yung taong pinagkakatiwalaan ko ng lahat, putang inang linoloko lang pala ako. putang ina. putang ina.
Archive for November, 2008
carry your cross, hindi sinabing ihampas
may nabasa akong blog. sabi niya dalawa lang daw ang klase ng tao: ang believer at non believer. siya daw nasa parte ng mga believer, sila daw ang bida, at ang kalaban naman nila yung kabilang parte, yung mga non believer. sinasabi niya na masama daw yung mga non believer. sinisira daw lahat ng kapayapaan sa buhay niya. sabi niya, galit siya sa mga non believer at gusto niyang mawala na sila sa mundo. kaya ayun, dahil believer siya, kinuha niya ang kanyang “believer’s weapon”: ang bibliya. isipin mo ba naman, talagang pinagpala itong believer na toh, kasi pag bukas niya, eksakto yung bible verse na lumabas. ‘di ko na maalala ang eksaktong nakasulat, basta parang “don’t worry, the battle has been won because the angels of god blah blah blah”. hindi talaga ako sigurado sa eksaktong sinabi, pero parang ganun narin.
marami pa siyang sinabi, pero di ko na isusulat, kasi feeling ko imbento niya lang yun para may happy ending. ang point ko, nagago lang ako nung hinati niya ang mga tao sa dalawang klase, ang believers at non believers. mas malupit pa dun, ginawa pa niyang kalaban ang mga non believers. galing noh? ang pagkaka alam ko kasi, maging believer ka man, o non believer, malaki parin ang potential mong maging kupal. naiinis lang ako sa mga ganun kasi. iniisip nila na porket believer siya, okey na siya. sa mga kwento ni jesus christ, mapapansing puro mga samaritan ang bida sa kwento niya. take note: mga pagano. malamang alam mo yung kwento niya tungkol sa good samaritan diba? sino ang good neighbor? diba ang samaritan, may sinabi ba si jesus na nag pa convert yung samaritan pagkatapos niyang maging mabait? wala naman diba? sinabi lang ni jesus, mabait at dapat tularan ang ugali ng samaritan. yun lang, period.
hindi ko sinasabing wag maniwala sa diyos, o mawalan ng rehiliyon, gusto ko lang sabihin na sana mas maging mapagunawa tayo sa iba. ano nang nangyari sa religous tolerance? asan naman dun ang love diba? sabi nga ni nietzche, anything done out of love goes beyond good and evil. eh diba, isa lang naman ang message ni jesus christ? love?
isa pa, sinabi niya na dahil nag dasal siya, nawala daw ang mga nangugulo sa buhay niya. sa tingin ko, imposible yun o kung hindi man, masama. ano nang nangyari sa carry your cross diba? sa tingin ko kasi, kahit anong dasal natin, hindi mawawala ang mga kakupalan sa buhay natin. mawala man ang isang problema, siguradong may papalit. pero hindi ba yun ang nag papa-tao sa atin? ang problema? pano mo nalalamang buhay ka pa? pag dumudugo ka pa diba? ang ibig kong sabihin, all emo-ness aside, kalokohang isipin na dahil sa dasal mawawala lahat ng kumukupal sa buhay mo, impossible yun, pero maari, dahil sa dasal pwede kang maging mas malakas. hindi malakas na tipong masasapak mo silang lahat ng gumagawa sayo ng mali, kundi malakas dahil kaya mo na silang harapin. malakas para tanggapin lahat ng kagaguhang ibabato sayo ng mundo. lakas para tumayo at ipag patuloy ang buhay. sa tingin ko yun ang importante kasi. magkaroon tayong lahat ng lakas hindi para sumapak, kundi para tumanggap ng sapak. dahil laging may mas malakas sa ating sumapak, pero kung handa tayong tumanggap ng sakit, at meron tayong tapang para tumayo ulit, sapat na yun. sabi lang naman, carry your cross, wala naman sinabing ihampas mo yun sa mga gagong tao o in your terms, non believers. hehehe. wag ka sanang magalit, hindi kita kinakalaban, wala lang, naisip ko lang.
in an abyss past my vision
flowing graces
hindered by the dike of doubt
yet persistent against opposition;
and with the force of a thousand wills
tarnished with a drop of hope:
bravery beyond recognition,
a crack to put your eye into
a peek beyond a world unknown,
a fault free of my contrition.
tears escape
finding its way back home
in an abyss past my vision
star city
kanina kwinentuhan ako ng pinsan ko tungkol sa field trip niya. pupunta daw sila dun sa mga ballet people, science museum at star city. tangina. star city.
