworld peace dahil marunong na ako ngayong mag bisikleta.
Walang Power Rangers hanggang hindi ka nakakaperfect ng periodic exam. Yan ang palaging sagot ng nanay ko tuwing magpapabili ako ng Power Rangers. Kahit anong hingi ko, hindi siya nagpapatinag. Mahal daw eh, kaya dapat mag pakita ako na talagang karapat dapat ako, at iyon ay nakasalalay sa perfect na score sa periodic exam. Tuwing nakikita ko kasi noon ang mga Power Rangers, para bang tumatalon yung dibdib ko; para ba nila akong tinatawag; para bang sila ang magpapakumpleto ng aking pagkatao. Pero wala akong magawa, wala akong pera. Hindi ako iyakin, kaya kahit sobrang lungkot ko, hindi naman ako nagwawala sa mall. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ang mga kaklase ko may MegaZord (robot ng Power Rangers) na, eh bobo naman sila? Pero hindi ako mahilig sumagot noon, mahilig lang akong mag-isip ng mga bagay bagay at makipagtalo sa aking sarili. Duwag ako noon, hindi ko kayang labanan ang nanay ko. Nagkaroon din naman ako ng Power Rangers, pero hindi ko ito nakumpleto, hindi ako ganun katalino. Sayang.
Uma-umaga noong grade six, lagi akong nagdidilig ng halaman sa aming paaralan. Community service kasi daw masama akong bata at dapat akong parusahan. Iskolar daw ako ng bayan, pero grade 6 palang loko-loko na, kaya dapat putulin na agad ang sungay. At iyon, sa isip-isip nila, mapuputol ang sungay ko kung magdidilig ako ng halaman tuwing umaga. Pwes hindi. Mas lalo lang akong napikon. Hindi naman ako masamang bata. Gusto ko lang naman ng mas masarap na pag kain kaya ko binutas ang barb wire para makabili sa Casaa. Ayaw ko lang naman mapagalitan kaya ako nag forge ng pirma ng nanay ko noong wala akong home work. Gusto ko lang naman makasakay ng tsubibo sa sunken garden kaya ako tumakas sa klase isang Huwebes. Ayoko naman kasing patuloy akong asar-asarin kaya ko sinapak si Paolo. Masisisi mo ba ako? Matatawag mo ba akong batang may sungay? Malamang hindi naman. Kaya nabuo sa isip ko noon, aalis ako sa impyernong ito, at ang aking tanging susi ay ang pag pasa sa Pisay. Hindi ako mahilig mag-aral pero pinipilit ko ang sarili ko noon na mag advance reading. Sinabihan ko pa nga ang nanay ko na ipasok ako sa isang review center. Sabi ko sa sarili ko, maraming matatalino sa Pisay, siguro hindi gaanong kakitid ang isip ng mga tao doon. Kaya ayun, pinatay ko ang katawan ko sa pag-aaral. Medyo huli na kasi ako nag pursige eh, andami kong dapat habulin.
Hindi naging hungkag ang paghihirap ko. Nakapasa ako sa Pisay. Tama nga’t mas masaya dito kaysa sa UPIS. Tama nga’t mas maraming matalinong tao dito. Tama nga’t mas maraming subjects,. Tama nga’t may sweldo kami. Pero sa bawa’t hakbang at galaw mo, patuloy kang papaalalahanan: You are required to take a math/science related course or else you are going to pay everything the country has spent on you. Masaya, ang high school, kaso lang may catch, nakasulat na ang kapalaran mo. Ikaw ay magiging alagad ng siyensya.
May libre ba talaga sa mundo? Meron ba talagang unconditional? Batay sa tatlong bagay na pinaka hihiling ko sa buhay ko, malamang wala. Lahat may kapalit.
