wala ako masyadong activity ngayong sembreak. nakakasawa naman mag NBA live lalo na kung 16 years na ang dynasty mong sobrang bihira mo lang i-simulate. kaya ayun, as usual, naging hobby ko ang pagiisip at pag critic ng buhay ko. naisip ko, ano nga ba ang ginawa ko sa buhay these past years? at oo. hindi ako pumayag sa mga cliche answers na binabato ko sa sarili ko. sabi ko, hindi. i have all the time in the world. yah.. i could think deeper. yes i could.
these past years, nag aaral ako. nag eexercise both physically and mentally. nag gagather ako ng experiences. binubuo ko ang pagkatao ko. nag iipon ako ng mga kaibigan. sinusubukan kong buuin ang image ko sa sarili ko. kumakain ako. naliligo. tumatae. para saan? para saan ba yun? iniipon ko lang ba lahat ng nakukuha sa mga iyon? o nagamit ko na? kung nagamit ko na, saan ko naman ginamit? o ginagamit? meron ba akong goal in mind?
inisip ko yun. medyo matagal. nakakagago minsan, pero wtf, ako naman yun. sarili ko naman yun. kung naiinis ako, sarili ko parin naman yun eh. wala akong choice kundi tanggapin. sa pagiisip ko na yun, nauwi ako sa isang resolusyon: pinapalakas ko ang sarili ko, ang buo kong pagkatao. para saan? para matalo ko once and for all ang mundo. para madurog ko ang mundong dumudurog sakin. para sirain ang lahat ng nakaharang sakin. hinahanda ko ang sarili ko para maging malakas laban sa lahat ng kokontra sa mga gusto kong gawin. sa lahat ng kokontra sa pag abot ko ng mga bagay, na sa tingin ko, magpapasaya sakin.
nagpapatalino ako, para madaan ko sila sa dunong. nag gagather ako ng experiences, para hindi nila ako maisahan, imbes, maisahan ko sila. nagpapalakas ako ng katawan, para hindi nila ako gaguhin. nagiipon ako ng pera, para magawa ang gusto ko. lahat ng ginagawa kong pagpapalakas ng buo kong pag katao, ginagawa ko, para maging unstopable force. para maging sobrang lakas, walang makakapigil sakin. napaka offensive minded. pero masisisi mo ba ako? sa pag ka gago-gago ng mundo, at least sa kinagisnan ko, masisisi mo ba ako kung gusto kong maging unstopable force?
napangiti ako. ang cool naman pala ng lahat nang paghahandang ginagawa ko eh. sa tingin ko, may pinatutunguhan naman. kaya ayun, pinakawalan ko muna ang ediyang yun sa isip ko.
recently, nanuod ako ng lord of the rings fellowship of the ring. natuwa ako kasi isa yun sa mga onting original vcd ko. pinanuod ko. natuwa naman ako. lalo na ngayong naiisip kong, bulok na ang special effects niya kung ikukumpara ngayon. hahaha. pero anyway, ayun, napanuod ko si frodo.
wala naman talaga kaming pagkakaparehas ni frodo bukod sa height siguro kaya hindi ko masasabing nakita ko ang sarili ko sakanya, pero marami akong bagong naisip dahil sa kanya. unang una: siya ang bida ng kwento. hindi siya malakas. hindi siya yung pinaka pogi (oo, yung pinaka pogi, si legolas, bakla). hindi ganun ka exciting ang character niya, pero siya ang bida. sakanya umiikot ang kwento. pero bakit? kasi malakas siya. at yung adventure niya para sirain ang ring sa mordor, pinalakas din siya nun. pero panong pagpapalakas? hindi naman lumaki muscle niya, hindi naman siya tumalino, hindi naman siya naging mas cunning? pano?
idederetso ko na agad sa sarili ko at lalagpasan na ang mga metaphors (kahit everything is a mataphor sabi nga ni oshima). naisip ko na:
a.) laging may mas malakas sakin
b.) kahit anong gagawin kong paghahanda at pagpapalakas ng kahit anong aspeto ng pagkatao ko, meron paring lalamang sakin
c.) lagi akong may weakness
d.) imposibleng maging unstoppable force
e.) pag ikaw ang offense, kadalasan, kontrabida ang hantong mo
eh kung ganun ang lagay, bakit pa ako nag hahanda? bakit ko pa pinapalakas ang pagkatao ko? bakit pa? bakit ang society ganun ang sistema? hinahanda tayo? kasi yun ang nararapat. kung yun ang nararapat, naisip ba nilang walang sense mag palakas?
nasa sakin ang mali. iniisip ko kasi na gusto kong mag palakas, o buuin ang pagkatao ko para durugin lahat ng haharang sakin. para maging unstopable, para marating ang gusto ko sa buhay. gusto kong lumakas para labanan ang mundo. pero naisip kong wala yun papupuntahan, kasi ano man ang gawin ko, gagawa at gagawa ang mundo ng paraan na saktan ako. nasa perspective ang pagkakamali ko. kelangan kong magpalakas ng buo kong pagkatao. oo. pero hindi para tumira, o lumaban, kundi para mag endure. kelangan kong maging malakas para i-endure ang lahat ng ibabato sakin ng mundo. kelangan kong maging malakas para kahit anong tama, makakatayo parin ako. kelangan kong maging malakas para sa lahat ng sugod sakin ng mundo, kaya kong buksan ang mga mata ko para matuto sa sakit. kelangan kong maging malakas para imbes na mamilipit sa bawa’t suntok ng mundo, nakatayo parin ako at natututo. oo nga. hindi para sumugod. kundi para tumayo. para hindi malayo sa tabi mo. oo. para hindi malayo sa tabi mo. kasi sa totoo naman, hindi ko kelangan talagang labanan ang mundo. ilusyon lang yun. hindi ako sasaya dun. pag kasama ka lang. dun lang naman eh. pano ko yun magagawa? hindi sa pag sugod, kundi sa pag stand ng ground. sa pagiging malakas mag endure.