may nakausap ako isang beses na sinabing maswerte daw talaga si mama mary. syempre naman sumang-ayon ako. pero biglang nag-iba yung tono niya. parang sinasabi niya, maswerte lang daw talaga siya, hindi katulad ng mga santo katulad ni san lorenzo ruiz na talagang inalisan ng kuko, siya daw pinanganak nang ganun. well, tumango lang ako. hindi ko na siya sinagot kasi mabagal akong mag-isip at dahil maganda rin siya. hehehe. anyway, napag-isipan ko kanina, oo nga, merong blah-blah sorrows of mary… pero may napag-isipan din ako.
sabi kasi nung kaibigan ko, hindi na naman daw malaki ang tsansang mag karoon ng kasalanan si mary kasi pinanganak na siyang walang original sin, kaya daw effortless naman daw maging mabait, well, sa tingin ko, mali siya. ganun din naman si adam at eve eh, ginawa silang walang bahid ng kasalanan pero hanggang ngayon pinag-dudusahan natin ang malaking pag-kakamali nila. so, ibig sabihin nun, hindi automatic ang pagiging malinis ni mary sa kasalanan sa buhay niya, kundi pinag-hirapan niya rin ito. isang continous struggle sakanya.
hindi madali ang nangyari sa announcation ng angel kay mary. hindi madaling um-oo sa inaalok ni god na pinadala sa anghel. unang-una, laging nakakatakot ang presence ni god, kaya sa mga ganung pagkakataon, kadalasan wala sa tamang pag-iisip ang mga tao. hindi madaling mag-yes ng hindi humihingi ng explanation. ganito, para mas malinaw, gagamit ako ng example. hindi pwedeng maging instant hero ang isang tao sa sunog. kumbaga, hindi porket may sunog, automatic na tumatapang ang isang tao at susugod sa apoy para mag-ligtas ng tao. ang mga instinct na ito, katulad ng pagliligtas ng buhay ng iba sa panahon ng kagipitan, ay nanggagaling sa habitual na “pagliligtas” o pag tulong sa kapwa. kumbaga, magkakaroon ka lang ng instinct na sugurin ang umaapoy na building, kung sa pang araw-araw mong ginagawa, sa maliliit na paraan, gumagawa ka ng maliliit na bagay para sa iba, sa ganitong paraan, nabubuo sa subconscious ng isang tao ang pagiging selfless. ganun din kay mary. hindi siya naging one time big time na faithful sa panahon ng announciation. ang kanyang instinct ng pag oo sa gusto ni god ay nangaling sa pangaraw-araw na maliliit na bagay na pag-yes niya sa gusto ni god. gets? mahirap yun diba? yung tipong lahat ng gagawin mo, literal mong iniisip na: what would jesus do?? at siyempre mas mahirap sa lagay ni mary, kasi hindi pa naman niya kilala si jesus, kaya mahirap ang wwjd, wala siyang concrete example kundi ang sinisigaw ng puso niya. ayun, mas humirap pa diba? lahat ng ginagawa niya, sinusunod niya ang gusto ni god, at para malaman ang gusto ni god, kelan pa niyang maging contemplative palagi, so mahirap talaga, sobra. kung gusto mo ng proweba kung talagang naguluhan si mary, o talagang may struggle sa pag-oo niya sa will ni god na tanggapin niya si jesus, pwede itong ituro sa visitation of mary sa pinsan niya. hindi ako sure dito ah, pero diba, baka pumunta siya dun para mag hanap ng solace. isipin mo, batang bata pa nun si mary, baka 14 yrs lang, tapos nagkaganun na. kaya humingi siya dito ng advice siguro, o makakaramay lang, kaya nga siguro diba sabi nung pinsan niya: “hail mary full of grace…”, siguro hinihintay din ito ni mary para maging re-assurance na tama ang nangyayari sa buhay niya.
mahirap maging background person. kelangan, para dun, durog ang ego mo. dapat wala kang pride. kasi para maging background person, dapat tanggap mo na mas magaling sayo yung nasa harapan mo. ganun ang nangyari kay mary. buong buhay siyang background person. at hindi man lang niya inagaw yung lime light, andun lang siya, handang mag silbi. mahirap yun ah. yung tipong, hindi ka incontrol sa anak mo, kasi mahirap man tanggapin, mas matalino ito’t mas makapangyarihan. isipin mo, araw-araw na huwaran, whapak, mahirap yun ha. per tinanggap niya yun, maging tiga-hugas, tiga-laba, mabuting ina, lahat. lupet.
laging naririnig yung phrase na: kahit “ako nalang ang maghirap, wag lang siya” or “sana ako nalang, mas kakayanin ko pa, kesa makita siyang ganyan”. sa dami ng nagsasabi nito, malamang totoo ‘to, diba? pag may mahal kang tao, doble ang sakit na nararamdaman mo pag nakikita mo siyang nag hihirap, at wala kang magawa para tulungan siya diba? so, kung tayo palang, mga taong makasalanan, ibig sabihin, kahit gaano natin kamahal ang isang tao, dahil sa kasalanan, may bahid yung pag mamahal natin, so hindi ganun ka perpekto yung pagmamahal ay nasasaktan ng sobra pag may importante sa buhay natin na nasasaktan, lalo pa si mary na may love na sobrang pure. ibig sabihin nun, super, super sakit yung nararamdaman niya tuwing nakikita niya si jesus na inaapi, o kaya nung passion niya. diba?? kung ang normal na taong may bahid ang pagmamahal nasasaktan, paano pa si mary?
hindi ako sigurado sa mga sinabi ko. at malamang mas marami pang dahilan ang paghihirap ni mary, pero sa ngayon, ito palang naisip ko. may idadagdag ka pa ba? sabihin mo, para masaya. tapos mag marami na, sasabihin ko na sa kaibigan kong mas matanda at maganda. hehehe.
amorgatory said,
August 26, 2008 @ 5:07 pm
uwo naghirap din si mary eh, sakit kaya cguro manganak.eere ka palang sakit na yun, what if lalabas na?o di ba?