Kanina gumising ng maaga ang nanay ko kahit gabing gabi na siya natulog sa pag tratrabaho. Gumising siya at nagsimulang kunin ang mga labahan kong damit. Tapos narinig ko ang washing machine. Basang basa ang sahig at amoy tide ang banyo. Pag labas ko ng bahay para mag jogging, nakita ko lahat ng damit kong nakasampay. Pag kauwi ko nakahanda na ang almusal ko, pandesal at pancit canton. Walang bago, isa lamang itong normal na umaga. Isang umagang araw araw umuulit at hindi ko naman pinag dadasal o hinihingi. Normal lang naman eh.
Katulad din niyan ang araw-araw na pag text ng nakababata kong pinsan ng gud am. May kapangyarihan ba yung text na yun para talagang mabago ang araw ko at gawin itong maswerte? Wala naman eh. Napapagod kaya siya sa pag text? Hindi, araw araw na niya itong ginagawa eh. Hindi nga ako nag rereply eh. Bakit pa?
Kagaya rin niyan ng aking ninang na madre. Hindi man lang siya nagreregalo ng kahit ano sakin. Ang sinasabi niya lang pinag dadasal daw niya ako uma-umaga, hapon-hapon at gabi-gabi. Salamat sabi ko, pero sa isip isip ko, mas maeenjoy ko ang laruan. Kaya hindi ko na siya binisita kailan man. Noong lumipat na kami ng bahay, mas nawalan ako ng dahilan na bisitahin siya sa kumbento. Pero noong pasko nag text siya at nag sabi: Merry Christmas Jason. I’m always praying for you. Nagreply rin ako, tnx. Normal lang naman mag text pag pasko diba? Madre siya, dapat naman talaga nag dadasal siya.
Tangina.
Sa tingin ko kaya hindi naaintindihan ang salitang unconditional o ang salitang walang kapalit kasi hindi naman ito nararamdaman. Hindi ito mawawari hanggang tumigil ka at pagmasdan ang nangyayari sa paligid mo. Sa tingin ko, hindi malaki ang epekto ng unconditional sa mga tao kasi binabaliwala lamang ito. Unconditional naman eh, lagi lang nandyan at hindi naman mawawala. Sa tingin ko kaya lang naman masyadong cynical ang mga tao at iniisip lahat ay may kabayaran dahil hindi man lamang sila tumitigil para pag masdan o pansinin man lang mga maliliit na bagay na libre sa mundo. Mga maliliit na bagay na hindi binabayaran pero patuloy na nag papaikot ng ating buhay. Maga bagay na perpetwal na nangyayari hindi dahil binabayaran mo sila kung hindi dahil, baduy mang pakinggan, mahal ka nila.
ngayon alam ko nang bobo talaga ako
May nakatabi akong penguin sa jeep. Nakakainis, ang lansa, dumidikit ang amoy sa damit ko, nakaka-asar. Ang laki pa ng pwet, hindi na ako mag kasya. Bakit pa kaya nila masyadong gustong iligtas ang mga penguin sa north pole? Baka masyado silang dumami mapuno na ang mga jeep ng penguin, kadiri na sumakay ng jeep kung ganun.
May kaibigan akong mahilig sa penguin. Bag niya penguin. Damit niya penguin. Key chain niya penguin. Mga kanta niya, kantang penguin. At hanggang ngayon naghahanap parin siya ng boypren na penguin. Kaya nga gusto ko sanang sabihin sa katibi kong penguin sa jeep na may kaibigan akong naghahanap ng boypren na penguin, pero hindi nalang, nakaka-asar siya eh.
Alam ba ninyo na buti pa ang mga penguin hindi kinakapkapan sa mall? Kasi daw, para sila palaging nakakurbata, eh sabi ng mga gwardiya: puta, bakit ko pa kakapkapan yan, nakakurbata eh. Porket ba? Malay mo sa loob ng malaki nilang tiyan may mga bomba? Pero siyempre nasasabi ko lang yun kasi asar na asar ako sa katabi kong penguin sa jeep.
