Archive for March, 2008

Protected: short story about dancing(password: teacher na mukhang goldfish _ _ _)or just comment on a post and ask the password

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Enter your password to view comments

my TC7 book is so dusty

solitary light.
brave at the presence
of none,
a watchful eye that is,
the moon.

set on the canvas
of death.
her only witness;
the sole survivor of her wrath.

Leave a comment »

bakit malungkot si chan-chan. *bakit kaya napupun na ng mga ganitong post itong blog na ito? hmmm*

alam mo yung kwento ni chan-chan? nakakagago yung kwento niya eh. sobra. i mean, pangalan palang diba? chan-chan, ano yun?! kung pangalan palang niya pang ewan na, pano pa kaya yung kwento niya diba? pero kahit ganun, kahit nakakaasar ang kwento niya, ikekwento ko parin, para maasar ka rin. para mas maraming maasar. para damay damay tayong lahat na naaasar.

si chan-chan ay isang batang lampa. alam mo yun, yung tipong lamapayatot na may braces na may alambreng kumakabit sa buong mukha, tapos may salamin pa siya. kaya, kumbaga, para siyang isang lamapang cyborg, hmmm, parang si 3CPO..oo parang siya. so yun, pero kahit lampa siya, hindi siya inggetero, sa totoo nga’y natutuwa pa siyang panoorin ang mga malalakas na bata mag laro sa playground, oo, sobrang tuwang tuwa siya. tuwang-tuwa siya pag nakakakita siya ng mga batang tumatakbo ng mabilis, pag nakakakita siya nag sli-slide at nag swi-swing, haay, sobrang tuwang-tuwa siya. kahit kasi hindi niya kayang gawin yun, kasi konting takbo lang o slide nadadapa na siya at naiinjure, maka panood lang siya ng ibang naglalaro, okey narin siya, para bang siya na rin yun. kaya ganun, tuwing play time, hindi nag kukulong sa library si chan-chan tulad ng mga stereotypes na cyborg na lampa, kundi nandun rin siya sa play ground kasama ng iba, nag che-cheer at nanonood sa mga kaibigan niya. hindi naman inaasar si chan-chan ng ibang mga bata, mababait na naman kasi ngayon ang mga bata eh, may knosensya na. sa pelikula lang naman yung mga sobrang kupal na bata eh. kaya ayun, sa panonood lang, nag eenjoy na si chan-chan.

alam mo, gustong gusto niya ang buong palyground, pero meron dun isang lugar na talagang pinapangarap niyang malaro, sagrado ito para sakanya, ito ang monkey bars. tuwing pupunta siya doon, hindi pwedeng hindi niya ito sulyapan, at hindi mapailing, at mapahangos ng malalim. masarap daw kasi ang feeling, para kang nakalutang, sabi niya. alam daw niya na ganun ang feeling kahit di pa niya ito nasusubukan. pero dahil gustong gusto niya ang monkey bars, para ba siyang nahihiya na humarap dito o panoorin ng harap harapan ang mga nag momonkey bars. para bang dyahe. kaya ang palabas niya sa mga tao wala siyang hilig sa monkeybars, alam mo yun, parang defensive mechanism niya yun. kaya kinokontento nalang niya yung sarili niya sa pag sulyap. ito pa ang malupit, lampa man siya, nasubukan na naman niyang mag swing, mag slide at mag patintero kahit minsan, pero ang monkey bars hindi pa talaga. ayaw niyang subukan, ang dami niyang dahilan, kesyo mahuhulog daw siya, basta. pero ang totoo, natatakot lang siyang masira ang magandang imahe ng monkeybars sa isip niya, ang totoo, takot talaga siya mahulog, pero higit pa dun, takot siyang magkaroon ng ala-ala na minsan nahulog siya sa monkey bars. hindi ko siya maintindihan eh, basta ganun talaga yung dahilan niya. hindi naman siya naging miserable dahil hindi pa niya naakyat ang monkeybars, pero sa loob loob niya, di talaga siya mapakali, hanggang isang araw may narinig siya sa radyo, sabi nung boses: kadyot lang, kadyot lang, bakit nahuli ang pagong? kasi hindi siya gumagalaw! kelangan pa ba imemorize yan?? pagkatapos niya ito marinig, para ba siyang nagkaroon ng epiphany. sabi niya sa sarili niya, sige na nga, aaminin ko na sa buong mundo, lalo na sa sarili ko na gusto ko talgang maglaro sa monkeybars. hindi na ako matatakot mapahiya o mabigo o magkaroon ng masamang alala tungkol sa monkeybars. kaya ayun, kinabukasan punta agad siya sa monkeybars, pero nung mga 10 hakbang nalang, napaatras siya. whapak, sabi niya sa sairili niya. bukas nalang, hindi ko kaya, sabi niya. yun, paulit-ulit yun. yung mga bukas, naging next week, hanggang naging next month, next year, hanggang nagsawa na siya sa kaka next. sabi niya, sige na nga. bukas. bukas na.

