Archive for April, 2008

carried away post about love

ang ganda ng gospel ngayon, john 14:15-21, may tatlo siya ditong tinalakay: love, fuck the world, at trust.

if you love me, follow my commandments. whapak. napaka un-romantic. sinira ni jesus yung sparkling image ng love. binasag niya yung love myth: tightening of the chest, rushing of the heart beat, bringing out the best in you, you and me against the world, you are the only beauty i can see, you complete me. lahat ng mga cliche na ito na sinusubo sa atin ng hollywood, binasag niya, at plainly binigyan niya ito ng definition: if you love me, follow my commandments. hindi daw feeling ang love. hindi emotion. hindi endorphin rush. ito ay isang desisyon. isang desisyon na dapat mong ipaglaban, isabuhay at wag bitawan. isang paninindigan ang love. kung mahal mo ako, ‘di sundan mo ako. ganun ka simple. kung may mahal kang tao, mahalin mo siya, at walang bawian. ganun talaga. kasi, kung iisipin mo, hindi ka naman palagi nasa mood na sundin ang gusto ni god eh, at malamang alam niya yun, na hindi natin kaya, pero tahasan niya parin sinabi na ang paraan para mahalin mo ako, ay sundin mo ako. hindi pwedeng may mood swings. dapat sarado talaga ang isip mo. dapat isang paninindigan talaga. mahirap. pero ganun talaga. un-romantic, pero very chivalric. mas macho. hahaha.

kaya kung iisipin mo, isang malaking risk talaga ang mag love, kahit kanino, kahit kay god, kasi it entails responsibility, so big. it entails loyalty. it entails perseverance to do what is right, or in context, to do what love/your heart dictates, whatever the situation. even though things just seem to be fucked up. love is like holding a thin nylon string, the kind of thin string you use in kites. sometimes, you just can’t see what you’re holding to, and it gives hell a lot of rope burns, but you know deep inside that its the only way to keep the connection, to keep love alive, so you just don’t give away your grip. and damn, no matter how painful it is, or how unfruitful it may seem, you hold on like shit. yes, you are not sure if what you’re holding on is true, or if in the end you may find it to be futile, but deep inside, you hear this tiny little voice of assurance, a little seed of promise that bringsforth shoots of faith. faith to keep you going, and keep your nerves numb. faith that assures you of a direction, a path you have been looking for so long.

SHIT! I’M FUCKING CARRIED AWAY!!! HAHAHA!!! LOVE TALAGA… HAHAHA!!!!

*sa susunod nalang na post yung dalawa, yung fuck the world at yung trust. gagawa na ako ng post lab, pre lab, problem set at magaaral for LT. teka, nakakatamad…mamaya nalang, nood muna ako movie. oo nga pala, sobrang ganda ng driving lessons ni rupert grint. must watch.

Comments (2) »

spiritual dryness

i am in spiritual dyness. yaak. ang bading isulat. kadiri. dyahe. pero ganun talaga

walang dating sakin yung mga religious ko ngayong ginagawa. para bang, wala lang. kaninang umaga nga lang sa chapel, hindi ko matandaan kung pang fifth o fourth yung natapos kong mystery. yung rosaryo ko kasi yung sinusuot lang sa wrist, kaya pang 1 mystery lang. isipin mo yun?! nag ro-rosary ako, pero hindi ko alam kung anong mystery yung dapat kong pinag-me-mediteytan. nakaka-asar. para sakin, yung pag rorosary yung pinaka maganda kong nagagawa para sa sarili ko. ang sarap kasing mag meditate sa mysteries, para bang nanonood ka ng pelikula. palaging may bago. basta, ang sarap ng feeling. mas maganda pa pag kaharap yung eucharist, talagang naeenjoy ko yun. pero ngayon, kaninang umaga, at sa mga araw na lumipas, para bang wala na siyang dating. since 2nd year hi-skul, sinusubukan ko talagang ma-araw-araw ko ang rosary, masaya naman eh, pero ngayon, parang gusto ko nalang tapusin. naiinis ako.

