many are called but few are chosen. gospel yan ngayon. nagtawag daw yun hari ng isang feast, tapos walang pumunta sa mga inimbita niya kaya tumawag nalang siya ng iba, inimbita niya yung mga strangers. andami niyang inimbita sa feast niya, sobrang short notice, pero dahil kainan yun, syempre marami-rami parin yung pumunta. tapos sa gitna nang feast, may nakita yung hari na hindi naka party attire. naasar siya. pinakulong niya yung lalaking hindi naka party attire.
ang wierd nang hari noh? short notice lang eh, kaya malay mo, kaya hindi nakapaghanda yung lalaki, buti nga pumunta pa eh. pero kung titignan mo nang mas malalim, anong ibig sabihin nun para sakin?
nahirapan akong maghanap nang sarili kong kahulugan para sa parable na yun eh. kasi yung mga naiisip ko, sinermon na nang pari. ayoko naman na wala akong originality. nasabi ko na ba yun? pag may nagustuhan kasi akong stuff sa bible, gusto ko, may unique meaning siya para sakin, or at least, isang kahulugan na cliche man, hindi pa nasasabi sakin.
para sakin, ang ibig sabihin nung parable na yun, hindi sapat na mag karoon ka nang rehiliyon. hindi sapat na nagsisimba ka palagi. hindi sapat na nag sa-sign of the cross ka at nag rorosaryo. hindi sapat nag ginagawa mo yung mga pine-prescribe nang rehiliyon mo. hindi ko sinasabing hindi mo yun dapat gawin, ang sinasabi ko lang, hindi yun sapat. parang dun sa party, hindi sapat na pumunta ka at maki-kain, dapat nakabihis pang party ka rin. dapat, hindi ka lang kristyano sa pagdadasal, pagsisimba at kung ano-ano pang mga ritwal pang kristyano. dapat kristyano ka rin tignan. dapat pag nakita ka nang mga tao, malalaman nila sa aura mo na kristyano ko. na dapat, sa lahat ng ginagawa mo sa buhay, nakikita yung tatak nang pagiging kristyano. na dapat, kasabay ng mga ritwal, yung sariling pag-karga ng kanya-kanyang krus.
tangina, sobrang hirap naman nun lord. sabi ko sa sarili ko, actually, pwede rin kay god. nasa tricycle ako nun eh. ang hirap naman nun, ibabandera ko yung rehiliyon ko? eh baka wala nang maging katoliko dahil ayaw nilang magaya sakin. tapos biglang naisip ko, yun na nga eh, kaya kelangan mo talagang baguhin yung image mo. shit. ang hirap naman nun. ayoko na nga. tapos biglang naimagine ko yung sarili ko sa dungeon “where there is wailing and grinding of teeth”. puta naman.
perplexed ako syempre, ayoko naman pumunta nang hell, pero anong dapat kong gawin. tumingin tingin ako sa loob ng tricycle, nakita ko yung picture ni ruffa mae na nakabikini at pinagmamalaking wala siyang fungi (at siguro rin na malaki yung boobs niya). nakangiti siya sakin habang sinasabing barya lang daw sa umaga. then it hit me. tama!
hindi naman close minded si god eh. actually, cool siya, kaya sa tingin ko, may fashion sense siya, at dahil napaka artistical niya, marunong din siyang mag-appreciate nang iba’t ibang klase ng fashion. hindi naman siguro coat and tie ang prescription niya sa party eh, basta naman siguro, the best attire you have, o pwede rin basta dun ka mag mumukhang pogi. oo nga, sa tingin ko, kahit naka bikini lang si ruffa mae, papapasukin parin naman siya sa party eh, kung dun naman talaga siya maganda diba? ganun din ata siya sakin. siguro, hindi naman niya ako gusto na ka coat or nakabarong. ako bahala sa sarili kong fashion sense basta magmukha akong pinaka pogi. ako ang bahala sa paraan nang pagpapakalat nang pagmamahal niya sa mundo. walang restrictions kung pano. basta ginagamit ko yung puso ko sa mga ginagawa ko, okey na. walang iisang paraan. iba’t ibang variations, ang importante lang dapat, pag ibig ang pinaka core ng lahat. pagibig na nang gagaling sakanya, tapos irereflect ko naman sa iba.
*dumukot ako ng ice drop sa freezer ng botika. ang lamig nang mga ice drop, kaso lang puro tunaw naman. buti nalang may isa pang naiwan na matigas. tama nga yung kasabihang, MANY ARE COLD, BUT FEW ARE FROZEN.*