yun, dumating yung bukas. dire-diretso siya papuntang monkeybars. habang naglalakad ilang beses siya natalisod, lampa siya eh, pero wala siyang paki. ito na eh. one time big time. kaya ayun, nilakad niya ng dirediretso…

para lang abutan na wala na yung monkeybars. nilipat na daw. sobrang delekado daw eh.

kaya ayun, magsimula nun, hindi na ulit nakita ni chan-chan ang monkeybars, hindi narin niya ito nasubukan kahit kelan. hanggang ngayon, binatilyo na si chan-chan, lampa parin, para parin cyborg na lampa, parang 3CPO, at hanggang ngayon di parin nakakapag monkey bars. asar.

Leave a comment »

kung hindi ka naniniwala sa Diyos, di rin ako naniniwala na may barbero

natutuwa ako sa pari kanina, para sakin, isa siya sa pinaka malupit na mag sermon sa panghapon na misa. kasi kadalasan pag hapon at umaga, para bang nagmamadali yung mga pari mag sermon, parang wala lang, parang commonsense lang yung sinasabi nila. lalo na yung indian priest, hahaha, parang race car, natatapos niya yung mass in 15 minutes. yah, yah, alam ko, hindi naman importante ang sermon compared sa eucharist, pero wala lang, mgandang bonus talaga pag malupit ang sermon. anyway, kwento ko sainyo ang isang part, actually maraming parts na maganda, siguro sa susunod na yung iba, may king lear pa akong dapat basahin, wah!

meron daw paring nagpagupit sa barbero. habang nag papagupit siya, kwinentuhan siya nung barbero. “alam mo father, hindi ako naniniwala sa Diyos.” sabi nung barbero. “ikaw father, naniniwala ka ba?” sumagot naman yung pari, “syempre oo.” nag salita ulit yung barbero, “kasi parang mahirap maniwala sa Diyos eh, pag labas ko palang marami na agad akong nakikitang naghihirap, nagkakasakit. imposibleng mag ka Diyos.” hindi kumontra yung pari, natatakot siya kasi may nakatutok na blade sa leeg niya. [whapak naman na pari yan, takot maging martyr, haay,hehehe] tapos yun, hinintay lang nung pari matapos yung pagpapagupit tapos pag tayo niya nag simula na siyang mag salita. dumungaw siya sa labas ng pintuan na salamin tapos may nakita siyang taong grasa na may sobrang haba na buhok at mga lalaking dumaraan na mahahaba ang buhok. tapos humarap ulit siya sa barbero, “alam mo, hindi ako naniniwala sa barbero.” nagtaka naman yung barbero, “huh? bakit naman? nandito na nga ako eh, sa harap mo.” sumagot naman yung pari, “eh kasi pag dungaw ko lang sa labas ng barber shop eh marami akong nakikitang mga long hair na tang grasa at lalake eh, dahil diyan, naniniwala akong walang barbero.”

whapak!

marami pa siyang sinermon eh. maganda rin yung tungkol kay mary magdalene, pero kagaya nang sinabi ko, peste ang King Lear. sige, ciao, pagisipan mo yan. lupet noh?

