Archive for Uncategorized

wala Akong pera kaya ibebenta Ko nalang ang kidney ng nanay Ko

Sigurado ka ba sa gagawin mo?

Tandaan mong hindi mo na matatahi ang mukha ko
O ang suso ko,
O ang puson ko. (wag mong kalimutan diyan ka rin nanggaling)

Hindi mo na uli’t maririnig ang kanta ko
Kung biniyak na ang labi ko at pinasirit ang
Halo ng lipstick-at-dugo;
Hindi mo na mararamdaman ang himas-pampatulog
pag kinalas na ang mga daliri
kong pinamanicure ko pa naman. (para sana sayo)
Wala na. Tandaan mo yan.

Ibebenta mo ang atay ko, ang kidney ko,
Ang kalamnan ko, ang bituka ko, ang matress ko (wag mong kalimutan diyan ka rin nanggaling)
Ang baga ko, ang puso ko, ang utak ko, ang retina ko,
Ang puke ko, ang buhok ko, ang kuko ko, ang dila ko
Lahat ng laman ko, Maibebenta mo. Pero tandaan mong hindi ako manika.
Hindi mo na ulit ako matatahi pa.

Leave a comment »

newton’s third law

a

Leave a comment »

vulnerability

nagpapagupit ako kahapon. sa may pagupitan sa may katipunan. hindi kasi ako umuwi kahapon para mag aral. pero nung nakatambay ako sa dorm, naisip kong, hmm.. pagupit muna ako. kaya ayun, nagpagupit ako.

ginupitan ako ng barbero. astig siya. hindi siya madaldal, at sumusunod siya sa instructions. pwede. pero hindi tungkol sakanya ang kwento ko, hindi rin ito tungkol sa buhok ko, kundi sa dalawang bading sa likod ko.

habang nagpapagupit ako may dalawang bading na nagkwekwentuhan sa likod ko. malungkot yung isang bading, hiniwalayan ng boyfriend, yung isa naman, bilang isang mabuting kaibigan, kino-console siya. noong una, kala ko, ‘tangina, nakaktawa tong pakinggan, laugh trip toh’ sa isip-isip ko. pero hindi pala. gagi, lakas ng dating ng mga sinabi nila. excerpt ito sa usapan nila:

bading 1: mare, tanginang mga lalaki yan
bading 2: ganun talaga sila mare
bading 1: isipin mo, ipagpapalit nalang ako, sa tsaka pang babae!
bading 2: ganun talaga, ang lalake, ang hanap talaga niyan babae, kahit gaano pa ka tsaka.
bading 1: pero, masaya naman kami eh, lahat naman binibigay ko sakanya
bading 2: bakla, tanggapin mo na ang katotohanan, pansamantalang aliw lang talaga tayo, panandalian, walang pagibig sa atin na tatagal. wala kang ibang magagawa kundi tanggapin.
bading 1: ok lang naman mare, nakuha ko naman gusto ko sakanya…
bading 2: sigurado ka ba na yun lang ang gusto mo sakanya?
bading 1: puta naman mare, putang ina nila…
bading 2: ganun talaga, panandalian. i-mura mo nalang bakla, baka sakaling mabawasan…
bading 1: bahala siya, marami pang papa diyan!
bading 2: ewan ko sayo bakla

galing noh? nakakagago man isipin, pero na-awa ako sa bading. alam mo yun, nakakalungkot isipin na tanggap na nila na walang pag ibig sa kanilang tatagal. na panandalian lang. na walang lalake para sa kanila. walang mag mamahal sa kanila ng tunay. tangina.

napaisip ako. hindi ko sinasabing bading ako ah, napaisip lang ako kung sino ang character ko sa dalawang bading… si bading 1 ba o si bading 2? ako ba yung natalo, nabigo at nasaktan pero tanga parin para maniwala at mag risk? o ako ba si bading 2 na natuto, cynical at walang pag asa? ano ba ang mas mabuti? maniwala at masaktan, o matuto at umiwas? ito kasi yung mga bagay na wala kang panalo eh. alam mo yun, parang chicken and egg. will you make yourself vulnerable or just put a wall around you? hirap noh? pero alam mo kung anong mas mahirap dun? yung maging kristyano ka, pero cynical ka parin. gets mo? kasi hindi sinasabing pag kristyano ka, wala kang talo, hindi ibig sabihin nun hindi ka masasaktan, alam mo kung ano lang ang ginagarantiya ng pagiging kristyano at paniniwala kay jesus? na love pays. oo. yun lang. yun lang naman ang mensahe ni jesus, sang lupalop ka man ng mundo. lalaki ka man, babae, bading o tomboy. love pays. isang mensahe para sa lahat, isang assurance sa mga taong tanga na patuloy na ginagawang vulnerable ang sarili nila. isang assurance na may patutunguhan lahat ng sakit mo. kaya kung kristyano ka, at cynical ka parin, hindi ba balintuna yun? hindi ba katangahan yun? nangako na nga yung diyos mo eh. ang pangyayari tuloy, para kang hinahatak sa dalawang poste nun. hindi yun pwede. its either you lose your religion, or lose your armor. i rather choose the latter.