naalala ko tuloy yung unang beses na pumunta akong star city. tangina, ang tagal na nun. bata pa ako un eh. 5 yrs old ata. wala kaming pera, pero nakapunta akong star city. ang swerte ko. star city pare. roller coaster.
kilala mo nag bigay sakin ng ticket? si kris aquino. oo, tangina, si kris aquino. di ko yun malilimutan. binigyan niya ako ng tiket sa star city, ako at ang nanay ko, all rides. ang galing. tuwang tuwa naman ako. tapos napaisip ako bigla. bakit nga ba ako nun binigyan ni kris aquino ng mga bulaklak? ng ticket na all rides pass sa star city?
dun, biglang nadurog bigla yung nostalgic scene. oo noh. guest ako. bakit? kasi tangina, matino pa ako nun. gifted pa ko nun. at least sabi nila. waw, sabi nila. literary gifted child ka. susunod ka kay doc jose rizal. sabi ni kris aquino. sana anak nalang kita. sabi rin yan ni kris aquino. ngayon kaya kung makita niya ako, masasabi pa niya kaya yun?
tangina. literary gited. yun ako dati. sabi yun ni kris aquino ah, di ko lang imbento. sabi rin yun ni cheche lazaro habang bumuntot siya sakin ng isang buong araw. sabi rin yun ni larry jinarez sa make my day with larry jinarez. sinabi din yun ng promil franchise at ng mga propesor sa up. tangina bata, sabi nila. tangina, may future ka.
meron nga ba? siguro magagaling silang teacher, propesor o gifted guru. sige, ibibigay ko na sakanila yun. pero hindi sila magaling na manghuhula. may future daw ako? tangina. lelang nilang panot.
naalala ko rin rin pala si alfie lorenzo. may litrato pa nga ako nun sa abante tabloid article niya eh. may suot akong rabbit costume. pero gago yun si alfie eh, isipin mo, tinaasan niya yung IQ ko ng 2 points sa sinulat niyang article tungkol sakin. hindi daw ako ganun ka gifted. kulang pa ng two points.
at least si alfie lorenzo hindi siya nagsinungaling sakin. nakita niya yung pagkukulang ko, kaya ayun, dinagdagan niya ng 2 points dun sa article. hindi niya sinabi sakin harap harapan na may future ako. hindi katulad nilang lahat. si alfie lorenzo, kahit gagong bading, hindi nagsinungaling sakin.
nakakaasar isipin. ano nang nangyari sa literary gifted na minsang nakilala ng mundo? tangina noh? nakakaasar. yung tipong papaasahin kang magaling ka, tapos wala ka naman palang kahahantungan? mas nakakaasar dahil ako yun eh. badtrip talaga.
ano nang nangyari sa superior iq? ano nang nangyari sa potentially gifted? asan na ang literary gifted? asan na ang batang kasama sa mga manunulat ng bansa? asan na? tangina, nabuhay ba talaga yun? o baka panaginip lang. badtrip talaga.
nakakaasar pag nakakaalala ka ng mga bagay na maganda dati. kasi maiisip mo lang kung gaano kasama yung pagbago ng mundo. badtrip.
strength, frodo, endurance
wala ako masyadong activity ngayong sembreak. nakakasawa naman mag NBA live lalo na kung 16 years na ang dynasty mong sobrang bihira mo lang i-simulate. kaya ayun, as usual, naging hobby ko ang pagiisip at pag critic ng buhay ko. naisip ko, ano nga ba ang ginawa ko sa buhay these past years? at oo. hindi ako pumayag sa mga cliche answers na binabato ko sa sarili ko. sabi ko, hindi. i have all the time in the world. yah.. i could think deeper. yes i could.
these past years, nag aaral ako. nag eexercise both physically and mentally. nag gagather ako ng experiences. binubuo ko ang pagkatao ko. nag iipon ako ng mga kaibigan. sinusubukan kong buuin ang image ko sa sarili ko. kumakain ako. naliligo. tumatae. para saan? para saan ba yun? iniipon ko lang ba lahat ng nakukuha sa mga iyon? o nagamit ko na? kung nagamit ko na, saan ko naman ginamit? o ginagamit? meron ba akong goal in mind?
inisip ko yun. medyo matagal. nakakagago minsan, pero wtf, ako naman yun. sarili ko naman yun. kung naiinis ako, sarili ko parin naman yun eh. wala akong choice kundi tanggapin. sa pagiisip ko na yun, nauwi ako sa isang resolusyon: pinapalakas ko ang sarili ko, ang buo kong pagkatao. para saan? para matalo ko once and for all ang mundo. para madurog ko ang mundong dumudurog sakin. para sirain ang lahat ng nakaharang sakin. hinahanda ko ang sarili ko para maging malakas laban sa lahat ng kokontra sa mga gusto kong gawin. sa lahat ng kokontra sa pag abot ko ng mga bagay, na sa tingin ko, magpapasaya sakin.