ganun din sa misa. para bang pumupunta nalang ako for the sake of going. wala yung yearning. para bang, kailangan ko pang ulit-ulitin sa sarili ko na gift ko sa sarili ko ang pag sisimba daily, at bonus ni god para sakin, pero recently, parang tinatamad na ako. kanina nga lang hapon, nag pa-late ako para mag basketball!! haay…

yung gospel reading ko tuwing umaga, at novena to saint jude, haay.. kawawa na talaga sobra. para bang binabasa ko nalang. hindi na talaga ako nagrereflect, o kung hindi man, napaka babaw na. parang sinasayang ko lahat ng opportunities para makapag connect. para ba kasing, ewan. parang tigang.

at oo, medyo matagal na akong hindi nag coconfess.

ayun na nga, spiritual dryness na nga, nag kaka-kupal-kupal na ang religious life ko, hindi ko na alam ang gagawin, tapos naalala ko yung mukha ni myron. naalala ko kung paano niya kinupal yung speaker sa mga tanong niyang nakakagago tungkol sa spiritual dryness and stuff. tapos naisip ko, shit, i can’t be like him. hahaha. joke myron. anyway, ayun. naalala ko yung sabi ni jose maria escriva, na pinost ko sa blog na ito:

hindi naman daw importanteng na-fe-feel natin ang presence ni god pag nagdadasal tayo eh. hindi naman daw ganun kahalaga talaga yung feeling. okey nga lang daw maramdaman na para kang tanga na kumakausap sa wala, kasi sa ganun, mas nakikita ang dedication kay god. naalala ko yung gospel nung isang araw ata yun, yung parang, if you love me, you follow my words. basta parang ganun. basta yung parang pagkaintindi ko, sinasabi niya na ang pagmamahal sa kanya ay desisyon na gawin ang tama, feel mo man o hindi. balik tayo kay escriva, sabi nga niya, okey nga daw na nakakafeel ka ng dryness, pero nagdadasal ka parin, kasi sa ganung paraan, feeling mo man tanga ka, at least your being god’s jester, and that’s pretty neat diba?

kaya ayun, dry man ngayon, tigang man, pinipiga ko parin yung sarili ko gawin ang mga dati kong ginagawa. nagiging ritualistic na nga lang, kasi nga parang walang feeling, pero ayoko kasing bitawan. sa tingin ko, kasi, itong struggle na ito, mas exciting pag talagang linalabanan. alam mo yun, gaano man ka-dry, i’m trying to keep it moist man lang. basta. haaay..

/*segway: kanina, sobrang pawis ko nung misa. as in sobrang tumatagaktak. nakakahiya. nagbihis nga ako nung offertory. pero kahit na, pawis na pawis parin ako. kakatapos ko lang kasi mag basketball, kaya sobra kong kadiri. kaya ayun, nakita ako nung katabi ko. matanda na eh, naawa, pinaypayan ako buong mass! hahaha, ang saya. ang lamig. ang bait niya. lagi na akong tatabi sakanya!!*/

 

Leave a comment »

random

a thought: i never dreamt of being a chemist, can’t imagine my self being one, i’m not excelling as one in the making, but i just can’t get out, it’s like a drug you can’t easily leave. its like i’m always chasing a high, or maybe a mirage, but, i don’t know.

b thought: ang ganda ng line up ng suns, sana manalo sila sa game 2. san maglaro sa OT si amare.

