kung totoo nga daw na itim talaga yung kulay ng gabi, siguro, masaya si ako. pero hindi. alam mo kung bakit?? kasi hindi talaga ito itim!
noong panahon, kulay berde ang langit pag mag gagabi na. kaya nga gabi ang tawag dito, kasi kulay gabi siya, yung halaman, alam mo yun? kaya tuwing gabi, mag beberde ang langit, para bang may mga tumutubong halaman sa mga ulap. ang ganda ng tanawing iyon. kadalasan nga, naloloko pa nito ang mga ibon. tuwing gabi, lumilipad sia pataas ng langit, umaasang makadapo sa dambuhalang berdeng puno. pero hindi nila alam, kaya hindi sila maka hanap ng sangang dadapuan, kasi nga, wala naman talagang puno. berde lang talaga ang kulay ng gabi. masayang masaya ang mga tao noon, isipin mo ba naman, berde ang langit pag gabi?! sinong hindi matutuwa nun?
walang nagugutom nung panahon na iyon. lahat busog. walang magnanakaw, walang killer, walang rapist. may world peace nun, isipin mo ba naman, bakit pa gagawa ng masama ang mga tao, e berde naman ang langit pag gabi?
ngunit, sabi nga nila, lahat daw ng masaya, masarap at nakakakiliti, may hangganan. kaya siguro alam mo na ang susunod na mangyayari, pero ike-kwento ko parin: umitim ang langit ng gabi. nagulat at nag taka ang mga tao. nakaupo sila lahat sa labas ng kanilang mga bahay. lahat ng nag tra-trabaho tumigil, hinihintay ang pag sapit ng gabi, tuwang-tuwa kasi sila pag sinisimulan nang lamunin ng berdeng langit ang maliwanag na umaga’t dapit hapon. andun lahat ng tao, sa ilalim ng langit, umaasa na dadatnan ulit nila ang isang berdeng langit, ngunit nagkamali sila ng akala. ang tumampad sa kanila ay isang madilim na gabi. hindi na berde, kundi madilim na gabi. nagkagulo ang mga tao. nabaliw ang iba, naghandusay at nagiiyak yung iba. lahat sila nagtataka, bakit dumilim ang gabi??
nagalit ang mga tao, yung iba naman, sadyang nawalan nalamang nang pag-asa. nag simulang magkaroon ng mga krimen sa mundo. biglang nag-rape ang mga tao, pumatay, nag nakaw, tumaas ang presyo ng langis, nag ka shortage ng bigas at nag simulang magka broadband internet. hindi lang yan, dahil dumilim na ang gabi, nag simulang lumabas ang mga payasong halimaw tulad nina britney spears at paris hilton. nagkagulo ang buong mundo. siguro, kung susumahin ang mga nangyari nung panahong iyon, ang pag labas ng pirated dvd na ang pinaka maganda ng masasabi mong nagawa ng pag dilim ng gabi.
hanggang ngayon, hindi parin bumabalik ang pag ka berde ng langit. itim parin ito. ngunit ngayon, may mga tala na. pinanganak ito ng nagsimulang lumuha ng sabay-sabay ang mga tao sa lungkot na dulot ng pag iba ng kulay ng gabi. inaasahan sana ng sangkatauhan sa sabay-sabay na pag-iyak na bnumalik ang dating kulay ng gabi. baka raw man lang, maawa ang espiritu, ngunit hindi ito naging sapat. bahaghari man lang, sabi ng mga tao. kahit bahag-hari nalamang ang magawa ng luha namin, matutuwa na rin kami, may berde rin naman dun eh. kaso lang, sadyang mailap ang tadhana, walang bahag-haring lumabas kundi isang napaka init na buwan. nagulat ang mga taong noo’y nakahandusay sa pag iyak. bakit umiinit ang buwan?, tanong nila. tapos bigla nalamang nilang napansin na hindi na pumapatak ang mga luha nila sa sahig. tuwing lalabas ito sa mga mata nila, agad itong lumulutan. evaporation, sabi nung isang batang may salamin. walang pumansin sakanya. hinahatak ng mga espiritu ang mga luha natin kapalit ng ating pag ka suwail, sabi naman ng isang lalaking kalbo may goatee. tinginan lahat ng tao sakanya, sabay ta-tango-tango. oo nga, tama siya, sabi nila. sabay sabay umakyat ang luha ng mga tao at pag dating sa lugar sa ibabaw ng ulap, biglang tumigil ang mga mabibilog na tubig galing sa kaibuturan ng kaluluwang naghihinaing sa berdeng langit. tumigil ito’t sumayaw sa itim na langit. nagulat ang mga tao. ano yan?, tanong nilang lahat. mukhang maganda ha, sabi nung isa, oo nga, sagot naman nung isa. parang sakin galing yang tala na yun o, yung nasa gitna, sabi naman ng isang batang nag ngangalang kelog. nang sinabi niya ito, tumahimik ang lahat ng tao. lahat nag tinginan kay kelog. anong sinabi mo??, tanong nila. sumagot naman siya, nanginginig, sabi ko, akin yata yung nasa gitna. nanglisik ang mata ng mga tao, sabi nila: hindi lang yan ang sinabi mo, binigyan mo ng pangalan yang mga iyang lumipad galing sa ating mga mata. ah, yun ba? tinawag ko iyong tala. mas lalong nanlisik ang mata ng mga tao. kelog, ang kapal ng mukha mong pangalanan ang mga iyan! yang mga lumutang na yan ang mga hinaing natin na hindi narinig, mga paninibugho natin na sana bumalik ang berdeng langit na ating ina-asam-asam, at ikaw, tatawagin mo lamang itong, TALA!
nagwala ang mga tao. pinag sasasak-sak nila si kelog. inapak-apakan. binato. tingangallan ng dila at pinulupot ito sa kanyang leeg hanggang lumuwa ang kanyang mga mata at hindi na siya makahinga. nung namalayan nilang hindi na tumitibok ang puso ni kelog, bigla silang napatigil. tumingin sa madilim na langit at napangiti. sabay sabay silang nag sabi: sana naman bumalik na ang berdeng gabi, ito na ang aming alay, sana bumalik na ang berdeng gabi.
pero hindi ito gumana. hanggang ngayon, itim parin ang gabi. hanggang nagayon meron paring mga TALA. hanggang ngayon, wala paring nakaka-alam kung bakit nag palit ng kulay ang gabi. kaya hanggang ngayon, sa gitna ng kagubatan, meron paring pa-kalat kalat na sumasamba at umaasa. mga taong di pa nakakalimot sa nakaraan. isang nakaraan kung saan lahat masaya’t nag mamahalan. isang panahong, hindi pa itim ang langit at wala pang mga tala. isang panahong, berde pa ang kalangitan sa gabi.