napanood ko ang ENDO kanina. bulok. walang kwenta. isang malaking cliche. nakaka-asar. romantic cliche + (western)popculture = ENDO. yaak. hindi na-capture yung pagkafilipino, para lang siyang isang western/hollywood movie na ginamitan ng isang low definition camera, ng isang camera man na walang tripod sa mga setting na kailangan pa talagang i-advertise. nakaka-asar. hindi sulit. ang taas pa naman ng expectations ko.
may kwento ako. napanaginipan ko ito isang araw. tapos hindi na maalis sa utak ko. iniisip ko tuloy na baka totoo. ewan ko. pero sana panaginip lang.
ito ay tungkol kay dagul. isang aso. batik-batik na puti at brown ang kanyang itsura, hindi pantay ang kanyang mga pisngi, lukot-lukot ang leeg at namumula ang kanyang mga mata. wala siyang tiyak na breed, kaya may amo man siya, at nakatira sa isang bahay, askal parin siyang matatawag. mahal si dagul ng amo niya, si golly. palagi siya nitong pinapakain ng masusustansyang dog food tatlong beses isang araw. lagi siya nitong pinapaliguan araw at gabi. ginawan din siya ng sarili niyang dog house sa garahe. mahal na mahal ni golle si dagul. takam man na takam na si dagul sa mga tira-tirang pagkain at buto, pinagtyatyagaan narin naman niya ang dogfood. dogfood yan eh, mahal, masustansya, dapat kainin ko ito. mahal ako ni golly. palaging naiisip ni dagul. inis na inis man siyang pinaliliguan dalawang beses isang araw, tinitiis lamang ito ni dagul. mabuti ngang pinaliliguan ako, di katulad ng ibang aso sa labas. ginagawa niya ito kasi mahal niya ako. salamat golly. dapat nag papasalamat ako. pinapa-ulit ulit ni dagul sa kanyang sarili tuwing pinaliliguan siya ni golly. gusto man ni dagul makalabas ng bahay, makakita ng ibang aso, wala siyang magawa, pagka’t naka-kadena siya sa kanyang dog house. buti nalang may bahay ako, di katulad ng ibang aso. buti nalang pag umuulan may sarili akong silungan. mahal talaga ako ni golly. paulit ulit ring bulong ni dagul sa kanyang sarili tuwing naririnig niya ang mga kapwa aso niyang nagkakahulan sa labas.
isang araw may sumilip na berdeng mabalahibong aso sa bahay ni golly. dumaan siya sa blue na gate na may bulaklak at kininditan si dagul, at ang kawawang dagul naman ay napa: aaaawwwwwwooooooooo!!!! patay. sabi ni dagul sa sarili, i’m in love.
agad lumakas ang nais ni dagul makalabas, makatakas. dati, okey lang sakin magpakulong dito, kasi alam ko namang walang naghihintay sakin sa labas. pero ngayon, meron na akong dahilan. mero na akong pupuntahan. kelangan kong makalabas. ngayon din.
kaya magsimula noon, nag work out si dagul sa loob ng doghouse niya. pinalakas niya ang kanyang 4 na paa para agad siyang makatakbo ng mabilis. sampung oras kung nguyain niya ang kanyang dog food para lumakas ang kanyang mga panga, para makagat niya ang kadena sa kanyang paa, at higit sa lahat, tuwing nag mamagick sing ang kanyang amo, nakikisabay siya para mapalakas ang kanyang pag : arf! arf!
dumating ang sandaling pinakahihintay ni dagul. malakas na siya. kinagat niya ang tali at agad siyang nakalagan. tumakbo siya ng matulin papunrang gate kaso lang biglang humarang si golly. san ka pupunta dagul? nakonsensya si dagul. kaya niya kayang iwanan ang kanyang amo? ang taong nag alaga sakanya? oo, kaya ko, sa ngalan ng pag-ibig kaya ko. sabi ni dagul. sa labas ng mga harang na ito ay ang aking prinsesa, naghihintay. walang naintindihan si golly sa pinagsasabi ni dagul. ang tangi niyang naiintindhan ay: arf! arf! isang malakas at matulis na: arf! arf! Omigali! nakalimutan kong ipabakuna si dagul. baka kagatin niya ako. sabi ni golly. kaya umalis nalaman siya sa pagkakaharang kay dagul. haay salamat pinakawalan mo narin ako. sabi ni dagul.
pagkalabas ni dagul ay puno siya ng pag-asa’t saya. nasan ang aking prinsesa. kanyang sinabi, hindi niya makita. pero hahanapin kita prinsesa. akin ka. dumaan ang araw, linggo, buwan at taon, hindi parin niya nakita ang kanyang prinsesa. naging certified askal na siya. walang tirahan, pagkaing matino at paligo. kadiri na siya. hindi narin naman siya bumabalik kay golly kasi bukod sa nalimutan na niya ang daan pabalik, nahihiya narin siya sa gusgusin niyang itsura. kelan ko kaya makikita ang aking prinsesa.
isang araw, habang naglilibot siya sa pag hahanap ng pagkain, naisipan muna niyang jumingle, kaya tumigil muna siya sa isang kanto, inakyat ang isang binti at agad pinabulusok ang kanyang manilawnilaw na ihi. whaw! heaven, sabi niya. nasa kasarapan siya ng pag ihi ng may dumaan na mabuhok na babaeng aso. kulay berde. may mga binting mapapayat at matang mapupungay. Siya nga! siya ang aking prinsesa.
agad niya itong nilapitan. deadma lang ang amo niya. kilala mo pa ako? who you? ako yung asong kinindatan mo minsan. what? i don’t remember. ako yung asong nakatira sa may blue na gate na amy drowing ng bulaklak. ow, you were that well groomed dog. oo na, ako yun. well, news flash: hindi kita kinindatan, a speck of dust just went into my eye. now, can you get out of my way, hosey.