Comments (1) »

calm mind

continuation toh nung huli kong post. tungkol toh sa bisita sa bahay na seminarista. yung tanginang seminaristang wala namang ginawa saking masama pero napipikon ako kasi naaalala ko yung putang inang kaaway ko. anyway, yun nga. umalis na siya ng bahay. at nung wala na siya, napaisip-isip ako. tama ba yung ginawa ko? tama lang ba yung reaction ko?

naalala ko tuloy si luke at si yoda. minsan kasi, natanong ni luke kay yoda, “how would i know what is right?” tapos sumagot si yoda in a very insightful manner, “you would know young look. if calm is your mind, know would you wrong from right.” at oo nga, tama siya. ngayong maayos na yung pagiisip ko. ngayong wala yung mukha niya sa harap ko. naisip ko nang mali ako. mali akong mag ka prejudice sa kanya. hindi naman siya ang kaaway ko. kaparehas niya lang. anyway, ang point, consumed by anger ako. sobra. at inis. at asar. at sobra ko kasing sullen. haay. anyway, ang point, tapos na. may magagawa pa ba ako? ewan. happy new year!

//oo nga pala, may laptop na ako! hp siya. hahaha, nakakatawa kasi multimedia laptop siya. malaki ang screen. for movies and games!!! hehehe… merry christmas and a happy new year!

Leave a comment »

prejudice.

now i understand what it is to be a racist. now i feel what they feel. i am an obnoxious mix of anger and prejudice. i am a monster. i thought i could never be like them, those who judge, those who can’t see beyond, well, it kind of hit me in the face really hard. i am already one of them.

this morning, my ninang, a nun told me that a missionary was going to stay in my place. yes in my place. and guess what, not an ordinary missionary, a CICM missionary. the breed of my foe. the breed of the monster who ticked the devil in me. i could not say no. how could i? but deep within me is a storm. a very, very strong storm. a CICM missionary! damn, his ugly black face just pops in my head every time. damn. i am filled with anger. hatred. for fucks sake, he was the monster who killed and destroyed me. and he was a CICM.

then a knock. i opened. he faced me. a boy. yes, a boy maybe a year or two older than me. very innocent face, even bordering in ignorance. if it was a year or two ago, i would have welcomed him in with utmost warmth, but not now. not now. i am filled with hate, anger to his kind. i know, it may be somewhat over acting, that was what i thought about those white purist, but fuck. when hate hits you bad, you get blinded. you get blinded that you never see the real person anymore, but only his kind, his kind that once fucked you up bad. now all you have is hate. yes, hate.

up to know, he is watching in my fucking tv, sitting in my fucking bed, and i have not exchange words with him yet. i can’t. i am weak. i can’t go beyond. fuck. shit.

Leave a comment »

doraemon, luke skywalker, hannah montana

have you ever felt the world tell you something? the feeling you get when the whole world conspires just to deliver you a single message? well, that happened to me yesterday. christmas eve. the first herald? doraemon. i was inside the jeepney, alone, for my last minute christmas errands when doraemon was playing inside the jeepney’s mini tv. of course i watched. i love doraemon. i love the 22nd century robotic cat who has the deepest pocket ever. so what was the show about? the magic gloves. when you use it, you can’t lose a fight. so of course novita used the gloves in order to beat the hell out of his foe, damulag. but he did not succeed. he never found damulag. instead he ended up fighting doraemon. the next herald? starwars. i had my second starwars marathon in my life time, and guess what, up to now, i still have the hots for princess leia. hehehe. anyway, what spoke to me most was the battle between the emperor, luke and darth vader. there were two strong siths, how did luke win? he did not succumb to the dark side. he did not let anger, agression and fear get the best of him. he did not kill his father, darth vader. instead, he just tried to sway him back to the good side of the force. and guess what, he won. i know, its pretty boring, but hey, that was george lucas’ idea. anyway, that was the second voice shouting. this christmas, me and my cousin got addicted to hannah montana. yes, i admit, so gay. but it is really really funny, and lilly is cute. hehehe. so as you guest it, hannah montana was the next herald. her words where: never fight fire with fire, because you would only make it bigger and get burnt. again, gay. but i just have the feeling of it shouting to me.

