masaya yung ILC sa batangas. andaming tao. marami akong nakilalang mga bagong kaibigan na lasalista. maraming maganda. malamig, mahangin, nangitim ako. sulit.
naalala ko nung gabing gabi na ng sabado. sobrang lamig, naka shorts pa ako. lahat ng balahibo ko nakatayo. sobrang nilalamig ako nun, tapos sa harap ko, nakita ko si chad at si trisha, nagyayakapan. wow, sabi ko sa sarili ko, sulit.
buti pa sila, sabi ko, nakakapag share ng body heat, hindi gaanong nilalamigan. habang ako, naka shorts na nga, wala pang ka-share ng body heat. andun ako, naka-upo, yung ateneo jacket lang ang tanging karamay sa lamig ng tagaytay. kawawa naman ako. nasan ka init. where is the warmth that i now direly need? *emo music*
dumating yung point sa malamig na gabi na iyon na nag papatugtog na nang mga solemn songs, sabi ko sa sarili ko, ayan, oras na siguro ito para mapagpatuloy ko na ang pagrorosaryo. napuputol-putol ko kasi siya dahil wala akong mahanap na oras para lang sa sarili ko, laging may ginagawa. kaya maraming beses nag aantuk-antukan ako, sa bus, sa field, sa eufel, yung parang nag e-emo ako. asa ka, hindi ako nag e-emo, hehehe. sinusubukan ko lang tapusin yung rosaryo ko. hehehe. anyway, balik tayo sa malamig na gabi na iyon kung saan naka shorts ako at walang ka-share ng body heat at tanging ateneo jacket lang ang panangga sa hagupit ng lamig ng gabi. ayun, nag slo-slow song na, kaya labas agad ako ng rosaryo ko, pasok agad ang kanang kamay sa jacket at nagsimula na sa fifth mystery: finding of jesus in the temple.
matagal na panahon ko naring pinagninilay-nilayan ang misteryong ito, pero hindi talaga ako maka-kuha ng matinong insight. andami ko siyempre nababasa, pero gusto ko kasi, per mystery, meron din akong special insight na sakin din talaga nanggaling, at iyon, pinahihirapan ako ng misteryong ito.
natapos ko ang 5th mystery na pinagninilaynilayan parin ang isang pirated na insight: learn to keep things in your heart, there are things that we cannot really understand. nabasa ko ito sa isang rosary guide na may mga magagandang paintings. haay. pero okey narin, at least natapos ko. akala ko, ma-ski-skip ko na ang sabado, buti naman hindi.
kaya ayun, bumalik ako sa pagkakaupo sa lamig, ngayon nakikinig na sa speaker. tinitira parin ng lamig yung legs ko, pero wala akong magagawa, ganun talaga eh. life sucks, ika-nga. anong pwede kong gawin? anong pwede kong gawin para hindi ako lamigin? nasan ang warmth na dapat binibigay sakin ng girl friend ko, isang girl friend na magkakaroon lang sana ako kung biniyayaan lamang ako ng 6 pack abs, classic good looks at suave personality. pero wala. siguro ganun talaga. tanggap ko naman eh. wala na akong magagawa diyan.
kaya ayun, tiniis ko ang lamig. naisip kong i-curl ang mga paa ko palapit sa sarili ko, tapos naisip ko, shit, hindi cool tignan, pero, ok lang, kesa naman mag freeze to death ako. tapos dumating si dani, nakisandal sa tuhod ko, whaw, yes, natakpan yung legs ko. tapos bigla rin tumabi si rob sa kanan ko, yes, mas natakpan yung lamig. tumabi naman si mia, tapos si clarisse. wow, hindi na ganun kalamig. hehehe. thanks guys. sinabi ko yun, pero sa isip lang. diyahe eh. tigasin ako eh, hehehe. tapos naisip ko, oo nga. ito ang fifth joyful mystery.
hinanap ni mary si jesus for three days. hinanap niya kung saan-saan. siguro pinuntahan niya yung mga kaibigan ni jesus, yung play ground, yung mga kamag-anak nila. malamang hinalukay ni mary yung buong lugar, pero hindi niya nakita si jesus dun. at after three days, ayun, nakita niya si jesus, sa temple, nakikipagtagisan sa mga learned people. nilapitan niya si jesus, tinanong niya bakit naman daw siya nag pahanap ng ganun, kung nag paalam lamang siya. pero sinagot din naman siya ni jesus, bakit naman daw siya hahanapin? hindi ba na nararapat lang naman siya sa simbahan, sa bahay ng tatay niya? parang ako, bakit naman ako nag hahanap ng warmth sa mga bagay na malayo, sa mga bagay wala naman talaga. andyan lang ang init, hindi nagtatago, ang warmth ay nasa lugar lamang kung nasan talaga siya nararapat, nasa mga kaibigan ko. *ohmighas, cheesy, hahaha*
// anyway, may naisip pa akong isang insight. naisip ko, masasabing mahilig din talaga si jesus sa matalino, ang ayaw niya lang yung matalinong close minded. isipin mo, iniwan niya yung nanay niya ng tatlong araw para sumama sa mga matatalinong tao? malamang naenjoy niya yun kasi tumagal siya ng ganun katagal. naenjoy niya, kasi yung mga matatalinong iyon, pinakinggan siya, kaya andun naman siya, handang mag turo at mag share ng wisdom. kaya para bang sinasabi niya na okey lang maging matalino, pupuntahan parin kita, basta wag ka lang yumabang. wag kang mag maliit, kasi diyan ako napipikon, kung makikinig ka lang, deh okey.
rob said,
April 10, 2008 @ 1:04 am
salamat sa insight, yan na lang iisipin ko pag naghahanap ako ng companion sa buhay hahaha
salamat at nakasama kita nung ILC
caring christmas live tree said,
December 14, 2008 @ 12:18 pm
Have You Seen This? AmazingOOOh
christmas songs silent night said,
December 14, 2008 @ 6:41 pm
Have you seen this site?