Noong una naman mahilig din ako sa penguin. Sa katunayan vice president for animal relations ako ng we-love-penguin-in-the-north-pole movement-so-don’t-use-straw-alliance. Yun yung mga panahon sa buhay kong sinusumpa ko ang mga demonyong gumagamit ng straw dahil napapatay nila ang mga cute na penguin na walang laban sa north pole. AlGore, mahal kita.
Pero lahat ng pagmamahal ko ay wala na. Lahat ng maliligayang sandali ko ngayon ay naglaho dahil sa putang inang malansang malaking pwet na penguin na nakatabi ko sa jeep. Isipin mo ba naman, ang ganda ganda ng umaga ko tapos bigla akong tinanong: Excuse me, are you a windows user? Siyempre ako naman magalang kaya sinagot ko kahit malansa siya at malaki ang pwet, oo, windows XP. Tapos bigla siyang tumawa at sumigaw: I knew you were, you look like a loser! Sucker!
tang ina, kinagat ako ng lamok
Prayer is the path to God. It is a difficult journey, there are no signs assuring you that it indeed leads to Him, except the constant yearning inside of you telling that this is certainly the right way. The path of prayer is difficult. It offers no soft grass to lay your head when you slumber. All it has to cradle you is its rocky dusty ground. Do not be troubled, it is because the path of prayer does not encourage you to sleep, it wants you to keep your watch and be awake and vigilant all the time. Unlike the road of sin, the path of prayer has no vegetation or vibrant wildlife, everything is almost barren. Because unlike the road of sin, the path of prayer does not want you to stay put and enjoy, it wants you to yearn, it starves you so that you may seek more and more for your end. There are moments when puddles of honey and milk appear in the path of prayer, but I warn you that as quick as these puddles appeared so as will they vanish. Do not be troubled, the puddles vanish to show you that anything sweet on the way is finite. Everything sweet in the path is just a taste and a teaser of greater things to come. There are always those who would lead you astray, but give them no notice, just look straight. Always keep your eyes on your true goal and don’t let it fool you with empty mirages, your goal is God! The path of prayer is extremely long, and sometimes it even goes in circles, but it is just fine, the trail to heaven is really tricky and not for the weak of heart. Sometimes it even feels like the path is never ending, sometimes it feels like the journey is empty, do not lose faith, it is your only fuel! Just keep on walking the course. The path of prayer is not defined in certainty, but in faith and in zeal and in trust, and as long as you keep walking the path despite all doubts and questions, you are sure to reach your goal.
So now you are to start your journey, never get distracted and keep your eyes always on the prize. Always follow the path. Let nothing keep you astray from the course. In moments when you feel that the road is endless and empty, just listen to that tiny voice inside of you. And again, no matter what, keep walking.
a cliched call
My first day was full of cramming. Crammed my first preLab for the year! Yey! Preparing buffers! and i got to confess, i peeked at the procedure of the other preLabs that were passed early, but just for checking, hahaha… I crammed my Lit paper for the legendary danton remoto who casually moved the schedule when i told him: “sir diba sa friday nalang ang paper?” “aba oo naman, sige.”. Fuck! Okay lang naman sana, ako naman ang nakiusap, pero kupal, ginawa ko pa! anyway, life sucks.
Habang nagmumuni-muni kung nasayang ko ba talaga ang bakasyon ko, may nakita ako dalawang tao sa loob ng CTC lab,
-ano yan havana? hahaha! dress code na ha.
-kupal dresscode eh. sori wala akong pambili ng havaianas eh.
Hindi ko alam kung na-oover interpret ko ha, pero diba, sa tingin ko kaya niya napansin yung tsinelas ng kaibagan niya hindi dahil dress code o dahil hindi pormal tignan, kundi dahil hindi ito mamahaling havaianas kundi isang local imitation brand. At hindi niya lang ito pinansin, pinagtawanan niya pa. At dahil napansin at napagtawanan, nahanapan tuloy ng mali: dresscode na ha!