three messages in one day. fighting is useless. don’t succumb to anger, agression and fear. don’t fight fire with fire. so hey, okey dude up there, i think i get your point. its christmas, a time to forgive. sucky forgiveness, but its already doraemon talking to me?! how can i say no? so what the hell. right then, i rushed to st. peter’s parish to get a decent christmas confession.

what i learned?

i should love my mom not because she is perfect, but because she is my mom. i should love not out of her deserving it, but just for the sake of love. for the sake of god’s forgiveness. fuck. fuck. fuck. how can i do that when she fucked me up so bad? but what the hell? i should not succumb to the dark side. i should not be seduced by anger, agression and fear because it eats me, whole until i am but a zombie ruled by those three negativities. but, still, its difficult. but hey, its christmas. damn. i don’t know. wtf? hmm.. but its doraemon, luke and hannah, could i still say no?? could i? ok, i’ll give it a try at least. at least this christmas season.

Leave a comment »

freedom links

when the (unsure) shadows
start (to) eat the light of truth

and the scars of stolen moments
start bleeding (again);

when the lump in your throat
just makes it so hard to breathe

and the beat of your lies looses its tune;
(making the dance of life impossible)

just remember that i am (so) far apart

so far apart that i (can’t) hear you scream
so far that i can’t even see your flowing hair
or your (sly) soul get ripped to pieces

so far (apart)

free from (the tangles of) your bind
emancipated from (the weight of) your smile
and (the enchanment of) your stare

so far apart to save you
to save myself
to see me drown in agony
of loosing my suffering (joy), because i am

afraid. lost. innocent. (at will)

Leave a comment »

yung taong pinagkakatiwalaan ko ng lahat, putang inang linoloko lang pala ako. putang ina. putang ina.

Leave a comment »

carry your cross, hindi sinabing ihampas

may nabasa akong blog. sabi niya dalawa lang daw ang klase ng tao: ang believer at non believer. siya daw nasa parte ng mga believer, sila daw ang bida, at ang kalaban naman nila yung kabilang parte, yung mga non believer. sinasabi niya na masama daw yung mga non believer. sinisira daw lahat ng kapayapaan sa buhay niya. sabi niya, galit siya sa mga non believer at gusto niyang mawala na sila sa mundo. kaya ayun, dahil believer siya, kinuha niya ang kanyang “believer’s weapon”: ang bibliya. isipin mo ba naman, talagang pinagpala itong believer na toh, kasi pag bukas niya, eksakto yung bible verse na lumabas. ‘di ko na maalala ang eksaktong nakasulat, basta parang “don’t worry, the battle has been won because the angels of god blah blah blah”. hindi talaga ako sigurado sa eksaktong sinabi, pero parang ganun narin.

marami pa siyang sinabi, pero di ko na isusulat, kasi feeling ko imbento niya lang yun para may happy ending. ang point ko, nagago lang ako nung hinati niya ang mga tao sa dalawang klase, ang believers at non believers. mas malupit pa dun, ginawa pa niyang kalaban ang mga non believers. galing noh? ang pagkaka alam ko kasi, maging believer ka man, o non believer, malaki parin ang potential mong maging kupal. naiinis lang ako sa mga ganun kasi. iniisip nila na porket believer siya, okey na siya. sa mga kwento ni jesus christ, mapapansing puro mga samaritan ang bida sa kwento niya. take note: mga pagano. malamang alam mo yung kwento niya tungkol sa good samaritan diba? sino ang good neighbor? diba ang samaritan, may sinabi ba si jesus na nag pa convert yung samaritan pagkatapos niyang maging mabait? wala naman diba? sinabi lang ni jesus, mabait at dapat tularan ang ugali ng samaritan. yun lang, period.

hindi ko sinasabing wag maniwala sa diyos, o mawalan ng rehiliyon, gusto ko lang sabihin na sana mas maging mapagunawa tayo sa iba. ano nang nangyari sa religous tolerance? asan naman dun ang love diba? sabi nga ni nietzche, anything done out of love goes beyond good and evil. eh diba, isa lang naman ang message ni jesus christ? love?