c thought: ano bang gusto ko sa buhay?? hmm… bawal daw ice cream ang isagot, o isang compilation ng mga movies ni quentin tarantino. dapat daw profound. dapat daw reflective. so ano? anong gusto ko sa buhay? gusto ko ng limang (negotiable, hehehe) anak na tumatakbo sa loob ng bahay habang hinahabol ko sila kasi kailangan ko silang paliguan/pakainin/paaralin/patulugin. gusto ko ng pamilyang kakain ng sabay-sabay, nag-aaway kung kailangan, nag-babati pagkatapos ng gulo, kumakain ng gulay, may kanya-kanyang sports, may mga sariling isip at hindi sunod-sunuran. gusto kong maging fulltime dad pagkatapos ko magipon ng pera at magtayo ng isang run-from-home-bussiness. gusto ko ng isang anak na rock star, isang basketball player, isang pari, isang chemist at isang artist, pero siyempre, bahala sila, hehehe. gusto ko rin palang makapunta ng heaven, wait, hindi na siya kasama sa buhay diba? hehehe…

d thought: hindi ko pa nasisimulan post lab ko!!!

e thought: bahala na. 

Leave a comment »

three fleeting thoughts: tao, gf at Valerie Weignmann

first thought:

masaya maging tao. kahit naniniwala ka sa Diyos, kahit alam mo na gazillion times na mas magaling at mas malupet sayo ang Diyos, masaya at karangal-rangal maging tao. wala lang, naisip ko lang, na kahit pinapa ulit-ulit sabihin sa atin ng simbahan, ng maraming tao at pati narin si Jesus na tao lang tayo, na dust lang tayo kumpara kay God, na makasalanan tayo, hindi parin kahiya-hiya maging tao, kasi mataas ang tao sa paningin ni God. wala lang, naisip ko lang, kasi tignan mo, isang tao ang queen of heaven and earth, oo, tao, at ang malupit pa dun, isang babae (malamang, queen nga eh, hahaha). tignan mo, mataas talaga ang tingin ng Diyos sa tao, ginawa nga niyang reyna. ibig sabihin, lahat tayo may potential maging ganun, nasa atin lang talaga. kaya yehey!

second thought:

hindi talaga ako pwedeng mag ka gf. first of all, halatang halata naman na walang magkakagusto sa akin, yun yung number one factor. nakaka-asar ngang isipin, pero ganun talaga. tapos sabi ko sa sarili ko, sige, kunwari i-disregard ko muna yung factor na walang magkakagusto sa akin, ang pagiging kawawa naman nung gf ko yung magiging problema. wala lang, naisip ko kasi na, kung mahal ko talaga ang isang tao, which i think is a criterea para maging gf mo siya, gusto mo dapat hindi siya mapapariwara at dapat masaya siya, eh sa tingin ko, hindi ko mabibigay yung dalawang ‘yon. oi, hindi ako nag fi-fishing, naisip ko lang. may nag sabi nga eh, na ayaw daw niya ng relationship, kalokohan daw yun, kasi yung tipong taling ganun, masyadong sinasara ang mundo mo sa possibilities. well, pano naman kung yung mga possibilities na yun, eh distraction lang pala talaga, sa talagang gustong-gusto mo? whapak naman!

third thought:

pinagiispan ko kung anong uunahin ko, yung prelab o yung post lab. naisip kong simulan na yung prelab kasi yun yung kailangan ng maaga. pero nung medyo nabasa ko na, tinamad na ako at naisip ko tuloy na mamaya nalang, para pwede akong mag paturo. kaya sinumulan ko naman yung postlab nalang, tapos tinamad ako kasi gagamit ako ng calculator, kaya ayun, nag blo-blog nalang tuloy ako. at oo nga pala, nanuod ako ng pbb kanina, oo nanood ako ng TV!, tapos may nakita ako, si Valerie Weignmann, wow! ang ganda! 