Bakit ganun? Kung tutuusin, parehas lang naman yung itsura ng ibang havaianas sa mga havana na tsinelas ah, bakit mas nakakatawa yung isa? dahil ba imitation? dahil ba mura? dahil ba “peke”? o dahil hindi imported? o dahil hindi havaianas? naalala ko tuloy yung sabi nung chinese guy na nag tayo ng website na kumakalaban sa e-bay! sa china. Maraming nagtanong at nagtaka kung bakit niya kinumpitensya ang malaki, malakas at kilala ng e-bay!, ito ang sagot niya:
e-bay! is like the shark in the ocean and us the crocodile in the yangtze river. If the crocodile goes to the ocean, it will die. But if the shark goes to the yangtze river, it shall also die. //may variations na sa ibang mga salita
bakit hindi ganun sa pilipinas? bakit lagi nalang nag hahari dito ang shark? bakit wala tayong innate niche kung saan lagi tayong mananalo kung may makikipaglaban na tiga-labas? bakit natin palaging yinayakap ang shark? ang crocodile? hanggang sinarapan at lapu-lapu nalang ba tayo? hindi ba tayo pwedeng maging mga malulupit na *nagiisip ng malupet na isda sa pilipinas* butanding?! pero ang butanding hindi naman ganun katapang, nakakatakot lang… pero anyway, why be animals like them? we could be the hunters you know?
ang hinahantay ko lang, magkaroon tayo ng bias. inaasahan kong maging unfair tayo sa iba at yakapin muna natin ang sarili natin, mahalin natin ang sarili natin. how can we give something we do not have? how can we love outsiders without loving ourselves first? putang ina, napaka cliche pero nakaka-asar lang talaga kasing isipin na naging social symbol pa ang havaianas, nakaka-asar na naging kagalang galang itong suotin dahil imported, at kung islander ang tsinelas mo wala nang kwenta. putang ina, binubulag talaga ng presyo lahat ng mata. tang ina mo rizal.
unang kalokohan ng pinsan ko, marami akong natutunan
kanina nasa SM kami, hindi naman ganun kasiksikan sa mall talaga, pero tsumamba napunta kami sa isang bottle neck kung saan talagang makikipagsiksikan ka. Isang direksyon lang flow ng mga tao nun. Sa tingin ko kasi, walang susubok sumaloubong kasi hindi nila makakaya, masyadong marami at hindi nauubos. So ganito, habang nandun kami sa flow ng mga tao ng pinsan ko, may naisip ako: hindi ba ganito ang andar ng Sistema? Hindi mo alam kung tama o mali, hindi mo alam kung makakabuti sayo o hinde, basta sumusunod ka lang. Yun ang dikta ng society, at pag kinontra, madudurog ka lang sa lakas ng agos na haharapin mo. Kaya nga hinalintulad tayo sa bamboo diba? Magiling daw ang Pilipino mag bend sa hangin at agos, kaya hindi tayo napuputol. Pero hindi rin ba dahil sa pag sunod sa agos, nakukuba tayo? At namimihasa ang mga hangin at agos? Hindi ba ang Sistemang umiiral ang kadalasang tinuturong dahilan ng mga kasamaan sa Pilipinas? Kurapsyon… Sistema na yan, ‘di mo malabanan, RedTape? Sistema yan na mahirap mong maputol, kasi domino effect… Mamaya na habit? Sistema na yan, nakasanayan na eh… Colonial Mentality? Yan na ang kinagisnan eh, yan na ang inimplant sa utak… Filipino Second Class? Wala na tayong magagawa diyan, bobo talaga ang Pinoy… at marami pang kabulukan na maituturo sa maling Sistema… Pero pano mo lalabanan ang Sistemang umiiral? Kung susundin mo ang sabi ng mga Hippie… Music and Love ang sagot… pero may nagagawa ba sila? I mean, let’s face it, they are just stoners right? Hedonist musicians who just chase highs and blame their fucked up life to the system. So how are we going to go against it? Kailangan din ba natin umakyat ng bundok tulad ng mga NPA? Or just be some street punk in gothic outfit? Well, I do not know… Pero ito ang nang yari kanina:
me - ang sikip ng pila
justine – oo nga, mainit pa, ang baho ng katabi ko, hahaha
me - ano? balik nalang?