isa pa, sinabi niya na dahil nag dasal siya, nawala daw ang mga nangugulo sa buhay niya. sa tingin ko, imposible yun o kung hindi man, masama. ano nang nangyari sa carry your cross diba? sa tingin ko kasi, kahit anong dasal natin, hindi mawawala ang mga kakupalan sa buhay natin. mawala man ang isang problema, siguradong may papalit. pero hindi ba yun ang nag papa-tao sa atin? ang problema? pano mo nalalamang buhay ka pa? pag dumudugo ka pa diba? ang ibig kong sabihin, all emo-ness aside, kalokohang isipin na dahil sa dasal mawawala lahat ng kumukupal sa buhay mo, impossible yun, pero maari, dahil sa dasal pwede kang maging mas malakas. hindi malakas na tipong masasapak mo silang lahat ng gumagawa sayo ng mali, kundi malakas dahil kaya mo na silang harapin. malakas para tanggapin lahat ng kagaguhang ibabato sayo ng mundo. lakas para tumayo at ipag patuloy ang buhay. sa tingin ko yun ang importante kasi. magkaroon tayong lahat ng lakas hindi para sumapak, kundi para tumanggap ng sapak. dahil laging may mas malakas sa ating sumapak, pero kung handa tayong tumanggap ng sakit, at meron tayong tapang para tumayo ulit, sapat na yun. sabi lang naman, carry your cross, wala naman sinabing ihampas mo yun sa mga gagong tao o in your terms, non believers. hehehe. wag ka sanang magalit, hindi kita kinakalaban, wala lang, naisip ko lang.

Comments (6) »

in an abyss past my vision

flowing graces
hindered by the dike of doubt
yet persistent against opposition;

and with the force of a thousand wills
tarnished with a drop of hope:
bravery beyond recognition,

a crack to put your eye into
a peek beyond a world unknown,
a fault free of my contrition.

tears escape
finding its way back home
in an abyss past my vision

Comments (1) »

star city

kanina kwinentuhan ako ng pinsan ko tungkol sa field trip niya. pupunta daw sila dun sa mga ballet people, science museum at star city. tangina. star city.

naalala ko tuloy yung unang beses na pumunta akong star city. tangina, ang tagal na nun. bata pa ako un eh. 5 yrs old ata. wala kaming pera, pero nakapunta akong star city. ang swerte ko. star city pare. roller coaster.

kilala mo nag bigay sakin ng ticket? si kris aquino. oo, tangina, si kris aquino. di ko yun malilimutan. binigyan niya ako ng tiket sa star city, ako at ang nanay ko, all rides. ang galing. tuwang tuwa naman ako. tapos napaisip ako bigla. bakit nga ba ako nun binigyan ni kris aquino ng mga bulaklak? ng ticket na all rides pass sa star city?

dun, biglang nadurog bigla yung nostalgic scene. oo noh. guest ako. bakit? kasi tangina, matino pa ako nun. gifted pa ko nun. at least sabi nila. waw, sabi nila. literary gifted child ka. susunod ka kay doc jose rizal. sabi ni kris aquino. sana anak nalang kita. sabi rin yan ni kris aquino. ngayon kaya kung makita niya ako, masasabi pa niya kaya yun?

tangina. literary gited. yun ako dati. sabi yun ni kris aquino ah, di ko lang imbento. sabi rin yun ni cheche lazaro habang bumuntot siya sakin ng isang buong araw. sabi rin yun ni larry jinarez sa make my day with larry jinarez. sinabi din yun ng promil franchise at ng mga propesor sa up. tangina bata, sabi nila. tangina, may future ka.

meron nga ba? siguro magagaling silang teacher, propesor o gifted guru. sige, ibibigay ko na sakanila yun. pero hindi sila magaling na manghuhula. may future daw ako? tangina. lelang nilang panot.

naalala ko rin rin pala si alfie lorenzo. may litrato pa nga ako nun sa abante tabloid article niya eh. may suot akong rabbit costume. pero gago yun si alfie eh, isipin mo, tinaasan niya yung IQ ko ng 2 points sa sinulat niyang article tungkol sakin. hindi daw ako ganun ka gifted. kulang pa ng two points.

at least si alfie lorenzo hindi siya nagsinungaling sakin. nakita niya yung pagkukulang ko, kaya ayun, dinagdagan niya ng 2 points dun sa article. hindi niya sinabi sakin harap harapan na may future ako. hindi katulad nilang lahat. si alfie lorenzo, kahit gagong bading, hindi nagsinungaling sakin.

nakakaasar isipin. ano nang nangyari sa literary gifted na minsang nakilala ng mundo? tangina noh? nakakaasar. yung tipong papaasahin kang magaling ka, tapos wala ka naman palang kahahantungan? mas nakakaasar dahil ako yun eh. badtrip talaga.

ano nang nangyari sa superior iq? ano nang nangyari sa potentially gifted? asan na ang literary gifted? asan na ang batang kasama sa mga manunulat ng bansa? asan na? tangina, nabuhay ba talaga yun? o baka panaginip lang. badtrip talaga.

nakakaasar pag nakakaalala ka ng mga bagay na maganda dati. kasi maiisip mo lang kung gaano kasama yung pagbago ng mundo. badtrip.