Leave a comment »

sa mga nagsasabing hindi naghirap si mama mary

may nakausap ako isang beses na sinabing maswerte daw talaga si mama mary. syempre naman sumang-ayon ako. pero biglang nag-iba yung tono niya. parang sinasabi niya, maswerte lang daw talaga siya, hindi katulad ng mga santo katulad ni san lorenzo ruiz na talagang inalisan ng kuko, siya daw pinanganak nang ganun. well, tumango lang ako. hindi ko na siya sinagot kasi mabagal akong mag-isip at dahil maganda rin siya. hehehe. anyway, napag-isipan ko kanina, oo nga, merong blah-blah sorrows of mary… pero may napag-isipan din ako.

sabi kasi nung kaibigan ko, hindi na naman daw malaki ang tsansang mag karoon ng kasalanan si mary kasi pinanganak na siyang walang original sin, kaya daw effortless naman daw maging mabait, well, sa tingin ko, mali siya. ganun din naman si adam at eve eh, ginawa silang walang bahid ng kasalanan pero hanggang ngayon pinag-dudusahan natin ang malaking pag-kakamali nila. so, ibig sabihin nun, hindi automatic ang pagiging malinis ni mary sa kasalanan sa buhay niya, kundi pinag-hirapan niya rin ito. isang continous struggle sakanya.

hindi madali ang nangyari sa announcation ng angel kay mary. hindi madaling um-oo sa inaalok ni god na pinadala sa anghel. unang-una, laging nakakatakot ang presence ni god, kaya sa mga ganung pagkakataon, kadalasan wala sa tamang pag-iisip ang mga tao. hindi madaling mag-yes ng hindi humihingi ng explanation. ganito, para mas malinaw, gagamit ako ng example. hindi pwedeng maging instant hero ang isang tao sa sunog. kumbaga, hindi porket may sunog, automatic na tumatapang ang isang tao at susugod sa apoy para mag-ligtas ng tao. ang mga instinct na ito, katulad ng pagliligtas ng buhay ng iba sa panahon ng kagipitan, ay nanggagaling sa habitual na “pagliligtas” o pag tulong sa kapwa. kumbaga, magkakaroon ka lang ng instinct na sugurin ang umaapoy na building, kung sa pang araw-araw mong ginagawa, sa maliliit na paraan, gumagawa ka ng maliliit na bagay para sa iba, sa ganitong paraan, nabubuo sa subconscious ng isang tao ang pagiging selfless. ganun din kay mary. hindi siya naging one time big time na faithful sa panahon ng announciation. ang kanyang instinct ng pag oo sa gusto ni god ay nangaling sa pangaraw-araw na maliliit na bagay na pag-yes niya sa gusto ni god. gets? mahirap yun diba? yung tipong lahat ng gagawin mo, literal mong iniisip na: what would jesus do?? at siyempre mas mahirap sa lagay ni mary, kasi hindi pa naman niya kilala si jesus, kaya mahirap ang wwjd, wala siyang concrete example kundi ang sinisigaw ng puso niya. ayun, mas humirap pa diba? lahat ng ginagawa niya, sinusunod niya ang gusto ni god, at para malaman ang gusto ni god, kelan pa niyang maging contemplative palagi, so mahirap talaga, sobra. kung gusto mo ng proweba kung talagang naguluhan si mary, o talagang may struggle sa pag-oo niya sa will ni god na tanggapin niya si jesus, pwede itong ituro sa visitation of mary sa pinsan niya. hindi ako sure dito ah, pero diba, baka pumunta siya dun para mag hanap ng solace. isipin mo, batang bata pa nun si mary, baka 14 yrs lang, tapos nagkaganun na. kaya humingi siya dito ng advice siguro, o makakaramay lang, kaya nga siguro diba sabi nung pinsan niya: “hail mary full of grace…”, siguro hinihintay din ito ni mary para maging re-assurance na tama ang nangyayari sa buhay niya.

mahirap maging background person. kelangan, para dun, durog ang ego mo. dapat wala kang pride. kasi para maging background person, dapat tanggap mo na mas magaling sayo yung nasa harapan mo. ganun ang nangyari kay mary. buong buhay siyang background person. at hindi man lang niya inagaw yung lime light, andun lang siya, handang mag silbi. mahirap yun ah. yung tipong, hindi ka incontrol sa anak mo, kasi mahirap man tanggapin, mas matalino ito’t mas makapangyarihan. isipin mo, araw-araw na huwaran, whapak, mahirap yun ha. per tinanggap niya yun, maging tiga-hugas, tiga-laba, mabuting ina, lahat. lupet.