nagpapatalino ako, para madaan ko sila sa dunong. nag gagather ako ng experiences, para hindi nila ako maisahan, imbes, maisahan ko sila. nagpapalakas ako ng katawan, para hindi nila ako gaguhin. nagiipon ako ng pera, para magawa ang gusto ko. lahat ng ginagawa kong pagpapalakas ng buo kong pag katao, ginagawa ko, para maging unstopable force. para maging sobrang lakas, walang makakapigil sakin. napaka offensive minded. pero masisisi mo ba ako? sa pag ka gago-gago ng mundo, at least sa kinagisnan ko, masisisi mo ba ako kung gusto kong maging unstopable force?
napangiti ako. ang cool naman pala ng lahat nang paghahandang ginagawa ko eh. sa tingin ko, may pinatutunguhan naman. kaya ayun, pinakawalan ko muna ang ediyang yun sa isip ko.
recently, nanuod ako ng lord of the rings fellowship of the ring. natuwa ako kasi isa yun sa mga onting original vcd ko. pinanuod ko. natuwa naman ako. lalo na ngayong naiisip kong, bulok na ang special effects niya kung ikukumpara ngayon. hahaha. pero anyway, ayun, napanuod ko si frodo.
wala naman talaga kaming pagkakaparehas ni frodo bukod sa height siguro kaya hindi ko masasabing nakita ko ang sarili ko sakanya, pero marami akong bagong naisip dahil sa kanya. unang una: siya ang bida ng kwento. hindi siya malakas. hindi siya yung pinaka pogi (oo, yung pinaka pogi, si legolas, bakla). hindi ganun ka exciting ang character niya, pero siya ang bida. sakanya umiikot ang kwento. pero bakit? kasi malakas siya. at yung adventure niya para sirain ang ring sa mordor, pinalakas din siya nun. pero panong pagpapalakas? hindi naman lumaki muscle niya, hindi naman siya tumalino, hindi naman siya naging mas cunning? pano?
idederetso ko na agad sa sarili ko at lalagpasan na ang mga metaphors (kahit everything is a mataphor sabi nga ni oshima). naisip ko na:
a.) laging may mas malakas sakin
b.) kahit anong gagawin kong paghahanda at pagpapalakas ng kahit anong aspeto ng pagkatao ko, meron paring lalamang sakin
c.) lagi akong may weakness
d.) imposibleng maging unstoppable force
e.) pag ikaw ang offense, kadalasan, kontrabida ang hantong mo
eh kung ganun ang lagay, bakit pa ako nag hahanda? bakit ko pa pinapalakas ang pagkatao ko? bakit pa? bakit ang society ganun ang sistema? hinahanda tayo? kasi yun ang nararapat. kung yun ang nararapat, naisip ba nilang walang sense mag palakas?
nasa sakin ang mali. iniisip ko kasi na gusto kong mag palakas, o buuin ang pagkatao ko para durugin lahat ng haharang sakin. para maging unstopable, para marating ang gusto ko sa buhay. gusto kong lumakas para labanan ang mundo. pero naisip kong wala yun papupuntahan, kasi ano man ang gawin ko, gagawa at gagawa ang mundo ng paraan na saktan ako. nasa perspective ang pagkakamali ko. kelangan kong magpalakas ng buo kong pagkatao. oo. pero hindi para tumira, o lumaban, kundi para mag endure. kelangan kong maging malakas para i-endure ang lahat ng ibabato sakin ng mundo. kelangan kong maging malakas para kahit anong tama, makakatayo parin ako. kelangan kong maging malakas para sa lahat ng sugod sakin ng mundo, kaya kong buksan ang mga mata ko para matuto sa sakit. kelangan kong maging malakas para imbes na mamilipit sa bawa’t suntok ng mundo, nakatayo parin ako at natututo. oo nga. hindi para sumugod. kundi para tumayo. para hindi malayo sa tabi mo. oo. para hindi malayo sa tabi mo. kasi sa totoo naman, hindi ko kelangan talagang labanan ang mundo. ilusyon lang yun. hindi ako sasaya dun. pag kasama ka lang. dun lang naman eh. pano ko yun magagawa? hindi sa pag sugod, kundi sa pag stand ng ground. sa pagiging malakas mag endure.