Comments (1) »

god staring back

**|| one very very dark night, john saw a man under the light of a lamp post busily looking for something. because john was a vey very good heart, he went near the man and offered to help him. “what did you drop mister?”, john asked. “well, i dropped my wallet..”, the man answered. “where exactly did you drop it?”, john asked again. “well, there, under the tree..”, the man answered. john was surprised because the tree was 2 blocks away from the lamp post. “but sir, if you dropped it there on the tree, why are you looking for it here under the lamp post?” the man looked at john, puzzled, “of course young man, its dark under that tree, how am i supposed to find it there?” ||**
(hehehe)

wierd. absurd. bullshit. right.
these past fucked-up days of my sem-break, i was just like that man who was looking for his wallet under the light of the lamp post. why? because these sem-break, i got the chance to think. stuck at home, with nothing to do, i had no other choice of passing time well but to think. think of my past semester. what just happened. was it cool? was it fulfilling? then i came to one conclusion: no chance at hell it was any where near perfect. i had a sucked up semester.

just like the man, i knew i had a problem. just like him, who knew he lost his wallet, i also know that i had a fucked up past semester. what i did about it? yup, you got it right, i searched under the light of the lamp post, at least at first. instead of going to the source of my problem, which is my self, i just blamed everyone else. I blamed my friends, my mom, mishappenings, shits, misfortunes etc. i balmed them all for my fucked up past sem. i was like the man, finding the easy way (but dumb) out. but after all the blaming, i still did not feel any better, in fact just worse. i felt worse because i just saw how coward i am. how pathetic. so with all the courage i could muster, i dove into the dark area under the tree. i went straight to the cause. the cause of my problems, the cause i knew for a long time, but was just to afraid too face it. too afraid to see what has become of me. but what the fuck?

i dove into myself in thought. guess what i saw? i did not know. that was what i found out, i did not know who i was. all i saw was a hazy self. a scary hazy image. shit. what really happened to me? did i really forget myself? did i neglect myself this past sem? have i forgetten to take care of my self? of my grades? of my whole being? did i lose myself in the chaos of this world? i don’t know. i am not sure, but those are my best guesses.

who am i? what is my problem? bugging questions eh? it even ended up to, who is my god? where is he? dryness just came, not only in terms of god, but also in terms of identity. who am i? because if the real problem is me, how could i solve it if all i have of myself is a hazy scary image. who is my god? if i was made in god’s image, then maybe i could see myself in god, or the other way around, but it seems that even my ability to understand the abstract is failing me. self searching? i dunno.

yesterday me and my younger cousin justine watched high school musical 3. a very very crappy movie, but it was my promise to her, so what the hell. it has been a long time since we last hang out. the movie sucked, but the company was fine. we talked. threw food at the cinema to sleeping parents. we run around the mall like crazy scaring people. we had fun, after a very very long time. on our way home, she looked at me, without saying anything she kissed me on the cheek. then we continued to walk. i ate my doughnut while she sipped her vanilla. life as usual, but that kiss meant a lot to me. the best thank you ever. then i understood. yes, the problem is indeed me. and not because i have forgotten my self, just like what i have first guessed, but because i have centered my past sem to me. i made my self the center of my life. everything i did last sem, i thought of how it could benefit me. ME. i was so engrossed being the center of all, looking all around me, that i did not notice that i was crumbling inside.

i could not find myself. i could not find god. but when i tried to look at a friend, i saw not only her soul, but mine as well, and god staring back.

Comments (2) »

the would-be followers of jesus

“No one who sets a hand in the plow and looks to what was left behind is fit for kingdom of God.”
Tindi noh? Yun yung gospel ngayon araw eh. Kwento nung mga taong gustong sumunod kay Jesus, pero nagpapahintay kasi may tatapusin daw muna sila, ililibing ang tatay, magpapa-alam sa pamilya. Alam mo ginawa ni Jesus sa dalawang taong ito? Kinutya niya. Sulit noh? Ano bang masama sa pag libing ng tatay? Sa pag pa-alam sa pamilya?

Ang gusto ba ni Jesus, kung susunod tayo sakanya, kalimutan na natin yung mga responsibilidad natin? Ang gusto ba niya, kalimutan natin ang ating buong pagkatao talaga, pati ang mga mahal natin sa buhay, pati ang mga responsibilidad na dapat gampanan? Yun ba ang gusto ni Jesus? Napaka ego-centric naman…

Sa tingin ko, mali lang kasi yung perspective ko. Sa tingin ko, hindi naman talaga gusto ni Jesus na wag nang ilibing yung tatay, o wag na magpa-alam; ang kinainisan niya lang, yung atras abanteng pag dedesisyon. Aminin natin,isa si Jesus sa pinaka exciting na tao. {Para nga siyang punk diba? Anarchist (to a point)? Minimalist? Walang paki sa sinasabi ng iba?} Talagang risk taker to a point na kung titignan mo, bara-bara talaga. Tira kung tira. Bara-bara para siguro sa atin, pero sa tingin ko sa pananawa ni Jesus, hindi yun risks na tine-take niya. Sobra kasi yung faith niya, sinisimulan palang niya yung isang bagay, kine-claim na niya yung victory. Hindi siya takot sa consequences, kasi alam niya, basta sinusunod niya si God, things will work out fine. Kahit hindi na niya mismo pinagisipan ng matagal. Lupet noh? Anong koneksyon?

