ito ay tungkol sa first reading nung friday, hindi kita kino-convert or something, pero maganda talaga kasi siya. Isiah ata yun, 58:something, basta maganda (oo maganda, pero hindi matangkad at sexy at long legs type na maganda, basta maganda).
//serious mode, my own version of parody,hahaha
Nagugutom ako, tapos ayun. Nag tayo ka ng samahan ng mga matatalino’t mayayaman para pag-usapan ito’t alamin ang sanhi, at nauwi kayo sa isang eksperto’t masusing sagot: wala nang magagawa, ganun talaga ang buhay, palaging may nakakawawa’t nagugutom.
Nakulong ako, tapos ayun. Tinawag mo ulit ang mga matatalino’t mayayaman mong kaibigan. Pinagusapan niyo ito, kinalat mo sakanila nang may mangiyak-ngiyak na tono’t mukha. Lahat kayo nalungkot, pero sinabi ninyo sa inyong sarili, wala na tayo diyan magagawa, kung wala naman talaga siyang kasalanan, makakalaya siya, umasa tayo, let’s have faith!
Nakahubad ako. Pinikit mo ang mata mo. Immodest. Bastos. Gusto mo sana akong bigyan ng damit, pero hindi ka makalapit, takot kang mag ka-impure thoughts. Oo nga naman. Bastos.
Nagkasakit ako. Muli mong tinawag ang mga matatalino’t mayayaman mong kaibigan. Maluha-luha mo itong sinabi at kinalat sa kanila. Lahat sila nalungkot para sakin. Anong pwede nating gawin? Tinanong mo. Pinag-usapan niyo’t pinagtalunan at nauwi kayo sa isang konklusyon: gagawa kayo ng bakuna para hindi na kayo makapitan ng sakit ko. Salamat sa Diyos, sabi ninyo, at hindi tayo ang may sakit.
Wala akong bahay. Hindi mo na tinawag ang iyong mga kaibigang matatalino’t mayayaman, at agad mo akong nilapitan. Inalok mo ako ng mga bahay sa Forbes at White Plains. Kahit hindi ako nakapili sa mga inalok mong bahay pagka’t wala akong salapi, hindi mo parin ako iniwan, sabi mo: pwede ka rin naman makituloy samin, kaibigan kita, mahal kita. Ka-aalis lang ng katulong namin eh, pwede mo siyang palitan.
Malungkot ako. Ayaw mo akong lapitan, mahahawa kasi kita ng bad vibes ko, masisira ko ang happy mood mo, oo nga naman. Ipagdadasal mo naman ako diba? Sabi mo. Okey na dapat yun para sakin.
Ang dami mong ginagawa para sakin sa tuwing magkakaproblema ako, napakabait mong kaibigan, pero hanggang ngayo’y… nagugutom parin ako, nakakulong, nakahubad, may sakit, walang bahay at malungkot sa sarili kong sulok.