nagpapagupit ako kahapon. sa may pagupitan sa may katipunan. hindi kasi ako umuwi kahapon para mag aral. pero nung nakatambay ako sa dorm, naisip kong, hmm.. pagupit muna ako. kaya ayun, nagpagupit ako.
ginupitan ako ng barbero. astig siya. hindi siya madaldal, at sumusunod siya sa instructions. pwede. pero hindi tungkol sakanya ang kwento ko, hindi rin ito tungkol sa buhok ko, kundi sa dalawang bading sa likod ko.
habang nagpapagupit ako may dalawang bading na nagkwekwentuhan sa likod ko. malungkot yung isang bading, hiniwalayan ng boyfriend, yung isa naman, bilang isang mabuting kaibigan, kino-console siya. noong una, kala ko, ‘tangina, nakaktawa tong pakinggan, laugh trip toh’ sa isip-isip ko. pero hindi pala. gagi, lakas ng dating ng mga sinabi nila. excerpt ito sa usapan nila:
bading 1: mare, tanginang mga lalaki yan
bading 2: ganun talaga sila mare
bading 1: isipin mo, ipagpapalit nalang ako, sa tsaka pang babae!
bading 2: ganun talaga, ang lalake, ang hanap talaga niyan babae, kahit gaano pa ka tsaka.
bading 1: pero, masaya naman kami eh, lahat naman binibigay ko sakanya
bading 2: bakla, tanggapin mo na ang katotohanan, pansamantalang aliw lang talaga tayo, panandalian, walang pagibig sa atin na tatagal. wala kang ibang magagawa kundi tanggapin.
bading 1: ok lang naman mare, nakuha ko naman gusto ko sakanya…
bading 2: sigurado ka ba na yun lang ang gusto mo sakanya?
bading 1: puta naman mare, putang ina nila…
bading 2: ganun talaga, panandalian. i-mura mo nalang bakla, baka sakaling mabawasan…
bading 1: bahala siya, marami pang papa diyan!
bading 2: ewan ko sayo bakla
galing noh? nakakagago man isipin, pero na-awa ako sa bading. alam mo yun, nakakalungkot isipin na tanggap na nila na walang pag ibig sa kanilang tatagal. na panandalian lang. na walang lalake para sa kanila. walang mag mamahal sa kanila ng tunay. tangina.
napaisip ako. hindi ko sinasabing bading ako ah, napaisip lang ako kung sino ang character ko sa dalawang bading… si bading 1 ba o si bading 2? ako ba yung natalo, nabigo at nasaktan pero tanga parin para maniwala at mag risk? o ako ba si bading 2 na natuto, cynical at walang pag asa? ano ba ang mas mabuti? maniwala at masaktan, o matuto at umiwas? ito kasi yung mga bagay na wala kang panalo eh. alam mo yun, parang chicken and egg. will you make yourself vulnerable or just put a wall around you? hirap noh? pero alam mo kung anong mas mahirap dun? yung maging kristyano ka, pero cynical ka parin. gets mo? kasi hindi sinasabing pag kristyano ka, wala kang talo, hindi ibig sabihin nun hindi ka masasaktan, alam mo kung ano lang ang ginagarantiya ng pagiging kristyano at paniniwala kay jesus? na love pays. oo. yun lang. yun lang naman ang mensahe ni jesus, sang lupalop ka man ng mundo. lalaki ka man, babae, bading o tomboy. love pays. isang mensahe para sa lahat, isang assurance sa mga taong tanga na patuloy na ginagawang vulnerable ang sarili nila. isang assurance na may patutunguhan lahat ng sakit mo. kaya kung kristyano ka, at cynical ka parin, hindi ba balintuna yun? hindi ba katangahan yun? nangako na nga yung diyos mo eh. ang pangyayari tuloy, para kang hinahatak sa dalawang poste nun. hindi yun pwede. its either you lose your religion, or lose your armor. i rather choose the latter.
Yani said,
January 23, 2009 @ 5:44 am
hi kuya nice blog ha visit ka rin sana sakin