Ang ibig kong sabihin, yun ang kinainisan ni Jesus dun sa dalawang tao. Hindi sila spontaneous. Hindi sila bara-bara. Hindi nila agad kine-claim ang victory, kasi atras abante pa sila sa desisyon nila. Gets? Parang, “sige gagawin ko toh, pero aano muna ako, kung sakali..” Diba?

Yung isang point, dapat ba talaga kalimutan natin yung mga responsibilidad natin? Sa tingin ko hindi. Sa tingin ko, mahal tayo ni Jesus bilang tayo, ant kasama sa ating pagkatao yung mga responsibilidad natin at mga kanya-kanyang minamahal natin. Eh kung ganun yung kaso, bakit siya nagalit? Kasi, kung papansinin mo yung sinabi nung dalawang potential disciples: “let me go first..”, “but first”.. Gets mo? Parang sige, susunod ako, pero bago ako sumunod, gagawin ko muna ito. Hiniwalay nung dalawang tao na yun yung personal nilang buhay sa pagsisilbi nila kay Jesus. Sa tingin ko, hindi gusto ni Jesus na iwanan mo yung patay, o yung pamilya mo, ang gusto niya, yung parteng pagkatao na yun, isama mo sa misyon mo. Malabo na noh?

Sa tingin ko, ang gusto kasi ni Jesus ipagsama ang personal na buhay at ang pagsunod sakanya. Sa tingin ko, papayag naman si Jesus sa pakiusap nung dalawang ilibing yung tatay at magpaalam sa pamilya kung ganito ang pagkasabi nila: “Jesus, tara, samahan mo naman ako, ililibing ko lang yung tatay ko.” o “Jesus, come one, let’s make paalam muna to my mama and papa. They might get alala, i’ll make pakilala narin ikaw.” Sa tingin ko, kung ganun, papayag si Jesus. Okey lang, kahit saan, basta isama mo siya. Walang atrasan. Pag sinama mo na si Jesus, hindi mo na dapat siya iwanan, kahit kelan.

Comments (2) »

pano masulit ang panahong nasa lilim ng pagmamahal ni kristo

(ginawa ko ito dahil napikon ako sa mga homily na narinig ko, paulit-ulit na tungkol sa jealousy. wala ba silang maisip na ibang perspective??)
Matthew 20:1-16, yan yung gospel nung sunday, kahapon. tungkol sa isang lalaking may ari ng vineyard na kumuha ng mga trabahador. Kumuha siya ng grupo ng mga trabahador ng umaga, kumuha din siya nung hapon na, at kumuha rin siya nung mag gagabi na. sabay sabay natapos ang tatlong grupo, at kahit na mas maraming trinabahong oras ang mga naunang trabahador na kinuha, parehas parin ang sweldo nila dun sa mga huli nang nag trabaho. na pikon sila syempre. naasar. tapos kinutya tuloy sila ni jesus. bakit kaya noh? nasan naman kasi dun ang justice diba?

anyway, kung justice at justice lang, walang sinuway si jesus (o yung landlord) na batas, kasi pinag usapan naman nila na ganun talaga ang sahod, mabait lang talaga yung landlord para bigyan din ng mataas na sahod yung mga huli nang nagtrabaho. pera naman yun ng land lord eh, dapat wala na silang paki. wala silang dahilan magalit. oo nga naman, bakit sila magagalit?

tapos biglang sabi ng kaibigan ko: okey lang naman kahit mag bigay si jesus ng pare-parehas sa lahat ng mga workers, mas matagal man nag trabaho yung ilan, pera niya yun eh. pero ang problema, ano nang incentive para mag trabaho ng maaga, para mag trabaho ng mas mahabang oras? kasi isipin mo, kung alam naman ng tao na kahit late ka ganun din ang sweldo mo, lahat nalang mag papalate.

oo nga naman. bakit ka pa mag tra-trabaho ng mahabang oras diba? ibig sabihin ba nun walang karapatan si jesus kutyain yung mga nagreklamo sakanya, kasi tama naman sila eh. sa tingin ko, hindi. sa tingin ko, may ibang gustong iparating si jesus. tinatanong ng kaibigan ko kung ano ang incentive ng mga nagtrabaho ng mas maaga? yung trabaho mismo.

