ang paglalakbay niya
Part III
‘Hindi ito totoo, panaganip lamang ito’, paulit-ulit niyang binubulong sa sarili niya. Gigising ako! Ngunit kahit anong kurot, sampal at hampas niya sa sarili andun parin siya, at hindi naaalis sa kalye kung saan lahat maganda, kung saan lahat FHM models na may damit, at wait, with further inspection, naka-dress code! Kurot, sampal at hampas! Pero wala parin… Andun parin ang usok sa paningin niya.
Manong, are you ok? Tanong ng isang seksing kamukha ni Jessica Soho.
Ok? Me? A manong? ok? Ang sagot ko naman, ang gulo niyang kausap eh.
Um, manong, its you I’m talking to. Nanginig ang seksing laman ng kamukha ni Jessica Soho sa kanyang leeg.
WoW! Sabi Niya. Lumalakas ang labas ng usok sa kanyang paningin, pero mas napapansin niya ang anghel sa harap niya.
Excuse me manong?!
WoW! Seksi! What number are you?
Namula ang babaeng kamukha ni Jessica Soho’t umalis.
Manong, pahinging Fita.
WoW! Seksing pulubi! O baka model na nakapunit-punit na damit… Grasa attire… Alluring!
Manong, anong pinagsasabi mo, pahingi lamang ng Fita.
Sa seksi mong iyan, kahit buong mundo, kaso lang ang meron ko lamang ay: tinggang tinapay, yung may mukha ng babaero, ok lang ba sayo?
Manong, hindi na kumpleto ang ngipin ko, sagot ng pulubi.
Wag kang mag alala seksing pulubi, ngunguyain ko na siya para saiyo!
Nagkabitak-bitak ang ngipin Niya sa bawa’t kagat ng tinggang tinapay… Tigas talaga ng mukha ng babaerong ito, sabi Niya sa kanyang sarili… Pagkaraan ng mga 3 ngiping nabungi: eto na seksing pulubi!
Naging blue ang lahat at nawala ang usok sa paningin Niya. Wala siyang nakikita kundi blue. Marami siyang naririnig, tulad ng mga andar ng jeep at hangos ng mga naghahalikan sa kanto, pero ang pinaka malakas ay boses ng isang bakla:
Dahil ginintuan ang iyong puso, isang kahilingan!
Ang pulubi’y naging tooth fairy at pinulot ang tatlong ngipin Niyang nabungi!
Ano kaya ang hiling Niya? World peace kaya? Ending kaya ng kwento niya? Pangalan kaya? Malalaman sa susunod na kabanata…
PART II
Anong gagawin niya? Hindi siya mapakali! Pero naisip niya, hmm… Na-disprove ko ang kasabihan na kung may usok, may apoy… hmm.. galing ko…
Teka, sigurado ba akong walang apoy?
Baka kaya nawala si Inay, natupok ng apoy.
Inay!!!!
Umiyak siya ng umiyak. Ngunit walang dumating para aluhin siya. Hindi rin nawala ang usok sa kanyang mga mata. Natuyo na ang mga luha niya sa mata at pag tayo niya napansin niyang pinalilibutan na siya ng tubig na malumot. Shet, sabi niya. Ano to? Hindi hungkag ang luha ko! Meron! Meron! Meron!
Nag lakad siya ng naglakad. Malabo parin ang mata sa usok. Namomroblema siya.
Kumusta na? Sabi ni Brunita.
Ok lang, sagot niya sabay tango.
Dumaan si Brunita na mukhang nagulat na masaya.
Shet, pinansin ko ba si Brunita? Pero bakit hindi na siya… Hindi na siya panget?! Bakit hindi ko nahalata, asan na ung acne? Ung kulugo? Shet!
Natakot siya pagka’t hindi siya napangitan kay Brunita. Lumingon lingon siya, SHET, BAKIT WALA NG PANGET?! Napuno ung paningin niya ng mga magagandang dilag. Imposible to, sabi niya. Mausok parin ang paningin niya, pero malinaw niyang nakikita ang mga tao sa paligid niya, parang mga FHM models na may damit! SHET!
itutuloy…
PART I
Noong una akala lang nung lalake may lumilipad-lipad lang na lamok sa paningin niya. Sinusubukan niya itong hampasin ng kamay niya, ng tabloid na hawak niya, pati na nga ng sinturon niya, pero hindi ito matamaan (kasi hindi naman nga talaga iyon lamok eh) hanggang nahulog nalang yung pantalon niya at nag tawanan lahat ng tao. Kaya sa sobrang kahihiyan, hinayaan nalang niya ang “lamok” sa pag lipad lipad sa paningin niya, hanggang nasanay na siya’t hindi na niya ito iniinda.
Dumaan ang panahon, umuso na ang internet at nalaus na ang disco, starbucks na ang iniinom ng mga hampas lupang mayayaman at nag papakalasing na sa carbon monoxide ang mga madadamot at walang pusong mararalita (sana naiimagine niyo na ang eksena), nawala na ang lamok sa paningin ng lalake. Nagulat siya at natakot, pagkat hindi siya sanay na wala ito. Pinangalanan na nga niya itong “Inay” ( sa mga hindi nakaka-alam, isang lambing na tawag ito ng mga tulad niya sa mga nilalang na hindi ka linulubayan at patuloy na kumakabit), at ginawan pa ng kanta: “we’re all in this together!” Kaya sa sobrang piangsamahan nila, natakot siya ng bigla itong nag laho. Ngunit hindi dun nag tatapos, napuno ang paningin niya ng usok. Kahit anong pay pay ng lalaki, hindi ito mawala, tumapat na siya sa lahat ng exhaust fans ng boys CR, wala parin silbi. Natakot siya, napuno siya ng gimbal, oh mi golly, ang tangi niyang nasabi.
itutuloy…