carry your cross, hindi sinabing ihampas

may nabasa akong blog. sabi niya dalawa lang daw ang klase ng tao: ang believer at non believer. siya daw nasa parte ng mga believer, sila daw ang bida, at ang kalaban naman nila yung kabilang parte, yung mga non believer. sinasabi niya na masama daw yung mga non believer. sinisira daw lahat ng kapayapaan sa buhay niya. sabi niya, galit siya sa mga non believer at gusto niyang mawala na sila sa mundo. kaya ayun, dahil believer siya, kinuha niya ang kanyang “believer’s weapon”: ang bibliya. isipin mo ba naman, talagang pinagpala itong believer na toh, kasi pag bukas niya, eksakto yung bible verse na lumabas. ‘di ko na maalala ang eksaktong nakasulat, basta parang “don’t worry, the battle has been won because the angels of god blah blah blah”. hindi talaga ako sigurado sa eksaktong sinabi, pero parang ganun narin.

marami pa siyang sinabi, pero di ko na isusulat, kasi feeling ko imbento niya lang yun para may happy ending. ang point ko, nagago lang ako nung hinati niya ang mga tao sa dalawang klase, ang believers at non believers. mas malupit pa dun, ginawa pa niyang kalaban ang mga non believers. galing noh? ang pagkaka alam ko kasi, maging believer ka man, o non believer, malaki parin ang potential mong maging kupal. naiinis lang ako sa mga ganun kasi. iniisip nila na porket believer siya, okey na siya. sa mga kwento ni jesus christ, mapapansing puro mga samaritan ang bida sa kwento niya. take note: mga pagano. malamang alam mo yung kwento niya tungkol sa good samaritan diba? sino ang good neighbor? diba ang samaritan, may sinabi ba si jesus na nag pa convert yung samaritan pagkatapos niyang maging mabait? wala naman diba? sinabi lang ni jesus, mabait at dapat tularan ang ugali ng samaritan. yun lang, period.

hindi ko sinasabing wag maniwala sa diyos, o mawalan ng rehiliyon, gusto ko lang sabihin na sana mas maging mapagunawa tayo sa iba. ano nang nangyari sa religous tolerance? asan naman dun ang love diba? sabi nga ni nietzche, anything done out of love goes beyond good and evil. eh diba, isa lang naman ang message ni jesus christ? love?

isa pa, sinabi niya na dahil nag dasal siya, nawala daw ang mga nangugulo sa buhay niya. sa tingin ko, imposible yun o kung hindi man, masama. ano nang nangyari sa carry your cross diba? sa tingin ko kasi, kahit anong dasal natin, hindi mawawala ang mga kakupalan sa buhay natin. mawala man ang isang problema, siguradong may papalit. pero hindi ba yun ang nag papa-tao sa atin? ang problema? pano mo nalalamang buhay ka pa? pag dumudugo ka pa diba? ang ibig kong sabihin, all emo-ness aside, kalokohang isipin na dahil sa dasal mawawala lahat ng kumukupal sa buhay mo, impossible yun, pero maari, dahil sa dasal pwede kang maging mas malakas. hindi malakas na tipong masasapak mo silang lahat ng gumagawa sayo ng mali, kundi malakas dahil kaya mo na silang harapin. malakas para tanggapin lahat ng kagaguhang ibabato sayo ng mundo. lakas para tumayo at ipag patuloy ang buhay. sa tingin ko yun ang importante kasi. magkaroon tayong lahat ng lakas hindi para sumapak, kundi para tumanggap ng sapak. dahil laging may mas malakas sa ating sumapak, pero kung handa tayong tumanggap ng sakit, at meron tayong tapang para tumayo ulit, sapat na yun. sabi lang naman, carry your cross, wala naman sinabing ihampas mo yun sa mga gagong tao o in your terms, non believers. hehehe. wag ka sanang magalit, hindi kita kinakalaban, wala lang, naisip ko lang.

6 Responses so far »

  1. 1

    mmm di mo siguro nabasa ang buong nakasulat doon at di mo siguro naintindihan.. masyado kang literal, masyado mababaw ang pagkakaintindi mo.. pero sa huli natumbok me somehow. sa sinabi mong sa pamamagitan ng dasal nagiging malakas para ituloy ang laban,, un ang essence ng post na un.. para sa mga “believers and non believers” naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang reaction mo dahil gaya nga ng sabi ko e masyado mababaw ang pag kakaintindi mo.. believer in a way na you act on it, you say it, you do it, at nasa puso un.. hindi lang dahil naniniwala ka sa dyos or dahil un ang kinalakhan mo kaya ka tinwag na believer.. hindi un ang tinutukoy ko, para sa mga non believers naman sila ung mga taong naglalakad na parang mga zombie, siguro di ka pa nakakita ako kase napaliligiran nun. sa ibang words pede naten sabihin na bulag, pede naten sabihin na ayun zombie nga. ako wala akong religion, ano ba ang religion? dekorasyon lang un.. para me mafill-up sa mga forms kapag ang tanong e what is your religion.. ang science religion yan.ang mga myembro nyang tinatawg na scientist,, ako nabubuhay dahil sa faith at paniniwala ko,, at dahil tinanggap ko na si Jesus lang ang makaka pag ligtas saken hindi ang religion or kahit ano pa man..

  2. 2

    saka isa pa ung nakasulat dun e totoo. di mo siguro alam kung nasan ako at di mo kilala ang mga taong nakapaligid saken. 3 lang ang kakampi ko at sila ang nag poprotekta saken, wag mo akong litanyahan ng mga samaritan or kung ano pa man. ibang kuwento yun at ako nagkuwento ng tungkol sa buhay ko at mga pinagdaanan ko,,at ung post na un ay tungkol sa nangyari sa buhay ko ng nakaraang araw.. maaring memoryado mo ang bibliya, pero siguro ikaw believer,, believer sa kung ano ang pag kakaintindi mo ng believer… ako believer and faithful sa mas malalim na kahulugan nun..

  3. 3

    meron kaso kpag na post ko un dito malalaman na ng madami. :-)

  4. 4

    check mo book ni m.scott peck promise.. the roadless travelled.. psychiatrist.

  5. 5

    loko to a, idol ko un e.. at sangayon ako sa knya

  6. 6

    hehehe okay ill add u ano ym mo?


Comment RSS · TrackBack URI

Say your words