laging naririnig yung phrase na: kahit “ako nalang ang maghirap, wag lang siya” or “sana ako nalang, mas kakayanin ko pa, kesa makita siyang ganyan”. sa dami ng nagsasabi nito, malamang totoo ‘to, diba? pag may mahal kang tao, doble ang sakit na nararamdaman mo pag nakikita mo siyang nag hihirap, at wala kang magawa para tulungan siya diba? so, kung tayo palang, mga taong makasalanan, ibig sabihin, kahit gaano natin kamahal ang isang tao, dahil sa kasalanan, may bahid yung pag mamahal natin, so hindi ganun ka perpekto yung pagmamahal ay nasasaktan ng sobra pag may importante sa buhay natin na nasasaktan, lalo pa si mary na may love na sobrang pure. ibig sabihin nun, super, super sakit yung nararamdaman niya tuwing nakikita niya si jesus na inaapi, o kaya nung passion niya. diba?? kung ang normal na taong may bahid ang pagmamahal nasasaktan, paano pa si mary?

hindi ako sigurado sa mga sinabi ko. at malamang mas marami pang dahilan ang paghihirap ni mary, pero sa ngayon, ito palang naisip ko. may idadagdag ka pa ba? sabihin mo, para masaya. tapos mag marami na, sasabihin ko na sa kaibigan kong mas matanda at maganda. hehehe.

Comments (1) »

huwag mangamba

kung totoo nga daw na itim talaga yung kulay ng gabi, siguro, masaya si ako. pero hindi. alam mo kung bakit?? kasi hindi talaga ito itim!

noong panahon, kulay berde ang langit pag mag gagabi na. kaya nga gabi ang tawag dito, kasi kulay gabi siya, yung halaman, alam mo yun? kaya tuwing gabi, mag beberde ang langit, para bang may mga tumutubong halaman sa mga ulap. ang ganda ng tanawing iyon. kadalasan nga, naloloko pa nito ang mga ibon. tuwing gabi, lumilipad sia pataas ng langit, umaasang makadapo sa dambuhalang berdeng puno. pero hindi nila alam, kaya hindi sila maka hanap ng sangang dadapuan, kasi nga, wala naman talagang puno. berde lang talaga ang kulay ng gabi. masayang masaya ang mga tao noon, isipin mo ba naman, berde ang langit pag gabi?! sinong hindi matutuwa nun?

walang nagugutom nung panahon na iyon. lahat busog. walang magnanakaw, walang killer, walang rapist. may world peace nun, isipin mo ba naman, bakit pa gagawa ng masama ang mga tao, e berde naman ang langit pag gabi?

ngunit, sabi nga nila, lahat daw ng masaya, masarap at nakakakiliti, may hangganan. kaya siguro alam mo na ang susunod na mangyayari, pero ike-kwento ko parin: umitim ang langit ng gabi. nagulat at nag taka ang mga tao. nakaupo sila lahat sa labas ng kanilang mga bahay. lahat ng nag tra-trabaho tumigil, hinihintay ang pag sapit ng gabi, tuwang-tuwa kasi sila pag sinisimulan nang lamunin ng berdeng langit ang maliwanag na umaga’t dapit hapon. andun lahat ng tao, sa ilalim ng langit, umaasa na dadatnan ulit nila ang isang berdeng langit, ngunit nagkamali sila ng akala. ang tumampad sa kanila ay isang madilim na gabi. hindi na berde, kundi madilim na gabi. nagkagulo ang mga tao. nabaliw ang iba, naghandusay at nagiiyak yung iba. lahat sila nagtataka, bakit dumilim ang gabi??