Comments (3) »

bakit may world peace ang mundo

masaya ako. alam mo yun, natupad kasi yung matagal ko nang minimithing pangarap: ang world peace. nakaktuwa, tuwing lalabas ako, makikita ko ang mga tao, lahat may ngiti sa labi, lahat nag yayakapan at nag hahalikan. walang holdaper o killer o snatcher o rapist, kasi lahat nag mamahalan. may world peace na, nakakatuwa. at alam mo yung pinaka malupit sa lahat ng yun? ako ang may dahilan kung bakit may world peace.

isang araw kasi habang naglalakad ako, nakasalubong ko ang isang diwata. ganito kasi yun, dapat may pupuntahan ako nun eh, pero naisip ko, wag nalang, dyahe, wala naman akong mapapala, kaya ayun, imbes na gawin at puntahan yung dapat kong gawin at puntahan nag lakad nalang ako papuntang dela costa building. dun sa mga exhibits, pumasok ako ng nautilus, ang ganda dun eh, tahimik, madilim, at parang lugar ng pam-pot session, ganda ng ambiance. kaya yun, pumasok ako, naghahandang mag paka-emo ng biglang may nakita akong babae na nauna pa sakin. maliwanag yung damit niya at kumikintab. humarap siya sakin at ngumit. shet, sabi ko, ganda ng ngipin niya. nabasa niya ata yung isip ko kasi may linakihan pa niya yung colgate smile niya eh. ikaw si kirk diba? bigla niyang tanong sakin. whapak! pano niya yung nalaman? sumagot ako, oo, ako nga yun. nag salita ulit siya: alam mo ba, matagal na kitang pinag mamasdan, at nakita kong may mabait kang kalooban, kaya dahil diyan, isang kahilingan. natulala ako. huwat?! sabi ko. isa nga ba talaga siyang fairy? meron akong stalker na diwata? okay lang, sabi ko sa isip ko, mukha naman siyang hot eh. pag kaisip ko nun, bigla siyang nag blush. nagulat ako, nag violet kasi yung mga pisngi niya. shemay, nakakabasa nga ata siya ng isip! sori kirk, pero as usual, katulad ng milyong milyong babae sa mundo… hindi kita type. hindi naman ako nagulat nung sinabi niya yon. okay lang yun miss diwata, sanay na ako. sagot ko sakanya. napangiti siya, para bang naaawa yung mga mata niya.

okey, back to bussiness, sabi niya. yun na nga, matagal na kitang pinagmamasdan, at napansin kong may mabuti kang kalooban, kaya isang kahilingan. what!? sagot ko naman. oo, isang kahilingan, bilis, ano? anong gusto mo? pilit ng diwata…

napaisip ako, hindi agad pumasok sa isip ko ang 1 billion dollars, o PSP, o mini cooper, nablanco yung isip ko. tapos,natuwa naman ako, whaw, sabi ko sa sarili ko, di pala talaga ako materialistic. biglang sumagot ang diwata, asa ka, mabagal ka lang talaga mag isip, sabi niya habang tumatawa. oo nga, may point ka miss fairy. sagot ko. o, ano? anong gusto mo? tanong ni fairy.

um, gusto ko ng… gusto ko si… um… eh… basta.. um… sinisigaw ng isip ko, pero di ko masabi, at asa ka, hindi ko rin i-ta-type, hahaha!

alam ko na yang gusto mo. pwede ko agad yan ibigay sayo. sabi ng diwata. pero sumabad naman ako, pero hindi ba yan interfering with free will? kahit nga si God, hindi yan ginagawa eh. sagot ko naman. sabi naman nung fairy, ang trabaho ko lang naman ay magbigay ng kahilingan, ang trabaho ni God, sakanya na rin yun, hindi ko yun kaya eh, hanggang dito lang ako. sagot ng fairy. what? ang labo naman nung sinabi mo, sabi ko. tumigil ka na nga, ano, gusto mo bang tuparin ko na yang pangarap mo? gusto mo bang pag labas mi nitong nautilus nagaabang na siya sayo at mag so-stroll kayo buong magdamag? gusto mo na ba yun?

wow, oo nga, sulit yun. sabi ko sa sarili ko. pero para naman akong humiling ng zombie. pero sayang. pero ewan.

pinili kita kirk kasi alam kong isa ka sa mga duwag, mahina at lampa na talagang kelangan pa ng fairy, kaya kung ako sayo, sulitin mo na.

pero…

ano? anong hiling mo?

world peace. oo, yun ang gusto ko.

sigurado ka? wala na tong bawian. at eto lang, para matulungan ka sa desisyon mo, alam mo bang nasilip ko na ang future mo, at wala siya dun, maniwala ka sakin, wala siya dun. sino ba naman ang tatagal sa tulad mo?

