kung hindi ka naniniwala sa Diyos, di rin ako naniniwala na may barbero

natutuwa ako sa pari kanina, para sakin, isa siya sa pinaka malupit na mag sermon sa panghapon na misa. kasi kadalasan pag hapon at umaga, para bang nagmamadali yung mga pari mag sermon, parang wala lang, parang commonsense lang yung sinasabi nila. lalo na yung indian priest, hahaha, parang race car, natatapos niya yung mass in 15 minutes. yah, yah, alam ko, hindi naman importante ang sermon compared sa eucharist, pero wala lang, mgandang bonus talaga pag malupit ang sermon. anyway, kwento ko sainyo ang isang part, actually maraming parts na maganda, siguro sa susunod na yung iba, may king lear pa akong dapat basahin, wah!

meron daw paring nagpagupit sa barbero. habang nag papagupit siya, kwinentuhan siya nung barbero. “alam mo father, hindi ako naniniwala sa Diyos.” sabi nung barbero. “ikaw father, naniniwala ka ba?” sumagot naman yung pari, “syempre oo.” nag salita ulit yung barbero, “kasi parang mahirap maniwala sa Diyos eh, pag labas ko palang marami na agad akong nakikitang naghihirap, nagkakasakit. imposibleng mag ka Diyos.” hindi kumontra yung pari, natatakot siya kasi may nakatutok na blade sa leeg niya. [whapak naman na pari yan, takot maging martyr, haay,hehehe] tapos yun, hinintay lang nung pari matapos yung pagpapagupit tapos pag tayo niya nag simula na siyang mag salita. dumungaw siya sa labas ng pintuan na salamin tapos may nakita siyang taong grasa na may sobrang haba na buhok at mga lalaking dumaraan na mahahaba ang buhok. tapos humarap ulit siya sa barbero, “alam mo, hindi ako naniniwala sa barbero.” nagtaka naman yung barbero, “huh? bakit naman? nandito na nga ako eh, sa harap mo.” sumagot naman yung pari, “eh kasi pag dungaw ko lang sa labas ng barber shop eh marami akong nakikitang mga long hair na tang grasa at lalake eh, dahil diyan, naniniwala akong walang barbero.”

whapak!

marami pa siyang sinermon eh. maganda rin yung tungkol kay mary magdalene, pero kagaya nang sinabi ko, peste ang King Lear. sige, ciao, pagisipan mo yan. lupet noh?

3 Responses so far »

  1. 1

    clarisse said,

    sa mass slot ko last sem yung priest na nagmamadali kaya lagi akong nalalate. :lol:

    may isa pang version niyan, pari and soap manufacturer. ganyan din flow parang kung may nagagawa ba talaga si God. sabi ng priest bakit sila madumi, hindi rin ba gumagana yung sabon nila. sabi ng manufacturer, di naman nila ginagamit yung sabon e. :) share lang.

  2. 2

    rob said,

    haha aalis na ata si indian priest pabalik sa india. dalawa actually sila. ung isang malaki na mahirap maintindihan ung english (un ung pag monday at nagseserve ako) tas ung parang race car haha

  3. 3

    maria said,

    haha! grabe namn un. gantihan lng daw ang tawag dun. well. kung ako sa kalagawan nung pari. tama lng un :P


Comment RSS · TrackBack URI

Say your words