isipin mo to, bakit kaya nag reklamo yung mga workers na nag trabaho ng whole day nung nalaman nilang parehas lang yung sweldo nila dun sa mga nagtrabaho ng maiksing oras? kasi naiinggit sila na sila “nagpakahirap” ng matagal habang yung iba parang wala lang. nakita mo yun, dun sa trabaho, siya daw ay “nagpakahirap”. ibig sabihin nagreklamo yung worker kasi hindi niya naenjoy yung trabaho niya. hindi niya enjoy yung ginagawa niya para sa landlord. sa tingin ko, yun yung problemang gustong ipahayag ni jesus. ang incentive nung mga nag trabaho ng mas maaga ay yung trabaho nila mismo. ang tanging paraan para hindi sila malugi ay yakapin nila ang kanilang krus, ang kanilang trabaho. kung mahal nila yung krus nila, kung mahal nila ang ginagawa nila, ang service nila sa landlord (jesus) hindi sila magrereklamo na lugi sila sa mga nahuli. sa totoo nga’y mag papasalamat pa sila lalo kasi mas matagal nilang karga yung krus nila. gets mo? kelangan mong mahalin ang krus mo. yakapin ito. pagka’t sa pag gawa nito, tanging masusulit ang panahong nasa lilim tayo ng pagmamahal ni kristo.

Comments (3) »

multi-step synthesis of self

kanina habang nag rorosaryo ako, may kumatok sa pintuan. naasar ako ng konti, nawala ako sa momentum, pero wala akong magagawa. pag bukas ko, may sumalubong sakin na bata, ‘kuya, angelus na’. nagulat ako. si jose. na-miss ko siya. bihira na kasi akong umuwi ng bahay bago mag ala-sais. kaya nakakatuwa na pagkatapos ng matagal na panahong hindi namin pagkikita, naaalala niya parin ang aming 6pm rendevouz. nakakatuwa talaga. (mas makikilala ang batang ito sa mas naunang kong post: http://templatepersonality.wordpress.com/2008/05/28/an-afternoon-with-a-good-friend/ ) ayun na nga, natapos namin yung angelus, tapos tumingin siya sa hawak-hawak ko. ano yan? sabi niya. rosary, sagot ko naman. nagdadasal ka ba? tanong niya ulit. oo, bkit? sagot ko naman ulit. turuan mo ako. sabi niya. whaw. sabi ko sa loob-loob ko. tatagal kaya ito? pero syempre, tinuloy ko yung pagtuturo sa kanya. inaasahan ko, simula palang ma-bobore na siya, pero hindi. mukhang nageenjoy siya. sa bawa’t glorious mystery, may picture akong pinapatitigan sakanya habang nag dadasal, para mas lalo niyang ma-gets. pag dating sa third mystery, descent of the holy spirit upon mary and the apostles, bigla niyang tinanong kung anong nangyayari. sinagot ko naman na bumaba ang holy spirit dun kila mary para maging matapang sila at matalino. napatingin siya sakin, tumalino sila? tanong niya. tumango naman ako. kuya, may holy spirit ka rin ba?

OHMHIGHAS! napatigil ako. anong sasabihin ko? meron nga rin ba ako? di nga ako sigurado kung nasa state of grace ako eh.. tapos biglang nag flash back ang gospel ngayong araw: You are like whitewashed tombs, which appear beautiful in the outside, but inside are full of dead men’s bones and every kind of filth!

be true to oneself. magpakatotoo sa sarili. anong ibig sabihin nun? bawal mag pakitang tao? bawal maging mukhang mabait? hindi dapat tumulong sa ibang tao kung napipilitan lang? ibig sabihin ba nun, kung masama ka, wag ka nang gumawa ng mabuti? ano? pinagisipan ko yun nung pag alis niya. pano nga ba mag paka totoo sa sarili?

may mga taong madadamot, mainitin ang ulo, may mga bastos, ang ibig sabihin ba nun hindi na sila pwedeng mag pakitang tao man lang, kahit paminsan-minsan? hindi ba na mas mabuti nang ganun para kahit paminsan-minsan nakakagawa rin sila ng tama? anong ibig sabihin ng woe to you hypocrites? tapos naisip ko yung experiment namin nung tuesday: multi step synthesis of aspirin. baka ganun din sa pag papakatoto. kelangan din multi step.

boom! multistep synthesis of one’s true self.