nagalit ang mga tao, yung iba naman, sadyang nawalan nalamang nang pag-asa. nag simulang magkaroon ng mga krimen sa mundo. biglang nag-rape ang mga tao, pumatay, nag nakaw, tumaas ang presyo ng langis, nag ka shortage ng bigas at nag simulang magka broadband internet. hindi lang yan, dahil dumilim na ang gabi, nag simulang lumabas ang mga payasong halimaw tulad nina britney spears at paris hilton. nagkagulo ang buong mundo. siguro, kung susumahin ang mga nangyari nung panahong iyon, ang pag labas ng pirated dvd na ang pinaka maganda ng masasabi mong nagawa ng pag dilim ng gabi.

hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang pag ka berde ng langit. itim parin ito. ngunit ngayon, may mga tala na. pinanganak ito ng nagsimulang lumuha ng sabay-sabay ang mga tao sa lungkot na dulot ng pag iba ng kulay ng gabi. inaasahan sana ng sangkatauhan sa sabay-sabay na pag-iyak na bnumalik ang dating kulay ng gabi. baka raw man lang, maawa ang espiritu, ngunit hindi ito naging sapat. bahaghari man lang, sabi ng mga tao. kahit bahag-hari nalamang ang magawa ng luha namin, matutuwa na rin kami, may berde rin naman dun eh. kaso lang, sadyang mailap ang tadhana, walang bahag-haring lumabas kundi isang napaka init na buwan. nagulat ang mga taong noo’y nakahandusay sa pag iyak. bakit umiinit ang buwan?, tanong nila. tapos bigla nalamang nilang napansin na hindi na pumapatak ang mga luha nila sa sahig. tuwing lalabas ito sa mga mata nila, agad itong lumulutan. evaporation, sabi nung isang batang may salamin. walang pumansin sakanya. hinahatak ng mga espiritu ang mga luha natin kapalit ng ating pag ka suwail, sabi naman ng isang lalaking kalbo may goatee. tinginan lahat ng tao sakanya, sabay ta-tango-tango. oo nga, tama siya, sabi nila. sabay sabay umakyat ang luha ng mga tao at pag dating sa lugar sa ibabaw ng ulap, biglang tumigil ang mga mabibilog na tubig galing sa kaibuturan ng kaluluwang naghihinaing sa berdeng langit. tumigil ito’t sumayaw sa itim na langit. nagulat ang mga tao. ano yan?, tanong nilang lahat. mukhang maganda ha, sabi nung isa, oo nga, sagot naman nung isa. parang sakin galing yang tala na yun o, yung nasa gitna, sabi naman ng isang batang nag ngangalang kelog. nang sinabi niya ito, tumahimik ang lahat ng tao. lahat nag tinginan kay kelog. anong sinabi mo??, tanong nila. sumagot naman siya, nanginginig, sabi ko, akin yata yung nasa gitna. nanglisik ang mata ng mga tao, sabi nila: hindi lang yan ang sinabi mo, binigyan mo ng pangalan yang mga iyang lumipad galing sa ating mga mata. ah, yun ba? tinawag ko iyong tala. mas lalong nanlisik ang mata ng mga tao. kelog, ang kapal ng mukha mong pangalanan ang mga iyan! yang mga lumutang na yan ang mga hinaing natin na hindi narinig, mga paninibugho natin na sana bumalik ang berdeng langit na ating ina-asam-asam, at ikaw, tatawagin mo lamang itong, TALA!

nagwala ang mga tao. pinag sasasak-sak nila si kelog. inapak-apakan. binato. tingangallan ng dila at pinulupot ito sa kanyang leeg hanggang lumuwa ang kanyang mga mata at hindi na siya makahinga. nung namalayan nilang hindi na tumitibok ang puso ni kelog, bigla silang napatigil. tumingin sa madilim na langit at napangiti. sabay sabay silang nag sabi: sana naman bumalik na ang berdeng gabi, ito na ang aming alay, sana bumalik na ang berdeng gabi.