… oo, gusto ko ng… gusto ko nang world peace.

okay. sabi mo yan, wala nang bawian ah.

oo naman.

sige. world peace here on the rocks.

biglang naging violet ang buong nautilus. para bang umusok ng malakas tapos biglang umikot ng sobrang bilis ang mundo. tapos nakita ko umitim ang langit. puno ng mga papel na may chinese chracters. whaw, sabi ko.

yun, kaya ngayon, maswerte ka. kaya ngayon, pag labas mo, may world peace. pasalamat ka sakin. oo, world peace. yan ang gusto ko. world peace.

Comments (1) »

para kang si blue power ranger

nakaka-asar. maiintindihan mo yung nararamdaman kong pagka-asar kung noong bata ka nangongolekta ka rin ng power rangers. ganito kasi yun, yung nararamdaman ko ngayong pagkainis ay tulad ng nararamdaman ng isang batang nangongolekta ng power rangers. alam mo yung feeling na ang kulang mo nalang ay blue power ranger. yung tipong, pag nabili mo na yun, kumpleto mo na silang anim, tapos pwede mo na silang ipaglaban sa mga alagad nina rita repulsa at ooze, alam mo yun, kumpleto na eh. pero mahal kasi ang power ranger, kaya malaki ang tyansa na hindi ito agad ibili ng magulang mo. yung tipong sasabihin nila, pag naperfect mo yung exam anak, bibilhan kita, sus, para namang makakaperfect talaga ako. basta yun nga nga, pinapangarap mo yung blue power ranger na yun, pero hindi mo nga makuha kasi ayaw kang bilhan, kaya tuwing mag ma-mall kayo ng magulang niyo lagi mo siyang sinusulyapan, hinahabol ng tingin o sadya nalamang tinititigan, at hindi lang yon, may dag-dag pa, isa nalang ang blue power ranger na yon, wala ng iba, limited edition. kaya bawa’t araw dinaraanan mo yun, pinapangarap mong mapasaiyo, pero alam mo namang hindi mapupunta sayo kasi, hindi ka naman ganun katalino para makaperfect sa exam o ganun kasama para nakawin nalang. kaya makokontento ka nalang na tignan ito araw-araw tuwing madaraanan. tapos darating yung isang araw darating yung isang napaka-bobong classmate mo kasama ang nanay niyang mayaman na matrona tapos dadaainin sa iyak ng classmate mo para bilhan siya nitong blue power ranger na buong buhay mo pinangarap. isang iyak lang niya, binilhan agad siya, mahal siya ng nanay nya eh. spoiled brat ang walang hiya eh. kaya ayun, tuwing dadaan ka, wala ka nang makikitang power ranger. sobra kang nanghihinayang kasi napunta pa sa iba. hindi mo man lang kasi sinubukan man lang iperfect ang exam, natakot ka na agad. asar. basta, parang ganun yung nararamdaman kong asar ngayon. grrr!

Comments (1) »

usapang hedonist

hindi naman importante yung sinasabi mo eh. ang mahalaga kung ano yung nararamdaman ko. pero hindi ba yun parehas importante? hindi, magkaiba yun. o? oo. eh, anong pagkakaiba ng sinasabi ko sa nararamdaman mo? eh, hindi ba obvious? obvious, ang ano? kung hindi mo pa nahahalata, hedonist talaga ako. ano yun? yung hedonist yung tipong humahabol sa pleasure, sa sarap, yun ang hedonist. okay ka pala ha. oo naman. pero hindi ba lahat naman ng tao humahabol sa pleasure at sarap, ibig sabihin ba nun lahat ng tao hedonist? ewan, siguro. hindi mo alam? oo, hindi ko alam. ah, ok. so, ano, gets mo na ba ibig kong sabihin? ibig sabihin na ano? kung bakit mas mahalaga yung nararamdaman ko kaysa sa sinsabi mo. ah, siguro. medyo. anong pagkakaintindi mo? um, hindi mahalaga kung tawagin kitang aso, ulol o pangit, ang mahalaga na-sasatisfy ko ang carnal desire mo, yun ba ang ibig mong sabihin? oo, medyo, pero not quite. ha?! bakit parang nagulat ka? eh kasi, hedonist ka, kaya dapat ganun ang pagiisip mo. oo nga, sabi ko nga diba: medyo, pero not quite. eh, ano pa ang ibig mong sabihin? pag-isipan mo. bakit pa? kasi mas masaya kung ganun. bakit may nakukuha ka bang pleasure pag nakikita mo akong nagmumukhang walang alam? oo, medyo, pero not quite. ayan ka nanaman. oo nga, ayan nanaman ako.