justine – wag na! alam ko na… Daga ba yan?
me – oo nga noh? oo nga noh!
justine – baka maapakan!
voices – ano daw? // huh? // daga? // huh?
Tapos nagkaroon ng mga bulungan at wala naman sumigaw, salamat, pero nabuwag yung mga tao. Nakakatuwa, yun kasi ang first hirit ng pinsan ko na siya lang ang nag isip… natututo na siya! nakakatuwa! At ayun, nagulo ang “sistema”. Ang dating flow ay nag kagulo gulo. May kumanan na, may bumalik, may naglakad ng dahan dahan, may bumilis.
So ganun ba buwagin ang Sistema? Daanin sa gulat? Magkalat ng pekeng impormasyon? Manakot? Sa tingin ko hindi, ang tinuro ng pagkakataon na yun ay:
1. Pwedeng buwagin ang sistema, kahit gano ito kalakas.
2. Hindi ito mabubuwag kung tahasan mo itong kokontrahin.
3. Kung hindi mo naman ito bubuwagin, masasama ka lang dito, hindi pwedeng tumayo ka lang.
4. Pano ito buwagin: Plant uncertainty in the hearts of the people. Pagisipin mo ang mga taong pinapagalaw ng sistema: ok nga lang ba na nagpapadala ako dito? Hindi ba ito delekado? Wala bang daga?
5. Mabubuwag lamang ang sistema kung mismong mga taong alipin nito ang gumawa ng paraan.
Kaya fuck the world! hahaha! diba Rob?! hahaha!
bringing out people’s inner feelings/thoughts/self
Ito ay sagot sa mga comment nila Rob at Clarrise sa previous post ko, ang pakikipagsagupaan sa DFA…
First of all, hindi ako marunong mag manipulate, kaya hindi ako pwedeng maging magaling mag manipulate, at dahil hindi nga ako marunong at magaling mag manipulate, hindi ako nag mamanipulate ng tao. Lagi niyo nalang sinasabing jason, you’re so manipulative… Or in the words of clarisse: your so manipulative…ah!(high pitched)…ang feeling mo…ah(high pitched)! Hindi yun totoo. Para maging manipulative ako, ibig sabihin dapat kaya kong magpagalaw ng mga tao depende sa gusto ko, kumbaga kaya kong gawing pawns ang mga tao at gumawa ng mga bagay ayon sa kagustuhan ko and against their freewill, at never ko yun ginawa. Sa mga instances na sinsabi ninyo na manipulative ako, ang tangi ko lang namang ginagawa ay linalabas ang mga nasa loob ng mga tao na pilit nilang sinu-suppress kasi takot sila. Hindi ko alam kung bakit takot silang ilabas yun, siguro kasi dikta ng society, or ewan, I do not know. Ang tangi kong ginagawa ay ine-emancipate ko yung inner self/thoughts, which I assume is there true identity, at bigla nalamang umaayon sa gusto ko, and I’d rather call that serendipity not manipulation. Ibig sabihin lang noon, yung inner selves ng mga tao or as Freud calls it, their “id”, is my friend. Ibig sabihin din nun, yung mga layunin namin ay parehas lang, hindi ko sila pinilit gawin ang mga bagay na gusto ko, gusto talaga nilang gawin yun, hindi palang nila alam, at yun yung ginagawa ko, pinapaalam ko sakanila na gusto nila.