pero hindi ito gumana. hanggang ngayon, itim parin ang gabi. hanggang nagayon meron paring mga TALA. hanggang ngayon, wala paring nakaka-alam kung bakit nag palit ng kulay ang gabi. kaya hanggang ngayon, sa gitna ng kagubatan, meron paring pa-kalat kalat na sumasamba at umaasa. mga taong di pa nakakalimot sa nakaraan. isang nakaraan kung saan lahat masaya’t nag mamahalan. isang panahong, hindi pa itim ang langit at wala pang mga tala. isang panahong, berde pa ang kalangitan sa gabi.

Leave a comment »

isang emo na pag ninilay sa 5th joyful mystery

masaya yung ILC sa batangas. andaming tao. marami akong nakilalang mga bagong kaibigan na lasalista. maraming maganda. malamig, mahangin, nangitim ako. sulit.

naalala ko nung gabing gabi na ng sabado. sobrang lamig, naka shorts pa ako. lahat ng balahibo ko nakatayo. sobrang nilalamig ako nun, tapos sa harap ko, nakita ko si chad at si trisha, nagyayakapan. wow, sabi ko sa sarili ko, sulit.

buti pa sila, sabi ko, nakakapag share ng body heat, hindi gaanong nilalamigan. habang ako, naka shorts na nga, wala pang ka-share ng body heat. andun ako, naka-upo, yung ateneo jacket lang ang tanging karamay sa lamig ng tagaytay. kawawa naman ako. nasan ka init. where is the warmth that i now direly need? *emo music*

dumating yung point sa malamig na gabi na iyon na nag papatugtog na nang mga solemn songs, sabi ko sa sarili ko, ayan, oras na siguro ito para mapagpatuloy ko na ang pagrorosaryo. napuputol-putol ko kasi siya dahil wala akong mahanap na oras para lang sa sarili ko, laging may ginagawa. kaya maraming beses nag aantuk-antukan ako, sa bus, sa field, sa eufel, yung parang nag e-emo ako. asa ka, hindi ako nag e-emo, hehehe. sinusubukan ko lang tapusin yung rosaryo ko. hehehe. anyway, balik tayo sa malamig na gabi na iyon kung saan naka shorts ako at walang ka-share ng body heat at tanging ateneo jacket lang ang panangga sa hagupit ng lamig ng gabi. ayun, nag slo-slow song na, kaya labas agad ako ng rosaryo ko, pasok agad ang kanang kamay sa jacket at nagsimula na sa fifth mystery: finding of jesus in the temple.

matagal na panahon ko naring pinagninilay-nilayan ang misteryong ito, pero hindi talaga ako maka-kuha ng matinong insight. andami ko siyempre nababasa, pero gusto ko kasi, per mystery, meron din akong special insight na sakin din talaga nanggaling, at iyon, pinahihirapan ako ng misteryong ito. 

natapos ko ang 5th mystery na pinagninilaynilayan parin ang isang pirated na insight: learn to keep things in your heart, there are things that we cannot really understand. nabasa ko ito sa isang rosary guide na may mga magagandang paintings. haay. pero okey narin, at least natapos ko. akala ko, ma-ski-skip ko na ang sabado, buti naman hindi.

kaya ayun, bumalik ako sa pagkakaupo sa lamig, ngayon nakikinig na sa speaker. tinitira parin ng lamig yung legs ko, pero wala akong magagawa, ganun talaga eh. life sucks, ika-nga. anong pwede kong gawin? anong pwede kong gawin para hindi ako lamigin? nasan ang warmth na dapat binibigay sakin ng girl friend ko, isang girl friend na magkakaroon lang sana ako kung biniyayaan lamang ako ng 6 pack abs, classic good looks at suave personality. pero wala. siguro ganun talaga. tanggap ko naman eh. wala na akong magagawa diyan.