oo nga pala, ano ba kasing klaseng pleasure ang hinahanap mo? deh, pleasure, yung tipong masasarapan ako, yung feeling ko nasa langit na ako. eh, specific. anong tingin mo, may classifications din ang hedonist? siguro, unless kahit anong klaseng pleasure okay na sayo. ha, anong ibig mong sabihin? diba maraming klase ng pleasure? ah, ewan ko, basta pag nagpapasarap sakin, pleasure na ang tawag ko dun. napaka general mo naman na hedonist. bakit naman kasi ako mamimili, eh pare-parehas naman silang nagpapasarap sakin. eh, diba, parang pagkain, ako mahilig ako sa italian food, ayoko ng japanese dishes, malansa. ah, ganun pala ibig mong sabihin, eh, hindi naman pagkain itong pinaguusapan natin eh, sarap, pleasure, heaven, san man galing, san man nagaganap, pare-parehas lang yun, at least para sa akin. ah, ang pangit naman ng pagiging hedonist mo. pangit mo rin. mas pangit ka. pinaka pangit ka. tumigil ka na nga kundi FO na tayo.

pwede rin ba akong maging hedonist katulad mo? bakit mo naman naisip yun? kasi parang napaka simple ng buhay mo eh, hindi masyadong kumplikado ang choices. ah. so ano, pwede ba ako? hindi naman kami samahan na kailangan ng membership eh. so pu-pwede ko naring tawaging hedonist ang sarili ko ngayon? eh, ewan ko. huh?! kasi pare, its not a choice, its a calling pare. huuwaatttt!!! oo, nakakagulat noh, pero ganun talaga. ang hirap naman nun. oo nga, ako rin nahirapan noong una. eh paano mo ba na discern na hedonist ka nga talaga? eh siyempre namundol din ako, nagisip, nag silent retreat. ah, ang kumplikado naman. ganun talaga eh, life changing ang desisyon na gagawin ko eh, kaya dapat sigurado talaga ako. may point ka. oo meron talaga. so, pano nag hit sayo ang epiphany na talagang hedonist ka? noong nag meditate ako sa kantang breaking free ng high school musical. ah, oo, paborito ko yang kantang yan. basta ayun, nung pinag munimunihan ko ang kantang iyon, napagisipan ko, anak ng pating, ayokong maging katulad ng mga artistang yun. huh, anong mali sa kanila? eh, kasi sa tingin ko, baduy sila eh. huh, tapos naisipan mo nang maging hedonist kasi baduy sila. oo. hindi kita maintindihan. oo kasi, wala na namang ibang paraan para maging hindi tulad nila eh, kundi ang pagiging hedonist. ah, may point ka. oo nga meron.

um, sige alis na ako. salamat ha, liniwanagan mo ako sa pagiging isang hedonist. okay lang yun, its my pleasure to help. salamat talaga pare. basta, lagi mo lang tandaan, hindi pinipilit ang pagiging hedonist, sabi nga nila, its not a choice, its a calling.

paalam.

Comments (1) »

Protected: ito na ata ang pinaka personal na post ko dito, dyahe(password:ang mga babae,parepareho lang,may variations lang ng onti,kumbaga sa chem, para lang silang _ _ _ _ _ _ _ ng iisang kind)

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Enter your password to view comments

omigosh. masosolve ko na kaya?

dpain_over_dt.png

WHAPAK!!!

Comments (1) »