una, kelangan aminin muna sa sarili ang kagaguhang umiiral sa pagkatao. kelangan malaman ito at tanggapin ng buong puso. sa tingin ko ito ang unang step, at ito rin yung step kung saan maraming tao ang nastu-stuck, ako rin ata, dito na sa-stuck eh. ako kasi, alam ko yung mga kakupalan ko, inaamin ko yun sa sarili ko, tanggap kong ganun ako, tapos hanggang dun nalang ako. hindi na ako umuusad, kaya hanggang ngayon, gago parin ako. linoloko ko yung sarili ko sa pagiisip na: “nagpapakatotoo” lang naman ako eh, kaya ako gago. asa. tamad lang ako umusad sa next step.

pangalawa, tanggapin na hindi “pure” ang tunay na pagkatao. hindi ako naniniwalang tunay na dalisay ang pagkatao ng bawa’t isa, siguro totoo yun sa mga taong hindi exposed sa internet, sa TV, sa video games, sa MTV, hehe, pero ako exposed ako dun, at alam kong yurak na ang “tunay” kong pagkatao. hindi dapat lokohin ang sariling hindi naman talaga ikaw ang mga masasamang bagay na iyong ginagawa. isang malaking kahibangan yun. lahat ng masama mong ginagawa, at epekto sa iba ay tanging repleksyon ng iyong pagkatao. nakakagago yun tanggapin. pero ganun talaga.

pangatlo, kelangan tanggapin sa sarili na hindi okey ang lahat. laging maririnig ang ganitong dahilan: wala ka nang mgagawa, ganito talaga ako, masaya naman ako eh, bakit ako magbabago? isa rin yang malaking pagsisinungaling sa sarili. sinasabi mo lang yan kasi mas madaling tanggapin na masaya ka na. na hindi na kelangan ng pagbabago, kasi okey ka na. sinasabi mo lang yan kasi mahirap tanggapin ang katotohanang hindi ka masaya sa pagkatao mo ngayon, na sa totoo lang nagagago ka sa mga masama mong nagagawa at sa mga epekto nito sa iba at pati na rin sa sarili. oo, mahirap ‘to kasi dito, kelangan mong tapakan yung sarili mong pride. kelangan mo tanggapin na hindi perpekto ang estado mo ngayon. hindi yun madali. pero kelangan. kasi ito ang tanging paraan para makapunta sa susunod na hakbang.

pang-apat, papasukin ang ligaya. naniniwala akong iba’t-iba ang pagkatao ng bawa’t isa, naniniwala rin akong maaring magkakaiba ang katotohanan sa bawa’t isa, ngunit naininiwala rin ako sa isang katotohanang alam kong laganap sa lahat: ang katotohanan ng ligaya, at ang katotohanang lahat ng tao, ako at ikaw, ito ang hinahanap. nakarating ka sa hakbang na ito, ibig sabihin ngayon, alam mo nang hindi ka okey. alam mong may kulang sa buhay mo, at yang pagtanggap na yan ang nagbukas sayo sa ligaya. dahil alam mo nang butas ka, alam mo nang kaya mong papasukin ang ligaya sa sarili mo, kelang mo lang siyang tanggapin at papasukin. pano? hindi ko alam. ano bang pinaka nagpapaligaya sayo? mas maayos sigurong tanong, sino ang mga nagpapaligaya sayo? sila ang mga taong nagpapaligaya sayo ngunit unti-unti mo naman tinataboy dahil sa mga dati mong illusyon ng iyong pagkatao. sino? kasi ngayon, alam mo nang kupal ka at alam mo naring kelangan talaga ng pagbabago ang tunay na ikaw, kaya maitatakwil mo na ang ang pagkatao mong puno ng kagaguhan. kasi ngayon, nakikita mo na kung ano talaga ang mahalaga. diba? ngayon kasi nakikita mo na ang pagkataong lihim nang inaasam ng iyong kaluluwa, isang pagkataong matagal mo nang tinatanggi, diba? alam mo nang ang pagkataong hangad mo’y di talaga kumplikado, at matagal nang nasayo. sa totoo nga’y sobrang payak lamang nito eh: isa ka lamang pakete nang pagmamahal. oo, sa tingin ko ikaw yan pagkatapos hilurin lahat ng illusyon at pagsisinungaling. isa ka lamang simpleng pakete ng pagmamahal na bukas sa ligaya at sa ibang tao. isa ka lang love-bag, in the most innocent sense.. actually, pwede rin in the not so innocent eh… hehehe…

sa madaling salita, ang makikita mo rin sa rurok ng iyong paghahanap sa iyong tunay na pagkatao ay ang iyong puso. makikita mong ang pinakamalalim na ikaw, ay ang pagkatao mong marunong ngumiti, ang pagkatao mong yumayakap sa iba, ang pagkatao mong nagmamahal.

gustong gusto ko talaga si jose. lagi niya akong pinapa-isip.

Comments (1) »