Hindi ako naging manipulative ever, kahit lagi ninyong sinasabi yun, lagi nga akong naaapi diba? Kasi lalake ako? Diba? Mga babae ang manipulative eh… hahaha!
Anyway…sana maliwanagan kayo.
pagkikipagsagupaan sa DFA, (tangina mo Meneses)
Ito ang pangalawang sunod na araw kong pumunta ng DFA. Pinabalik kami, me and my mom, kahapon after almost 2 hours of waiting in line, kesyo naabot na po kasi namin yung quota namin, so we would just give you a number and schedule for tommorrow, para priority na kayo, ulol! Tinawag pang courtesy line, bulok naman. Pero, in fairness, maswerte na kami kaysa sa mga nakapila sa labas, soobrang haba ng pila at sobrang init, at least sa amin may air-con… Pero kahit na!
So, ito na nga, pangalawang araw na namin, we went right on sked, 7.30am. And as usual, kahit priority na kami, pila parin ang ‘tang ina. Pero at least, we were able to file and pay… and yes! nasa huling step na kami: finger printing at blah blah stuff… after 2 days… whalla! So ayun ako and my mom, pretty content with our situation, 3 people still in front of us in line. Para bang umaabot kasi ng like 20min per person sa last step, kesyo matagal daw kasi mag encode blah blah… asar. Tapos biglang tumigil! Biglang nabaawasan yung nag eencode para sa last step. Shit, ano toh?! Yung mga nasa harap ko ng pila nag simula nang mag mura at mag reklamo, pero puro bulong bulong muna… Tapos ayun, nakita ko ang dahilan, si Vergel Meneses, (isang sikat na PBA player) nasa loob, at yung linakad namin for two days nilalakad niya within 15min at karamihan ng staff asa kanya sa loob ng opisina! Puta! Kelangan ko na ’tong gawan ng paraan…hehehe, kaya ayun, ginawan ko.
Feeling ko medyo mali yung ginawa ko kasi parang, basta, I just want to finish early lang naman at yung nanay ko may meeting pa kaya yun. I fueled a fire. Ginatungan ko yung mga nag bubulong bulong na tao.
Me – Oo nga, sira ulo yang mga yan… May mga VIP
person 1- oo nga, tangina nila,
person 2 and person 3- oo nga, kahapon pa tayo dito ha!
me - oo nga, pero sa tingin ko dapat malaman kasi nila na mali sila…
2 – oo nga, putang ina…
me-dapat sabihin ninyo sakanilang mali sila, mali naman talaga ginagawa nila…
1 – oo nga… Miss! Alam ninyo ba trabaho niyo?!
3 – kahapon pa kami dito ha?!
1 - tarantaduhan na ‘to eh…
2 – oo nga, punta kayo dito at ayusin toh!
me – oo nga… tama yan…
chorus – hoy! ano ba!
Tapos hanggang buong crowd na nag rereklamo ng malakas…hehehe…kaya ayun, may hiya rin ang mga emplayado’t bumalik sa trabaho, baka sumabog ang building sa init ng mga nag wawala eh… pero ang mga empleyado may feelings din at marunong masaktan… kaya syempre may karapatan siyang magtampo sa mga nag mumura at nag papagalit sa kanya… at habang asar siya sa mga nagagalit sa kanya, (kita na sa mukha niya ang kapikunan) andun naman ako at nakatayo, tahimik, hindi nakikialam sa gulo at hindi nagrereklamo, andun lang akong tahimik na naghihintay… hahaha! gumana! tinawag agad ako at nag skip dun sa mga nasa harap kong nag lead ng pag rereklamo! hahaha… at syempre, habang pina pa thumb mark ako etc. andun yung sympathy sakanya at paulit ulit na thank you sa empleyado, um miss, yung mom ko kasi pwede na po siyang sunod, kasi mag kasama po kami eh…please… at ayun, pumayag siya! hahahaha! naka-alis kami agad! hehehehe….
astig, napagalaw na nga sila, nauna pa kami… tangina mo Meneses! hahaha…
kaya kahit hassle, medyo nag enjoy din ako… hehehe….
gusto niya lamang makalimot
nagtatago si Oblivia
pero hindi siya tumitigil sa pag hanap kanya.