kaya ayun, tiniis ko ang lamig. naisip kong i-curl ang mga paa ko palapit sa sarili ko, tapos naisip ko, shit, hindi cool tignan, pero, ok lang, kesa naman mag freeze to death ako. tapos dumating si dani, nakisandal sa tuhod ko, whaw, yes, natakpan yung legs ko. tapos bigla rin tumabi si rob sa kanan ko, yes, mas natakpan yung lamig. tumabi naman si mia, tapos si clarisse. wow, hindi na ganun kalamig. hehehe. thanks guys. sinabi ko yun, pero sa isip lang. diyahe eh. tigasin ako eh, hehehe. tapos naisip ko, oo nga. ito ang fifth joyful mystery.

hinanap ni mary si jesus for three days. hinanap niya kung saan-saan. siguro pinuntahan niya yung mga kaibigan ni jesus, yung play ground, yung mga kamag-anak nila. malamang hinalukay ni mary yung buong lugar, pero hindi niya nakita si jesus dun. at after three days, ayun, nakita niya si jesus, sa temple, nakikipagtagisan sa mga learned people. nilapitan niya si jesus, tinanong niya bakit naman daw siya nag pahanap ng ganun, kung nag paalam lamang siya. pero sinagot din naman siya ni jesus, bakit naman daw siya hahanapin? hindi ba na nararapat lang naman siya sa simbahan, sa bahay ng tatay niya? parang ako, bakit naman ako nag hahanap ng warmth sa mga bagay na malayo, sa mga bagay wala naman talaga. andyan lang ang init, hindi nagtatago, ang warmth ay nasa lugar lamang kung nasan talaga siya nararapat, nasa mga kaibigan ko. *ohmighas, cheesy, hahaha*

// anyway, may naisip pa akong isang insight. naisip ko, masasabing mahilig din talaga si jesus sa matalino, ang ayaw niya lang yung matalinong close minded. isipin mo, iniwan niya yung nanay niya ng tatlong araw para sumama sa mga matatalinong tao? malamang naenjoy niya yun kasi tumagal siya ng ganun katagal. naenjoy niya, kasi yung mga matatalinong iyon, pinakinggan siya, kaya andun naman siya, handang mag turo at mag share ng wisdom. kaya para bang sinasabi niya na okey lang maging matalino, pupuntahan parin kita, basta wag ka lang yumabang. wag kang mag maliit, kasi diyan ako napipikon, kung makikinig ka lang, deh okey. 

Comments (3) »

his own memory[that night wasn't secret after all]

//4th run 

immersed in black and red.
drunk [and reborn] in ebony;
given purpose by [red salty] skin.
stingy as it was (is), honey spurt through.

the thin slither between good and bad,
entangles and chokes,
as it was wrapped around our neck(s).

horizon is a cocktail:
of heaven and hell.
one is to pierce, and the other is to run.

silk is an insult to [your] skin,
now only buttons stood between:
the flight of your soul.
and barbaric as i was [then],
[in a another] view a hero awoken from his slumber,
(i) ripped them off. [blood, and oil]

gems of unknown grace [and warmth] from
the [doubting] abyss of yours, rolled,
from (your) cheeks of porcelain [to my arms].
[have] i gone too far [?]
treading the path, the deserving (he)
forgot [or just scared] to venture. [overwhelmed, he may be]

fighter of a [lost] cause,
[you] battled with the fury of a cat,
but beneath is the [unsure] spirit
of another thomas.
another seeker.
just another,
dream weaver.
accepting another soul, in [her].

walking out [the door],
turned the moments, now dissolving into a memory.

again, the line was written back,
and the horizons found its clearing.

all is back to a circle. [no edges that is]

but still, the riddle remains,
for beyond good and evil, hope or not, [time and history]
lies something unheld, [only hoped for]
by you
[something you thought you found that night]
and is still in your dreams to haunt

 //hehehe, virus ba toh?? the other side naman mich.. and the author is dead.. hahaha..

Comments (1) »