Mailap si Oblivia,
pero sabi niya sa kanyang sarili:
‘di ako susuko.
hala, lak-lak dun, lak-lak dito!
tang ina mo Oblivia, magpakita ka!
hala, lakas tama na,
pero hindi dumating si Oblivia
kundi si SandMan lamang.
Bakit ikaw! Hindi ikaw ang hinahanap ko!
Lolokohin mo lang ako’t papaasahin!
Pero wala siyang magawa, malupet sa pakapalan ng mukha
si SandMan, pa-alisin mo man.
Kinabukasan, patuloy niyang hinanap si Oblivia,
hala, tira dun, sitsit dito,
kandong, sayaw, tira!
ungol, sige ungol! Pero hindi dumating si Oblivia…
Walang dumating kundi ang mga alingaw-ngaw
ng kanyang mga ungol na hungkag.
Putang inang buhay ‘to! Oblivia, nasan ka…
Ito nalamang ang buhay ko, ang pag habol sayo:
Oblivia.
Hinabol kita ng hinabol, pero siguro mabagal pa ako.
Kaya eto, tuturok, para bumilis.
Malamig sa simula, (parang kagat lang ng langgam)
ang Bilis! ayun ka Oblivia! ayun Ka!
TIGIL! TIGIL! Nalagpasan ko na! Tigil…
ang bilis… SandMan? Ikaw ba ulit yan?
Pero nagkamali siya, hindi si SandMan ang dumating,
kundi ang katapusan.
Oblivia…
nietzsche’s cross versus The Cross
Ngayong araw, ibang klaseng nietzsche ang nabasa ko. chapter 225 ng beyond good and evil. sinabi ni nietzsche na wala daw kwenta at mabababaw ang mga pilosopiyang binabase ang value ng isang bagay sa kakayahang mag bigay nito ng pleasure or pain (e.g. hedonism, utilitarianism, eudonism etc.). Sinasabi niya na mga hungkag na paniniwala daw ito dahil ang goal ng mga ito ay i-eliminate ang pain, to live life by doing away with suffering (sounds like zen hahaha), eh imposible naman daw ito, kaya ang kinauuwian daw ng mga ito ay isang tail chase lamang, walang napupuntahan. sinasabi niya na importante daw ang suffering, kasi ang pag yakap daw dito ay pag yakap sa change. sabi niya na sa fires of suffering nabubuo ang mga great people. sinasabi niya na kung gusto mong maging malupit sa pag yield ng power (remember, nietzsche: will to power), kailangan mong gustuhin ang suffering. if you want to be great, you need to master the dicipline of suffering. pero hindi ka ba mabaliw nun? (katulad ni nietzsche, hehehe) kasi hinahabol mo ang sakit? hindi ba yun going against your nature? at baka pag namaster mo na ang dicipline of suffering, baka masyado ka nang matigas na delekado ka nang maging great? pero anong pagkakaiba nun sa carry your cross? diba? i mean, si jesus din naman pwedeng hindi na siya mag papako pero hinabol niya parin ang suffering, ibig sabihin ba nun tama si nietzsche? o kung hindi, anong pagkakaiba nila?
well, sa tingin ko kasi, kaya delekado yung pinagawa ni nietzsche na habulin ang suffering for the sake of suffering eh kasi parang ang labas nun masochist ka diba? pero anong naman ang pagkakaiba nun sa pag mahal ni jesus sa cross niya? sa tingin ko medyo malaki. ang problema dun sa gusto ni pareng nietzsche, suffering to be great, suffering for power, for ones own gain, kaya ang tendency ng suffering ay mag implode, kasi its like botteling all the suffering on your own, gaining all the pressure, hoping you would turn into a diamond, pero parang mahirap yun sa isang fragile na human being. ang kay jesus naman, suffering pero hindi para maging great siya, or para maging diamond siya, kundi dahil mahal niya tayo, umaapaw ang love. so, suffering for others, very selfless, therefore hindi bottled up ang pain at pressure bagkus transsubstantated into another form called inspiration (kung substance man ang pain at inspiration, hahaha), something that is very contagious. suffering not to become a diamond, but suffering so that everyone could shine.
Ang sexy ng balbas ni friedrich! hahaha….
basurang bakasyon
Mag papasukan na naman, yey. Sabi ko bago mag bakasyon, ito ang unang bakasyong gagawin kong productive. Kaya ayun, gumawa ako ng listahan ng mga dapat kong ma-achieve at mabasa para sa bakasyon:
December 21, 2007
1. Matapos ang Chem 21 prob-set at mapag-aralan ang lesson kasi hindi man lang ako nakinig, kasi naman ang boses ni ma’am parang tumitira ng invisible sleeping darts eh, asar.
2. Magawa ang pre-Lab report para hindi ako mag cram the day before. Hay, kelan kaya aayos ang Chem 22 ko…
3. Tapusin ang Beyond Good and Evil ni Nietzsche, kasi palaging part by part lang, yung mga trip ko lang ang binabasa ko
4. Mabasa lahat ng gusto kong basahin dun sa libro ni Aquinas, kadalasan tinatamad ako pag matagal na kasi ang liit ng font.
5. Mabasa at makapag-aral kahit konti ng Graph Theory, para naman may silbi ang lectures kasi wala akong maintindihan.
6. Mabasa yung libro na binigay ni The Rob, syempre, The Rob eh.
7. Mag practice ng mga math problems at proving, nakukupal kasi ako sa math teacher eh, kaya di ako nakikinig.
8. Mag practice ng spanish, bumabagsak na ako dito!
9. Matapos ang Matrix trilogy ulit, StarWars double Trilogy, Prison Break 3 at House 3
10. Tumangkad
ang mga nagawa ko na, January 2, 2008
1. Ngayong umaga ko lang tinapos ang problem set, whaw
2. Hindi ko pa nasisimulan ang pre-Lab ko, hindi ko pa nga alam kung anong experiment eh!
3. Hindi ko talaga kayang basahin ng linear ang Beyond Good and Evil, kaya ang ginawa ko nalang, after kong mag basa ng morning Gospel, sinusunod ko ‘tong libro na ‘to. Hahaha! Nakakatawa, parang I first read about God, then after that read why Morals is bad! hahaha…
4. Sobrang konti palang ang nabasa ko kay Aquinas.
5. Medyo nagets ko ng konti, naintindihan ko ang concept ng graph thoery, na gets ko kung pano siya gamitin. Nagets ko narin yung ibang mga algorithm (djisktra, euler etc.) pero hindi ko pa alam kung pano i-implement sa Java! Waaah! Parang nonsense, hehehe, pero sana matutunan ko.
6. Isang chapter palang nabasa ko sa binigay ni The Rob, yung tungkol lang sa denying self… Hay,
7. Never kong nahawakan ang math book ko.
8. Never ako nag practice mag spanish, um I tried watching half of Pan’s Labyrinth without subtitles! hahaha, if it counts as practice though.
9. Ito palang ata talaga yung nagawa ko ng kumpleto, hahaha, except house 3, di ko pa tapos.
10. God, I wish magawa ko ito. I always oversleep but my pituitary seems dormant.
Shit. Kaya ayun, fuck my resolutions for vacation, haay. Kelan kaya ako mag babago. Sana magawan ko ‘to lahat ng paraan. Umaasa pa ako, I still have like 5 days to go. Hay, then back to life of laboratory, laboratory results, laboratory thoery, laboratory math and laboratoray shit… But I think I kind of like it.